Part 3

80 2 0
                                    

Annika's POV

[sa bahay...]

"Mom, Im home...Mom?...Manang dumating na po ba si mommy?"...tanong ko kay manang.

"Hindi ba nagpa alam sayo? Umalis kanina na may dalang bagahe nga, may site visit daw sila sa Hong Kong para sa bagong negosyo niya doon, mga isang buwan din siyang mananatili doon iha"...paliwanag ni manang

"Ganun po bah manang, cge po salamat"...sagot ko naman ng matamlay.

Iniwan na nga ako ni daddy, pati ba naman si mommy? 

Lumabas ako ng bahay at dali-daling pinaandar ang kotse ko at lumabas ng gate namin ng may muntikan akong mabanggang kotse.

Binuksan ko ang bintana ng kotse ko at tiningnan ko yung kotse sa harapan ko, ng biglang nakita kong bumaba si Art at nilapitan ako.

"Anong...ginagawa mo dito?"... tanong ko sa kanya.

"Ikaw pala Annika, muntikan mo na akong mabangga ah"... sambit naman ni Art

"Anong ginagawa mo dito sa village namin? May kakilala ka ba dito? O baka naman sinusundan mo ako?."..sabi ko sa kanya.

Napatawa ng malakas si Art sa sinabi ko, "Chillax Annika, nakikita mo ba ang bahay na yun?"...sabi ni Art sabay turo sa bahay sa kabilang kanto mula sa amin.

"Ah okay kakilala mo may ari niyan?"... tanong ko sa kanya.

"Diyan ako nakatira annika"...bulong niya sa tenga ko.

Nagulat ako sa sinabi niya, akalain mo magkapitbahay pala kami ng hindi ko alam. 

"Teka matagal na ba kayo diyan? bakit hindi kita nakikita dito sa village"... tanong ko naman sa kanya.

"Nagkikita naman tayo eh, hindi mo lang nga ako pinapansin. Dati nga nakikita ko kayo ng daddy mo na nag ba bike sa park, ako naman nag ba-basketball doon, kaso lang hindi mo naman ako pinapansin."... paliwanag ni Art.

"Teka saan ba ang punta mo at mukhang nagmamadali ka ah?"... tanong niya.

"Punta ako stairways, konting inuman lang., gusto mo bang sumama?"... inaya ko siya.

"Cge wala naman akong gagawin eh, hintayin mo lang  ako at iiwan ko lang itong kotse ko sa bahay para sayo na ako sumakay."...sabi ni Art.

[sa Stairways bar...]

"Tara Art dun tayo sa taas sa VIP" sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya at hinihila paakyat ng stairs.

Maingay sa ground floor kaya hindi ko gusto, meron kasi akong pwesto sa taas, intended for VIP guests. Kilala kasi ni daddy may-ari ng bar kaya may special area ako doon. 

"Wow, VIP ha? May-ari ba kayo ng bar?"...tanong ni Art

"Hindi naman pero kakilala ni daddy yung may-ari nito kaya itong area nato para sa akin lang ito at sa mga kaibigan ko"... paliwanag ko sa kanya. "Kuya vodka nga please"...sambit ko sa waiter

Uminom kami ng uminom ng vodka, hanggang niyaya ko siyang sumayaw.

"Halika ka tumayo ka nga, sayaw tayo"...at sumayaw kami ng magkaharap.

"Lagi ka ba dito?" bulong niya sa tenga ko kasi halos hindi kami magkarinigan sa sobrang ingay ng tugtog.

"Paminsan,  kapag gusto kong sumaya buhay ko"...bulong ko naman sa tenga niya.

"Masaya ka ba sa ganitong lugar?" bulong na naman niya sa tenga ko.

Hindi na ako sumagot pa at nagpatuloy ako sa pagsasayaw habang siya naman ay nakaupo na at tinitingnan ako..."kuya vodka pa nga, bilis" sabi ko sa waiter. 

Iinumin ko na sana ang bagong glass ng vodka ng bigla niyang inagaw mula sa kamay ko, "tama na nga yan Annika, lasing kana oh"...sambit niya sa akin.

Medyo nahihilo na rin ako, mas mabuti narin ito para makalimutan ko problema ko kanila mommy at daddy. Inakay na ako ni Art pababa ng bar hanggang makarating kami sa kotse ko.  Siya na nag maneho ng kotse ko dahil hindi ko narin kaya, mukhang naparami talaga ang inum ko. Dinala niya ako sa isang coffee shop at doon bumili siya ng coffee habang naiwan naman ako sa loob ng sasakyan, maya-maya ay binalikan na niya ako dala ang coffee.

"Inumin mo muna itong kape, lasing na lasing ka kasi, ano bang problema mo Annika?" tanong sa akin ni Art.

Dahan-dahan kong ininum ang kapeng binili niya, "Iniwan na kasi ako nila mommy at daddy" sabi ko sabay patak ng mga luha ko. Para akong sira, lasing na lasing na umiiyak.

"Si daddy sumama na sa kabit niya, si mommy naman pag uwi ko ng bahay kanina pumunta raw ng hong kong ni hindi man lang nag paalam sa akin. Importante pa ba ako sa kanila?"...mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya.

"Ano ka ba Annika, ano ba silbi ko sa buhay mo? diba nga mag kaibigan tayo, andito naman ako ah. Kung wala kang kasama nasa kabilang kanto lang naman ang bahay namin sa inyo. Bakit ba kasi ayaw mo pang humanap ng boyfriend para may makakasama ka sa panahon na tulad nito."...paliwanag ni Art.

"Tara na nga at iiuwi na kita sa inyo"... sambit ni Art.

Ng makarating kami sa bahay namin ay inakay ako ni Art pababa ng kotse hanggang paakyat sa kwarto ko. Ipinasok niya ako sa kwarto at dahan-dahan pinahiga niya ako sa kama ko. Ng mailatag na niya ako sa kama ay bigla ko palang hinawakan at pinaki-usapan na samahan lang niya ako sa kama ko. Lasing na lasing na ako kaya hindi ko na alam mga pinag sasabi ko hanggang sa makatulog ako. 

one day love will find youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon