This is only a work of pure fiction. All characters, names, places, and other matters were just a product of author's imagination. Any similarities are purely coincidential.Fail or Fall in Love
All Rights Reserved 2016
by: aystetikaaa---------------------
Kasalukuyan akong nasa rocking chair ko nang kalabitin ako ni Casey.
Ang 12 years old kong anak. Ang anak namin ni blank. Basahin niyo muna ang story at tunghayan kung sino nakatuluyan ko. 32 years old na ako ngayon."Mama," tumingin siya sa akin. Nag-iisa namin siyang anak. Alam ko na ang tingin na 'yan. Umupo siya sa tabi ko. "Ikwento niyo nga po sa akin 'yung love story niyo ni Papa."
"Anak naman, ilang beses ko na 'yon ikinuwento sayo 'yun eh. Hindi ka ba nasasawa? Tsaka ipagpatuloy mo lang 'yang panonood mo ng tv, anak." Sabi ko. Napangiti naman ako muli. Ang lahat ng ito, ang yaman na narating ko ay galing sa pinaghirapan naming mag-asawa. Kasama na 'tong anak kong pinakamahalaga na treasure para sa akin.
"Mama, hindi naman ako magsasawa dun. Kung wala ang love story na 'yon, edi wala ako rito ngayon diba po." Sabi niya pa. "Tsaka nakakakilig kaya 'yon, Mama. Parang fairy tale lang. Tapos nakakatawa pa si Tita Jam."
"Hala siya oh, sige na nga," sabi ko pa. "Dahil mahal na mahal kita, ikekwento ko sayo ulit. Makinig ka na, Casey. Eto na."
Once upon a time.....