Rhia's POV
"Rhia this is my pamangkin Hayme, Hayme this is Rhia anak ng close friend ko" Pakilala ni tita Rose, nakikipag shake hands ako pero ang rude tinignan lang yung kamay ko at tumango at sumakay na sa sasakyan. Di man lang ngumiti
"Pag pasensyahan mo na meron ata" sabi ni tita Rose at natawa nalang kami dun pag sakay ko ng sasakyan, available seat nalang ay yung sa likod shocks! Hindi pa naman ako umuupo sa likod kapag mahaba ang byahe, i cleared my throat kaso waepek kay Mr. Sungit oo nga naman paano niya ako maririnig kung naka headphones siya? Tanga ko talaga
Kinalabit ko siya at tumingin naman, "pwede ba ako tumabi dito?" tanong ko at di siya sumagot nag type nalang ulit sa phone niya, i rolled my eyes "subukan mo kaya tanggalin yang headphones mo nang marinig mo ako" bulong ko sa sarili ko
Kinalabit ko ulit "sabi ko kung pwede ba akong tumabi sa'yo?" tanong ko pero this time louder na halos sumisigaw na ako
"Nadidinig kita kasi wala pang nakaplay na music" sabi niya at mukhang asar, okay medyo embarrassing yun.
"Nadidinig mo naman pala eh so please sige na, pwede ba makiupo dito?"
"Bakit ba? Crush mo siguro ako noh?" Sabi niya sabay smirked
"Neknek mo" sabi ko at dinilaan siya, at umupo nalang ako sa likod.
Okay lang kahit magkandahilo-hilo ako dito sa likod basta 'wag lang makatabi yang lalaking ubod ng hangin daig pa ipo-ipo eh.
"Maghanda na kayo sa adventure niyo" sabi ni tita rose tumingin lang kami sa kanya ni Hayme, at umandar na ang sasakyan.
I sigh put my earphones on, and at that moment i knew that this adventure could possibly change my life.
~~~~
Sobrang hilong-hilo na ako at hindi ko na kaya, feeling ko bumaliktad na yung bituka ko at parang naduduwal na ako.
I sigh Rhia kung hindi mo na kaya lunukin mo na pride mo.
"Hayme" sabi ko
"Bakit?"
"Palit tayo"
"Ha? Eh ako nauna dito eh!"
I make face napaka gentleman naman neto talaga nga naman
Tumayo ako at sumiksik ako sa upuan at natatawa naman ako kasi alam kon inis na inis si Hayme.
"Ano ba?! Diba sa likod nga ang pwesto mo!" sigaw niya
"Eh nahihilo na nga ako" sabi ko
Magsasalita pa dapat si Hayme talagang hihirit pa ah, buti malang inawat na siya ni tita Rose.
"Hayme paupuin mo na so Rhia dyan, kung ayaw mo siyang katabi doon ka sa likod"
Ngumiti naman ako at dinilaan si Hayme at inirapan nalang ako
"Boom panes" sabi ko at halatang asar na asar si Hayme
Inagaw niya yung unan at naglagay nalang ng headphones, oh well nanalo ako matutulog ako ng satisfied.
~~~
"Guys gising kakain muna tayo ng lunch" nadinig ko boses ni tita Rose, nanaginip lang ba ako?
"Hoy ano ba gumising ka na, baka tumulo pa laway mo eh" ha? sino naman itong epal na 'to?!
Dahan dahan kong binuksan ang nga mata ko, at lumingon ako sa kanan ko at napasigaw ako
"Halimaw!" hawak ko yung dibdib ko sa sobrang kaba
"Ako? Halimaw?" Tanong ni Hayme habang tinuturo ang mukha niya "tsss subukan mo kayang tumingin sa salamin" sabi niya at bumaba na ng van.
Kinalma ko na yung sarili ko at ginaya ko si Hayme, "ako? Halimaw?" pangagaya ko "eh sino pa ba? mas mukha nga siya halimaw sa amin eh, hindi lang itsura pati na rin ang paguugali niya"
"Rhia, wala ng avilable seats na magkakatabi tayo kaya kayo nalang ni Hayme ang mag ka table" sabi ni tita Rose hihirit pa sana ako eh kaso umalis na siya
Kapag sinuswerte ka nga naman oh makakatabi mo pa yung halimaw, nice one Rhia baka magkaroon ng gulo dito sa restaurant.
Hayme's POV
Pasimple akong tumingin kay Rhia as usual nakatutok siya sa phone niya busy mag type, sino bang tinetext neto?
She is kinda pretty, take note kinda not that much.
"So you think i am pretty?" Tanong ni Rhia then she smirked, stupid Hayme you said it outloud
"Kinda, wag kang masyadong magmaganda"
"Hindi wala, sinabi mo na eh" sabi ni Rhia she crossed her arms while smiling at me na parang natatawa
"Ang sabi ko kinda pretty, not really really pretty" sabi ko then i looked outside the window, nakita ko sa corner ng eyes ko ginagaya niya ako. Seriously?
"Chill ka lang ikaw naman masyado kang defensive" sabi ni Rhia
"Ako defensive? Hindi ah"
"Edi hindi, crush mo lang siguro ako" sabi ni Rhia at yung kilay niya tinataas baba pa niya, mapang-asar ba
"What?! Wag ka ngang feeling" sabi ko
"Talaga lang ah"
I rolled my eyes, talagang talaga.
"Sino tinetext mo?" Tanong ko while raising my eyebrows
"So detective ka naman ngayon?"
"Nagtatanong lang detective na agad? Besides kanina ka pa nagtetext" really Hayme? iyon pa talaga naisip mong sabihin
"Pakielam mo ba?"
"Sa bagay mag text ka na ng magtext ngayon kasi mamaya kukunin na ni tita rose ang mga cellphones natin" sabi ko at ngumiti na nangaasar pa
She looked at me salubong pa ang kilay, and i just shrugged my shoulders.
BINABASA MO ANG
Yours Truly
Teen FictionMasakit tanggapin na ang taong minahal mo ng totoo ay hindi pala talaga ang nakatadhana para sa'yo. Sabi nila sa mundong ginagalawan natin meron talagang taong inilaan para mahalin ka, siguro kailangan mo nga lang talagang maghintay para malaman o m...