One Shot

16 0 0
                                    


Laura's POV

'Sshibal! Sshibal kayong lahat!'

Sigaw ko sa isip ko habang sinusulat ng sunod sunod ang pangalan ng mga kaklase ko. Alam niyo ba yung feeling na nakakaurat lang! Kahit ilang beses mo siyang kalimutan at pilitin na huwag isipin hindi mo magawa. Makulit na nga sa personal pati ba naman sa isip ko wala paring kawala. Mapapa "OH! SEHUN!" ka na lang ng wala sa oras! "OH" na ekspresyon ha hindi surname niya

Katabi ko ngayon ang aming president na si Chanyeol at sa kabilang side ko na aming vice president na si Lu Han para tulungan ako sa lahat ng ginagawa ko. Yung ibang mga babae inggit na inggit sakin dahil katabi ko itong mga gwapong nilalang na to. Samantalang ako balak ko ng pagbabatuhin ng papel itong mga ito dahil sa ang dami nilang pinapagawa sakin!

"Mali yang ginagawa mo" Hinawakan ni Luhan ang kamay ko para itigil ang pag susulat ko. sabay naman ang pag lapit nina Baekhyun at Sehun saamin.

"HALAA!" Sigaw netong si Baekhyun habang tinuturo turo yung kamay namin ni Luhan na magkapatong.

"Hokage siya oh!" agad ko namang inalis ang kamay ko

"Anong masasabi mo sa nakita mo Sehun? Anong masasabi mo ngayo't nakita mo ang sinisinta mong si Laura na kahawakan ang kamay ni Konde Adolfo?" sabi ni Baekhyun habang nakatingin kay Sehun na seryosong nakatingin saakin.

Bigla na lang syang yumuko at lumuhod na parang nanghina.

OH GOSH! BUTI HINDI SIYA NAMATAY NUNG YUMUKO SIYA OMG! KINABAHAN AKO DON!

Humarap siya saakin..

"Hindi ko alam Aladin" sabi ni Sehun kay Baekhyun. Aladin? sa pagkakaalam ko yon yung Morong gerero na sumagip kay Florante basta ayon! 

"Bakit isinuyo sa iba ang sintang sa aki'y pangako?" sabi niya pa. PWEDE BA?! Second year pa yang Florante at Laura na yan. Fourth year na tayo guys! Move on na! Tumayo na ngayon si President

"Baekhyun hinaan mo nga ang boses mo rinig sa kabilang classroom eh" sabi ni Chanyeol

"You do not own my humanity! This is my birth right!" sigaw ni Baekhyun at nag walk out, ito namang si Chanyeol makikipag bakbakan pa ata kay Baekhyun dahil sinundan siya. Tumayo na rin Si Luhan at inayos na ang mga papel na ginagawa ko

"Recess na. ituloy na lang natin mamayang uwian." Binigay ni Luhan yung papel saakin at kinuha ko naman iyon. Umalis na siya at naiwan ako kasama itong si Sehun. Tumingin ako kay Sehun na seryosong nakatingin na naman sakin. Ewan ko ba dito kay Sehun ilang beses ko ng sinabing 'Wag na lang ako. Marami pang iba dyan' hindi parin ako tantanan. Ilang beses ko ng binasted at nirealtalk pero wala paring talab sakaniya.

Ngumiti siya saakin at lumapit.

"Oh! Wag mo akong lalapitan" sabi ko at napatigil naman siya at nawala yung ngiti niya.

Mga ilang segundo ay ngumiti na naman siya at kinuha yung mga papel na dala dala ko at ang ilan sa mga gamit kong dala

"Ako na ang mag dadala baka mahirapan ka pa" sabi niya sakin at mas nauna na siyang naglakad paalis. Wtf? Wala na akong magawa kundi sumunod sakaniya dahil nasakaniya ang mga gamit ko. baka mamaya halkwatin niya pa at makakita sya ng isang pack na napkin dyan sa bag.

Pumunta kami sa canteen at nagdire-diretso si Sehun sa mga katropa niya. Ano ngang pangalan ng tropa nila? Engsu? Eco? Eksu? EXO? Bangtan? Basta something like that. Mga kautuan nilang nalalaman. Syempre kasama don ang katabi ko kanina na si Luhan at Chanyeol at ang laging kabangayan ni Chanyeol na si Baekhyun.

"Oh! Sehun!" [One shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon