Chapter 4: Unexpected Meet Up

5 0 0
                                    

Umalis kami ni nanay kaninang umaga sa baryo, sbi kasi ni kuya ngayon na kami lumuwas para daw makapagayos pa kami sa bahay nya. Sinundo nya kami sa terminal at hinatid ako sa skul para daw makapagpaalam na ako at makapagimpake. Wag kuna raw tapusin ang isang month sabi ni kuya kahit na bayad nanaman yun. Pagdating ko sa dorm nakauwi na rin pala ang bff ko, madami daw kasi syang gagawin na projects at reports. Kasali rin kasi sya sa isang organization dito sa skul . Nag paalam na ako kay Bes ko (Sarah), bago nga ako umalis nagdrama pa ang bruha. Hahaha.. Well ako rin naman nalulungkot kasi di kuna sya makakasama. Huhuhu. Mag-isa nlng doon ang bes ko..

"aalis na ako bes, mag-iingat ka dito, wag kang gigising ng hatinggabi kasi may nakikita ako dyan sa may bintana na white lady." ako habang nakatalikod at pinipigil ang pagtawa.

Tinignan ko sya
At nakita ko..

(>\\<) - ang mukha nyang takot na takot.

Sabay sara ng pito at narinig ko syang sinigaw ng buong pangalan ko..hahaha..evil laugh..

Sorry bes, tinamaan nanaman ako ng kapilyahan. At saka mamimiss kasi kita.

Nasa tricycle na ako papunta kila kuya. Kinuha ko ang cp at nakita kong madaming txt, ang iba galing sa takot na takot na si bes, samantalang ang iba gm ng mga kaklase ko. Nireplyan ko si bes upang bawiin ang sinabi ko kanina. Jowk lang naman yun,baka di sya makatulog. Nagtxt din ako kay kuya na papunta na ako sa condo nya. Binigyan nya naman ako ng guide patungo sa building.

Index Building room 320.







Nandito na ako sa tapat ng building ng biglang may bumanga saakin at nahulog ang mga dala ko. Aba, hindi man lang nagsorry kasi patuloy lng syang naglakad na para bang walang nabanga.

"Hoy!" galit kong tawag sakanya.

Patuloy pa rin sya sa paglakad hanggang sa naka pasok na sya ng building.

"bastos na lalaki yun ha." sabi ko sa sarili at inis na dinapot ko ang aking mga dala.

Pumasok na ako at naghanap ng elevator. Inis pa rin ako dahil dun sa nangyari, ganito na ba talaga ang mga lalaki ngayon, hindi na mga gentleman. Tsk.

Pumunta ako sa sinabing room number ni kuya. Kumatok ako, pero walang bumubukas.

Hai. Bakit kaya?

Kumatok ako ulit at ng wala pa ding nagbubukas, kukunin kuna sana ang cp ko para icheck ang txt ni kuya kasi ang pagkakatanda ko room 320 yung nakalagay doon ng biglang bumukas ang pinto at tinignan ko naman, magsasalita sana ako kasu pagtingin ko hindi naman si kuya, saka bakit,

kyyaaaa, naka-topless sya at may towel lang na nakatakip sa lower body nya. Hmp.

.Lunok

.lunok ulit

.lunok ulit

"What do you need?" cold nyang sabi.

Pagsalita nya, tinignan ko ang seryoso nyang mukha na medyo basa pa, at gulo ang kanyang buhok parang naligo sya. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko saka namula at yumuko. Nakakahiya kasi. (>///<)

"kung wala ka namang kailangan, pwede knang umalis."pakasabi nya narinig ko nlng na sinara nya na ang pinto.

Nakakahiya naman yun, pero infairness ang gwapo nya at ang ganda ng katawan nya, may mga pandesal. Kyaaa..hala napaka manyak ko naman. Hihi..kasu suplado ata. Hai.

San na kaya ang room ni kuya, nagugutom na ako. Huhu. Kinuha ko ang cp ko at nakita kong madami ng txt si kuya. Naka silent kasi ang cp ko. Anubeyen.. Hai.

To: kuya <0946*******>

Kuya galing ako sa room 320  kasu iba yung nakatira doon.

Ng masend ko, ilang segundo lng at nagreply na si kuya.

From: kuya <0946*******>

Bakit sa 320 ka pumunta bunso, eh sa 302 ang room ko.
Agh, nakakainis naman. pakabasa ko nang txt ni kuya, hinanap ko agad ang room 302. Gutom na talaga kasi ako. Hai.

Ang malas ko ata ngayong araw.

Ng makita ko ang room 302 kumatok ako at binuksan naman agad ng magaling kung kuya ang pinto.

"Bakit ang tagal mo bunso?" tanong saakin ni kuya habang papasok ako ng unit nya at sinara nya na ang pinto.

"eh, mali naman kasi yung tinxt mong room number kuya. Napahiya tuloy ako." ako habang nilapag ang gamit sa sofa. Wow, infairness medyo malaki talaga ito, nakita ko si nanay na naghahain na sa mesa.

"ganun ba bunso. Sorry na. Di ko naman kasi napansin." kuya

"Ok lang. Pero gutom na ako kuya." ako habang hinihimas ang aking tyan.

"hali na kayo mga anak." si nanay. Lumapit ako at hinalikan sya sa pisngi.

"mamaya bunso ihahatid kita sa kwarto mo. Kasu medyo maliit yun, kasi spare room lng yun." kuya

"ok lng kuya."

Masya kaming naghapunan. Puro kwentihan at tawanan. Sa wakas kasama kuna ulit sila. Si tatay nlng ang kulang.

.......

Nandito na ako sa kwartong para daw saakin sabi ni kuya, di naman ka maliit, tama nga lang saakin. Pagkaayos ko ng mga gamit ko, naligo ako at nakatingin lang sa kawalan, hindi mawala sa isip ko yung lalaki kanina. Shemms, ang gwapo nya talaga. Hai. Makatulog na nga lang.

A/N: please do vote and follow me guys. Thank you.

P.S- makikilala nyo nalang ang mga character along the story, di na ako mag pplot ng kanya-kanyang description nila.

UNKNOWN GUY IN MY DREAMS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon