Part 1

281 2 1
                                    

Annika's POV

[sa bahay...]

"Lumayas ka na dito John, sumama ka na sa kabit mo!!! Manloloko ka!"....sigaw ng mommy ko.

"talagang lalayas ako, lecheng buhay to puro ka dada ng dada diyan, nakaka bwesit manirahan dito!!!!"... sagot naman ng daddy ko habang kinakarga pababa ng hagdan ang mga gamit nya.

Hinarang ko si daddy sa baba ng hagdan, "dad, huwag mo akong iwan please, ayusin nyo naman ni mommy ito, please dad"...pagmamakaawa kong pakiusap kay daddy habang umiiyak.

"Annika anak, im sorry pero hindi ko na kaya pang pakisamahan ang mommy mo, she's a nagger. Sumasakit araw-araw ang ulo at tenga ko ng dahil sa kanya, anyway, I will always contact you, so you don't have to worry anak ha"...paliwanag naman ni daddy sa akin sabay halik sa pisngi ko.

Inilabas ni dad lahat ng gamit niya at ipinasok sa kotse niya at dali-daling umalis.

INTRO...

Ako si Annika, nag iisang anak nila mommy at daddy. Galing ako sa mayamang pamilya, may tatlong hotel, tatlong restaurants, dalawang resorts at may ari din kami ng GM malls na may apat na branch.

Hindi naman sila nagkulang ng bigay sa akin ng mga pangangailangan ko, sobra-sobra pa nga eh. Ang kulang lang na naibigay nila ay ang pagmamahal at oras.

Nasa 1st year college na ako ngayon at nag-aaral sa mamahalin at sikat na unibesidad.

Palaging busy sina mommy at daddy sa kani-kanilang negosyo, kaya naman siguro nagawang mangaliwa ni daddy dahil palaging walang oras si mommy sa kanya. Hindi ko masisisi si daddy, dahil kita naman ng dalawang mata ko na palagi silang nag tatalo kapag magkasama sila. Tama si daddy nagger nga si mommy pero pareho ko parin silang mahal.

[sa school...]

kaka-baba ko lang sa kotse ko matapos i park ito at lumakad na papunta ng building ng school namin ng may biglang sumisigaw sa likod ko...

"Annika teka hintayin moko...sandali lang annika!"...sigaw ni claire sa akin.

Si claire ang nag iisang bestfriend ko sa school, bestfriends kami simula noong high school pa lamang kami...

"Claire, ikaw pala"... sabi ko sa kanya.

"Oh bakit mukhang wala ka na naman sa mood, tingnan mo yung mukha mo, umagang umaga pero hindi ko ma drawing"... sabi niya

Napa buntong hininga ako, "Kasi si mommy at daddy nag away na naman"... sabi ko sa kanya

"hindi ka pa ba sanay sa mga magulang mo Annika?"... sabi ni Claire.

"Iba ngayon Claire, iba ngayon...lumayas na si daddy sa bahay, pinalayas na siya ni mommy kanina"...paliwanag ko kay Claire

"Naku naman talaga itong si tita oh siguro dada na naman ng dada kaya hindi na napigilan ng daddy mong umalis."... "Anong plano mo ngayon?"...tanong ni Claire

RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....RING.....

Dali-dali kaming tumakbo upang pumasok sa classroom namin at naabutan namin si Professor Lee namay kasamang isang lalake,

"he will be your new classmate in my class, he is a tranferee, everybody he is Art Perez...Ok art you may now find a seat." sabi ni prof sa kanya.

"Is this seat taken?" tanong ni Art sa akin. "Ahm no, you can have it" sagot ko naman.

Sa kabilang gilid ko naman ay naka upo si Claire at tinusok tusok ang gilid ko gamit ang ballpen niya. "uy annika bagay kayo niyang Art na yan"... panunukso bulong niya, "Tumigil ka nga Claire baka marinig tayo niyan nakakahiya"... bulong ko sa kanya.

Isang oras ang lumipas ng mag ring na naman ang bell... Vacant time na namin ni Claire, pareho kami ng schedule dahil nasa block section kami. Pinasyahan naming tumambay sa garden ng school, palabas na sana kami ng classroon ng biglang,

"Hi Art....art tama ba?"... tanong ni Claire, "Yes"...maikling sagot ni Art.

"ako nga pala si Claire at siya naman si Annika my bestfriend" dagdag ni Claire.

"ah okay"...maikling sagot ulit ni Art.

"may klase ka pa ba ngayon? patingin nga ng schedule mo" sabi ni Claire at iniabot naman ni Art ang schedule niya.

"oh pareho pala tayo eh nasa Block B, vacant time pa natin Art sumama ka na lang kaya muna sa amin, punta kami sa garden doon kasi kami tumatambay pag walang klase" paliwanag ni Claire.

"Cge"...maikling sagot na naman ni Art.

one day love will find youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon