Magandang tanawin sa paligid...sumasayaw na mga damo...sumisipol na hangin..humahalimuyak na mga bulaklak kasama ko ngayon ang aking girlfriend na si Kaia, masaya kaming naghahabulan sa mga matatangkad na damuhan, tila hindi mo na talaga makikita kung nasaan siya, takbo lang ako ng takbo sa mga matitingkad na damuhan, dinadama ang simoy ng hangin, pero bigla nalang nabago ang mood, naisip ko nalang kung nasaan siya, makalipas ang mahabang minuto.
"Kai? Kai? Kaiiiii?" sigaw ko, hindi ko na siya mahanap, "Kaiii? Mahal ko?"
"AAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHH"
May mga nagsisigawan sa labas... nagising ako at agad akong tumungo papuntang balkonahe.. Nagulat ako at nagtatakbuhan ang mga residente, umiiyak na mga bata, at.... may mga taong nangangain ng kapwa tao.. Agad akong nagalala sa aking mga magulang, ang aking nagiisang kapatid.. Bumaba ako sa aming ikaunang lapag ng aming bahay, ang aking kapatid lang ang andoon sa may gilid, umiiyak..
"Jon, asan si Mama at Papa?"
"Lumabas sila" sabi ng kapatid kong ungol ng ungol "Kuya wag mo na kong iwan dito nalang tayo!" dagdag niya
Umakyat ulit ako sa may balkonahe at tinignan ang paligid, ano tong mga nakikita ko? Isa ba tong panaginip? Panay kuskos ako sa aking mukha, parang tanga, totoo nga! Parang mga zombies ito, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayare. Pumunta agad ako sa cabinet ni Papa, nakakita akong Dragunov SVU (Sniper) aba'y wala na ang mga iba pang baril parang kinuha na ni Papa. Nagaral nga pala ko sa isang Military School at mayroon naman akong karanasan sa paghawak ng mga baril. Kinuha ko ang backpack ko at nilagay ko na ang mga kailangan kong dalin, walang signal, di ko matawagan ang mga kaibigan ko. Asan na si Mama at Papa? Iniwanan na na nila kami? Pumunta ulit akong balkonahe at nagsimula akong mamaril ng mga zombies. Tinamaan ko ang isa sa may katawan pero hindi epektibo, pangalawang bala naman ay sa ulo, tumba! Mukhang doon ang tama. Naobserbahan ko na din kung pano nabubuhay ang mga patay.
"KUYAAAAAAAA" sigaw ng aking kapatid sa ibba
"Okay lang ako Jon, ako bahala" sigaw ko sakanya
Nagsimula na akong linisin ang lugar ng makalabas ako at kunin ang sasakyan namin.
Sumilip ako sa scope ng aking sniper, hinding hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko, pati ba naman sila? Tinutukan ko na sila pero hindi ko magawa hangga't sa mapagdesisyunan ko na.
"Ma..Pa...Sorry hindi ko na alam ang gagawin ko...ako ng bahala kay Jon" banggit ko sa aking sarili
Wala na kong magagawa at kelangan ko na itong gawin, at alam ko na din naman ang magiging resulta nito, magtutuloy tuloy lang ito. Nakapagdesisyon na ko at ginawa ko na ito.
"Sorry Mama at Papa...."
Tinuluyan ko na sila at napaiyak nalang ako sa mga nangyari. Napaisip ako ng matagal, natulala sa nangyari, at inisip ko na lamang ang aking kapatid, bumaba ako at balak ko ng sabihin sa aking kapatid at madali naman siyang umintindi.
"Jon..." sinabi ko habang pababa ako ng hagdan
"Kuya, asan sila Mama at Papa?" alala niya
"Jon.. eto kumuha ka ng bag, pumunta ka sa ating paminggalan at ilagay mo lahat ng pwedeng makain..dali!" bilin ko sakanya
Agad namang sumunod ang aking kapatid. Kinuha niya lahat ng natira naming pagkain. Agad siyang tumakbo sa tabi ko.
"Kuya, asan na si Mama at Papa?" bukambibig ng aking kapatid

BINABASA MO ANG
The Rising Of The Undead
HorreurPaano makakaligtas sa mga pangyayareng di mo inaasahang dadating? Pano kapag nalaman mong ikaw nalang ang nakaligtas? ni pamilya mo, kaibigan mo hindi nakaligtas sa mga pangyayareng ito? Paano ang gagawin mo? ●This story is much inspired to the TV...