Part 5

92 2 0
                                    

Annika's POV

"Ouch ang sakit ng ulo ko, napa sobra ata ako ng inum kagabi"...ungol ko habang hinahawakan ang ulo ko.

Napa upo ako sa kama ko habang hinahawakan ko ang ulo ko ng bigla kong mapansin na may cellphone sa lamesa ko.

Kinuha ko ang cellphone at nakita ko picture ni Art naka wallpaper.

"Kay Art pala ito naiwan niya cguro...ano? Ibig sabihin pumasok si Art sa kwarto ko kagabi?" nanggulat ang mga mata ko at dali-dali akong nagbihis upang puntahan si Art sa bahay nila para isauli ang cellphone niya.

Nilakad ko lang mula sa bahay namin papuntang bahay nila Art. Naka spaghetti tops at maiksing shorts lang ang suot ko.

DINGDONG....DINGDONG...DINGDONG

Bumukas ang gate nila at nakita ko si Art sa harap ko at may dalang bola.

"Hi Art goodmorning"...bati ko sa kanya

Tinitingnan lang ako ni Art na para bang nag iisip siya ng kung sino ako.

"Ano ba Art hindi mo ba ako papasukin sa inyo? Bawal ka bang tumanggap ng bisita?"...tanong ko sa kanya

"Ah oh no, im sorry, come in"...sagot naman niya. "So why are are you here? You need something?"...tanong ni Art.

"Hindi naman, naiwan mo kasi itong cellphone mo sa kwarto ko kagabi, nakalimutan mo ata."...paliwanag ko sa kanya.

Tumayo ako at tumingin tingin sa paligid ng bahay nila. "Maganda ang bahay niyo ha, malaki. Nandiyan ba parents mo?"...tanong ko sa kanya

"No they're not here, they just left awhile ago. Im just alone only for 2 days and they will be back again."...paliwanag ni Art.

"Ano ka ba Art english ka ng english eh wala naman tayo sa school. Pwde ba akong tumambay muna dito? Nakaka bagot kasi mag-isa sa bahay."...pakiusap ko sa kanya

"Oh im sorry, i mean patawad. Oo naman pwde ka muna tumambay dito"...sagot naman ni Art.

"Oh kanina english ka ng english, ngayong nagtatagalog ka naman slang naman. Siguro epekto yan ng nainum natin kagabi noh?"...sabi ko sa kanya ng pabiro.

Tiningnan lang ako ni Art at ngumiti.

"Ano bang pinag gagawa mo dito Art?" tanong ko sa kanya

"playing basketball,  playstation, eating, sleeping and swimming"...sagot ni Art

"Tamang-tama Art sobrang init ng panahon, swimming tayo. Pwde sa bahay namin pwde rin dito sa inyo."...paliwanag ko sa kanya

"Ok deal, lets go swimming, where to? Your place or mine?"...tanong niya

"Pwde sa bahay na lang namin? dala ka na ng pambihis mo, tara!"...paanyaya ko sa kanya.

Matapos kumuha ni Art ng extra pambihis niya ay nagsimula na kaming mag lakad pabalik sa bahay ko. Dali-dali kaming pumasok at pumunta sa pool area.

Nagbihis ako ng two piece ko na color black kaya lalo akong pumuti sa suot ko.

"One...two...three...talon na Art!"...sigaw ko sa kanya at sabay na kaming tumalon sa pool.

Masaya kami ng mga sandaling iyon, kwentuhan, tawanan at biruan.

Matapos ang halos isang oras ng pag swimming ay umahon na din kami, sinuot ko ang bath robe ko at si Art naman ay naka tualya.

"tara Art dito na tayo dumaan sa gilid paakyat sa room ko, doon kana mag banlaw"...sabi ko sa kanya

Tahimik lang siya at sinusundan ako paakyat sa kwarto ko.

"Pasok na sa kwarto Art, sino bang mauuna mag banlaw, ikaw o ako?"...tanong ko sa kanya.

"Sabay na tayo"...sabi niya

Nagulat ako bigla sa sinagot niya at nanlaki ang mata ko.

"Im just kidding, you may take your shower first"...sabi ni Art sabay ngiti

Pagkatapos ko maligo ay lumabas ako ng banyo ng naka tualya lang pantakip sa katawan ko.

Nalimutan ko pa lang dalhin sa loob ng banyo ang pambihis ko, sanay na kasi ako na sa kwarto lang nag bibihis.

Ng lumabas ako ng banyo ay tumingin sa akin si Art. "Tapos na ako Art pumasok ka na ng banyo"...tugon ko sa kanya.

Pumasok na si Art sa banyo at ako naman ay nagsimula ng mag hubad para magbihis ng biglang binuksan niya ulit ang pinto ng banyo at nakita niya akong naka hubad, buti na lang dali-dali kong nadampot ulit ang tualya at tinakpan ko muli ang hubad kong katawan.

"Oops im sorry i didnt mean it, tanong ko lang sana if you have extra tissue paper?"...tanong ni Art

Iniabot ko sa kanya ang tissue paper ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang inaabot ang dala ko sa kanya.

Naka brief lang siya at ako naman ay naka tualya parin.

Tinititigan niya ako at unti unting lumapit mukha niya sa mukha ko. Bigla na lang akong nagulat ng dumampi ang mga labi niya sa labi ko.

Natulala ako at matagal bago ko siya naitulak, "huwag Art"...sambit ko sa kanya ng mahina...

"Im sorry"...sagot naman niya habang sinisara ulit ang pinto ng banyo.

Dali-dali akong nagbihis at nag ayos sa sarili. Naka upo ako sa harap ng salamin habang pinapakinggan ang tibok ng puso ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, bakit ba ako kinakabahan. Dahil ba yun sa hinalikan ako ni Art o dahil may gusto na ako sa kanya.

Mabait naman si Art at alam ko hindi siya mahirap mahalin. Kung totoo mang may gusto na ako sa kanya hindi parin pwde, natatakot ako baka masaktan lang. Pero bakit hindi ko man lang magawang magalit nung hinalikan  niya ako kanina...hay naku bahala na nga.

Maya-maya ay lumabas na rin mula sa banyo si Art suot-suot ang shorts at tshirt niya.

"Ahm about the kiss...ahm i just want to say sorry for doing that to you, my sincerest apology here"...paliwanag ni Art.

"Ano ka ba Art kalimutan na nga natin yun"...sabi ko naman sa kanya habang namula mula ang mga pisngi ko.

"So whats now? What are we gonna do?"...tanong ni Art

"Ikaw ano plano mo?"...tanong ko pabalik sa kanya

"My place? Lets play games in my room"...paanyaya niya sa akin

Tumango naman ako sa gusto niya na sa bahay naman niya kami mag tambay. Sabay namin nilakad ang daan papunta sa bahay nila.

"Come on inside my room, sorry for my messy stuffs, here you can sit here"...sabi ni Art habang pumasok na kaming dalawa sa kwarto niya.


one day love will find youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon