Bored ako nung araw na yun, kaya nagsearch ako ng magandang online game sa google.
At marami akong mga nalaman na online games.
Sinubukan ko lahat, pero may isang game na kinaadikan ko ng sobra.
Ang 'Magical Gamers -- Online Game'
Sobrang naadik ako sa game na ito.
Marami ako'ng nakilalang mga kaibigan mga Filipino at Filipina din sila.
Ang username ko dito ay 'YellowBlast' ewan wala lang akong maisip na magandang username.
Since level 1-17 normal lang buhay ko. Train kung train.
Seryoso kasi ako sa laro na ito sa sobrang kaadikan ko.
Nasama ako sa isang Pinoy Guild na "BlackSkulls"
Well, tahimik lang ako. Di ko pa kasi sila mga kilala since bago lang ako sa guild na 'to.
Ang pakilala ko'ng pangalan sa kanila ay 'Kate Ara Delos Reyes'.
15 Years Old.
3rd Year High School.
'Di ko alam ang nasa isip ko nun kung bakit ako nagsinungaling.
Siguro ayaw ko rin kasi na makilala nila ako.
Gumawa ako ng Facebook ko sa name na yun at inadd ko lahat ng gamers, ang sabi ko pa sakanila "Facebook Account ko yan para sa mga Magical Gamers Friends ko :)" gumamit ako ng ibang mukha.
One time, nagtetrain ako sa Lighthouse F1.
Nakita ko ang isa sa guild mate ko.
Kinausap nya ako bigla...
"Psst. Kate, right?" -Sya
"Oo, hi. :)" -Me
"Russell nga pala, Russ nalang itawag mo sa'kin."
"Ah, sige." Since new palang ako, nahihiya pa ako.
"Full name mo?" -Russ
"Kate Ara Delos Reyes. Ikaw?"
"Russell Kyle Villegas"
"Ah, sige train muna ako."
"Haha, ako din pala. Sige. Ingat ka ha." -Russ
"Haha, oo salamat. Ingat ka din." -Me
Guild chat pala gamit namin, kaya nakikita ng ibang guild members
"Ayyyiiiieee, pag-ibig na kaya?"
"Hahahahaha. Yiiieee!"
Kanchaw ng mga kaguild mates namin.
Di nalang namin pinansin at nagtrain na kami.
Parehas lang naman kami ng lugar ng pinagtetrainan, everytime na
nagkakasalubong kami, gumagamit lang sya ng smiley face na emoticon.
◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

BINABASA MO ANG
I'm a Poser (ONGOING)
Подростковая литератураIsa ako'ng poser. Nainlove ako sa isang online game. Lahat ng nalalaman niya sakin ay isang kasinungalingan. Sasabihin ko ba ang totoo? O mas maganda kung iwan ko nalang ang larong ito?