Welcome Back YellowBlast!
Magkasama kami halos lagi ni Russ, ewan inlove ata ako jan. Lul. Hahaha.
Ewan, ang sweet sweet nya kasi sakin na ewan.
Sobrang naging close ako sa mga kaguild ko.
One time, nagfafarm kami ni Russ sa spore...
"Kate, may sasabihin ako sa'yo." -Russell
"Ano yun?" -Me
"Wag ka magagalit ha?"-R
"Sige. Ano yun?'-Me
"Wag na, baka magalit ka sakin."-R
"Hindi nga, ano yun?"-Me
"May girlfriend na ako."-R
</////3 So anong trip nya paasa? Ganun?
"Ah, sino?" -Me
"Secret. Di ka galit?" -R
"Bakit naman ako magagalit. Alam ko kung sino yun. Hula lang." -Me
"Sino?"-R
"Si May."-Me
"Hindi."-R
"Sus, siya kaya kunwari ka pa."-Me
Mayyyyy has connected the game
"Oh ayan na pala online na girlfriend mo, puntahan mo na."-me
"Oo na, siya nga. Galing mo manghula. Di nya nga ako pinapansin eh."
"Kailan pa naging kayo? Pano naging kayo?"
"Kagabi lang. Pumunta kasi kaming dalawa sa forest. Tapos nung aalis na sya sabi ko sakanya "Kiss ko?" nagulat ako kasi nagkiss sign talaga siya. Tapos tinanong ko kung kami na ba, sabi nya oo. Tapos ngayon di nya ako pinapansin, wala naman akong ginagawang masama."
"Ahh. Alam mo siguro kailangan lumayo na ako sa'yo para magkaayos na kayo, parang ako pa tuloy panira ng relasyon.
"Hindi. Magkaibigan lang naman tayo eh. Wag ka lalayo."
"Ok. Puntahan mo na si May. :)"
"Sige, iwan na muna kita jan."
Di na'ko nagreply, di ko kinaya. So, ganun pala sya? Sweet siya sakin sweet din sya sa iba? Ayos ha. Good game men good game. -_____-
Pisti sya. Malandi. Kainis. Bwiset. Player.
Nag-offline na'ko.
Offline~
'Di muna ako maglalaro nyan, nabibwiset ako. Mga 3 days akong mawawala sa game. :)
BINABASA MO ANG
I'm a Poser (ONGOING)
Teen FictionIsa ako'ng poser. Nainlove ako sa isang online game. Lahat ng nalalaman niya sakin ay isang kasinungalingan. Sasabihin ko ba ang totoo? O mas maganda kung iwan ko nalang ang larong ito?