THE ONE WHO MADE HER SMILE AGAIN

28 1 0
                                    

May mga taong akala mo perfectly fine yun pala totally broken. Sobrang saya sa harap ng iba pero tagaktak ang luha pag nag-iisa. 

Siya yun. Di ako pwedeng magkamali. Siya yung laging nakangiti kahit na halatang pagod. Siya yung nakukuha pang makipagkwentuhan at pagaanin ang loob ng inaalagaan niyang pasyente. Nasabi ko nga sa sarili ko nun swerte ng lalaking mamahalin niya. Napakamaasikaso. Magaling makisama at mag-alaga. 

Hanggang sa makita ko siyang may kasamang ibang lalaki. Nakakapanghinayang. Masaya siya nakita ko yun. Nasabi ko na lang sa sarili ko, ang swerte naman niya. Sana ako na lang yung lalaki. Ako na lang nagpapangiti sa kanya. Haist buhay talaga. Yung gusto mo may gustong iba. Malas lang ba? Tsk.

Nakalabas na ang nanay ko sa hospital pagkatapos ng isang linggong pagkakaconfine. Isa rin ang nanay ko sa inalagaan niya. Kaya nga gustong gusto ko magbantay nun kahit na galing pa ako sa trabaho. Nawawala kasi pagod ko pag nakita ko na siyang ngumiti at marinig yung halakhak niya. Kahit na yung boses niya habang nagrereklamo na gutom na. Nakakatuwa siya eh. Isang linggo ang lunipas bumalik kami para sa follow up check up ni nanay. Kaso hindi ko siya nakita noon. Baka day off niya. Sayang naman kaku. Pagkatapos ng check up na yun nagpunta ako sa bahay ng kaklase ko noong college na tropa ko pa rin. At hindi ko inaasahan na makikita ko siya doon. Alam mo yung sobrang saya mo? Wow! Unexpected yun. Tinanong ko yung tropa ko kung kaanoano niya yun. 

"Ah, Si Jec ba? Kapatid ko. Bakit hindi mo ba siya nakita nung grad natin?" 

"Magtatanong ba ako kung nakita ko siya nun?" Nasabi ko na lang. 

Pero parang iba siya. Iba yung aura niya. Parang hindi siya yung nurse na nakilala kong masigla. 

Nag-excuse ako sa nga kasama ko ng makita ko siyang nagpunta ng garden nila. Sa greenhouse, dun ko siya natagpuan. 

"Bakit kailangan pang masaktan ako? Nagmahal labg naman ako diba? Bakit ganoon kasakit? Bakit ganito?" 

Damn that guy. Yun ang unang pumasok sa isip ko. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong suntukin ang sinumang nanakit sa kanya. Gusto ko siyang aluhin. Pero alam ko, hindi ako makakatulong sa ganoong paraan. Paano ba mawawala ang lungkot niya? Isang oras. Ganoon siya katagal umiyak. Hanggang sa tumayo siya at nilisan ang lugar na iyon. Nagtago ako kaya hindi niya ako napansin. Nang oras na iyon nakapagdesisyon ako. Pasasayahin ko siya. Tutulungan ko siyang makalimutan ang lalaking yun. Kahit gaano pa katagal ang abutin nun. 

Ginawa ko ang lahat. Sinabi ko din sa tropa ko na kuya niya ang intensyon ko. Hindi kumbinsido noon ang kaibigan ko dahil aaminin ko alam niyang maloko ako. Pero patutunayan ko yun sa kanya. 

Days passed. Nakuha ko na ang number niya at nakatext ko na siya. Tinatawagan rin. Pinapatawa gamit ang mga korning jokes. Ok na sana eh. Kaso alam kong peke lahat ng ngiti niya. 

"Gutom na ako. Tapos dami pang pasyente. Nakakaasar to." Isang gabing kausap ko siya. Panggabi ang duty niya kaya alam kong puyat na naman siya nito. Isang buwan mahigit na rin kaming magkakilala pero hindi pa kami nagkikita. 

"Haha. Kawawa ka naman. Mangangayayat ka niyan." Pangaasar ko sa kanya. 

"Ok lang. Para naman sumeksi ako oh diba?" 

"Papangit kana. Di ka na huggable. Di ka na cute. Haha." Lagi niya kasi pinagpipilitan na cute siya. Na totoo naman.

"Grabeh naman. Eh sa walang makain eh. Gusto ko ng Amazing Aloha ng jollibee. Ahhh! Namimiss ko yun." 

"Order ka ahh. Dali ilibre mo ako."

"Mukha mo. Di pa ako sumasahod eh. Teka. May pasyente sa ER." 

THE 3 POINT OF VIEWS (SHORT LOVE STORY)Where stories live. Discover now