Some people say that you should not be too happy because this happiness have an equivalent suffering. But for me, its the other way around. For every suffering had an equivalent happiness.
And I'm right. I never thought that he would come. Yung tipong down na down na ako. Yung tipong wasak ang puso ko dun ko siya nakilala.
"Let's end this thing between us." Those are the words that totally broke me down. Akala ko okay kami. Akala ko masaya siya. Akala ko seryoso siya. Pero sabi nga nila madaming namamatay sa maling akala. Hindi ko alam kung paasa lang siya o assuming lang ako. Ang masaklap kasi hindi naman naging kami. Walang kami. Wala kaming relasyon. Magulong ugnayan lang ang meron. Pero nahulog ako eh saka naman siya bumitaw ng walang dahilan. Natalo ako.
Ang masaklap pa eh ako yung taong kilala ng lahat sa pagiging masiyahin. Yung taong nakatawa o nakangiti lagi. Pretending that i'm perfectly fine but the truth is im totally broken. Hindi ka makaiyak sa harap ng ibang tao. Hindi mo man lang maipakitang malungkot ka.
"Bakit kailangang maging ganito? Nagmahal lang naman ako ahh. Bakit kailangang maging ganito kasakit?" Nasabi ko sa mga halaman sa green house. I should be happy right now. Kasi birthday ni kuya. Masaya dapat kasi may party. Pero di ko mapigilan. Sobrang sakit. Ang isa pang masaklap eh kailangan kong ipagpatuloy ang buhay. Kailangan kong pumasok at alagaan ang mga may sakit samantalang ang sakit na nararamdaman ko ay kailangan kong isantabi. Masaklap diba? Isang bagsakang iyak. Isang boung araw na iiyak para sa sobrang sakit na nararamdaman. Sabi nga ng isa kong kaibigan, feel the pain until you can tolerate it. Damahin mo lang hanggang sa magsawa ka sa kakaiyak. Anong magagawa mo kung nasasaktan ka? Walang masama sa pag-iyak. Its okay not to be okay. You'll get through this. You'll be fine. You'll be okay. Soon you'll be able to smile genuinely again.
"Smile. There are thousands of reason to smile for every single reason to cry."
From unknown number. Pero natouch ako sa message. Tama siya. Madaming dahilan para ngumiti para sa iisang dahilan para umiyak.
"Thanks but may i know who you are."
"Kian Serafica."
At doon nagumpisa ang isang pagkakataong di inaasahan. Isang taong pinapatawa ako gamit ang mga corny na jokes. Mga banat at pangaasar na kapag binasag ko eh di siya makakapalag. Pero hanggang text at tawagan lang. Madaya. Nakita na niya ako eh. Pero siya hindi pa. hindi ko siya kilala. At ayaw din sabihin ni kuya kung sino siya.
Unti unti, nakakalimutan kong nasaktan ako. Unti unti, natututo na ulit akong ngumiti at tumawa ng totoo. Unti unti, nakakamoveon na ako.
"Gutom na ako. Dami pang pasyente. Nakakaasar to." Minsang text ko sa kanya. KAtext ko siya habang nakaduty ako. Okay lang naman yun.
"Haha. Kawawa ka naman. Mangangayayat ka niyan." Pangaasar pa niya sa akin. Lakas talaga mang-asar nito. Pero hindi nakakapikon.
"Ok lang. Para naman sumeksi ako oh diba?"
"Papangit kana. Di ka na huggable. Di ka na cute. Haha."
"Grabeh naman. Eh sa walang makain eh. Gusto ko ng Amazing Aloha ng jollibee. Ahhh! Namimiss ko yun."
Natapos ng usapan dahil may dumating na emergency. Hayy naku! Nakakangarag talaga yung takbo ka ng takbo. Ang masaklap eh kailangang iCPR nitong dumating.
After mga 30mins siguro o mahigit tumigil na din kami. Wala na talaga eh. Tsk.
Kababalik ko lang sa station nun. General area kasi kami. Hawak namin buong hospital. Mayamaya nagtawag ang IW namin nagsasabing may magpapacheck up. At kailangan ako pa? Ang arte ahh. Di ko tuloy mapigilang sumimangot.
"Ano po yung papacheck up nila sir?"
"Nagpapalpitate po kasi ako." Baka naman lasing lang to.
"Nakainom po ba kau? Nagkape? Naninikip ang dibdib?" Tanong ko sa kanya habang sinusulat sa papel ang complains niya.
"Hindi po maam. Bigla lang po ako nagpapalpitate."
"Ano po pangalan nila sir?"
"Kian Serafica po maam."
Napangiti ako sabay tingin sa kanya. Inabot naman niya ang dala niya sa akin. Amazing Aloha.
"Nice to meet you again, Nurse Jec." Sabay paskil ng isang ngiti sa gwapo niyang mukha.
"Mukha mo." Sabay palo sa braso niya. "Salamat dito ahh. Papacheck up ka ba?"
"Walang anuman. Joke lang yun. Nagpunta lang ako dito para iabot yan. Gutom kana kamu ehh." How thoughtful naman. Sweet.
"Oo kaso hindi kita maaasikaso ngayon. Wrong timing ka kasi. Alam mong nakaduty ako. Madaming pasyente eh."
"Ok lang. Uhmm. Sunduin na lang kita mamayang umaga pagout mo. Bago ako pumuntang site."
"Susunduin mo ako bukas?"
"Ayaw mo ba o may ibang susundo sau?"
"Wala. Baka kasi makaistorbo ako. Diba may trabaho ka?"
"Anytime naman ako pwede pumasok bukas eh. So bukas?"
"Ikaw bahala."
"Oo o hindi labg ang sagot."
"Oo na. Sige na."
"So bukas na lang."
"Ok. Salamat dito ahh."
Unexpected. I personally met him. Finally. And then dun nagstart ang lahat. Hinahatid sunndo niya ako kahit na may work siya. Lagi niya ako pinapadalahan mg food kapag duty ako. Lagi niya akong tinatawagan kahit na pagod na pagod na siya. Lagi niya akong inaasar. Nakalimutan ko na may isang taong nanakit sa akin. Ang nasa isip ko n alang, masaya ako sa taong nandito ngayon. At humihiling na sana siya na. Siya na yung taong di ako bibitawan kasi mahal ko na siya. Mabilis na lumipas ang mga araw. Hindi ko namamalayan, mahal ko na pala siya.
"Goodnight Chub." Yan ang tawag niya sa akin dahil chubby daw ako.
"Goodnight din Pat." Pat dahil payatot siya.
"I love you"
"I love you too." I mean it. Saka ko pinatay ang tawag. Tinawagan naman niya ulit ako.
"Ano ulit yung sinabi mo?"
"Goodnight kaku." Sabay tawa.
"Yung last."
"Aning last?"
"Wag mo ko pagtripan ah. Ayt. Di na kita lilibre aloha."
"Hahahahahahaha. Aloha ka dyan. I love you po Patz."
"seryoso?"
"Opo. Kaya matulog na tayo ok. I love you kaya ilibre mo na ako aloha bukas huh."
"Ok Chub. Takaw mo talaga pero mahal a rin kita. Sweetdreams. I love you."
Napaisip ako, is this the start of our forever? Sa isiping iyon, nakatulog ako ng mahimbing at may ngiti sa labi. Sana hindi ito panaginip lang.
YOU ARE READING
THE 3 POINT OF VIEWS (SHORT LOVE STORY)
RomanceShe loved him, but he let her go with no good reason. Now that someone picked her up, mend her broken heart, made her smile again and gave the love she deserves, he was hurting. She learned that in every heartaches, great happiness will come. He lea...