JESSICA'S POV.
Isang malaking sampal 'to para sa akin. Na iiwan ko na pala ang kinalakihan kong eskwelahan sa probinsya. Sa Twinkle City na kami titira dahil may nakuhang trabaho si Papa doon. Hindi naman pwedeng hindi kami kasama. May bahay na rin kaming nabili sa Twinkle City.
May halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Ewan ko ba. Ngayon lang kasi ako lilipat ng school eh. Bukod sa nakahanap na ng trabaho si Papa, mas maganda raw na gumraduate ako sa private school sa Twinkle City. Malaking opportunity 'to para sa pamilya namin.
Grade 10 na ako ngayong pasukan. Naiinis nga ako't ngayon pa ako lumipat ng school eh. Nasanay na ako sa buhay-public school sa probinsya. Pero anyway, sa good outlook naman, mas malaki ang opportunity kong makahanap ng trabaho. Dahil graduate ako ng isang private school.
Let me introduce myself, I almost lost my manners. Ako nga pala si Jessica Reyes. I'm 15 years old. Hindi ko itinatangging matalino ako dahil sa public school namin sa probinsya, lagi akong kasali sa quiz bees at kung-ano ano pa. Sa katunayan, hindi namin afford ang tuition fee sa papasukan kong private school. Pasalamat sa utak ko, naging scholar ako roon.
Kasalukuyan kaming nandito sa bagong bahay namin sa Twinkle City. Medyo malaki-laki ito. Kahit naman anong size nito, masaya pa rin ako dahil kasama ko ang pamilya ko.
"Excited ka na bang pumasok bukas, huh?" Tanong sa akin ni Ate Jam. Ate ko siya. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid at maganda kaming dalawa. 18 years old na rin siya. "Goodluck sa iyo bukas, Jessica. Maganda ka at matalino. Kaya wag kang magpapaapi sa iba. Pero mas maganda ako sayo! Haha!" Binatukan ko naman si Ate. Haha.
"Thank you sa goodluck mo Ate ha. Na-appreciate ko talaga 'yon," sarkastiko kong sagot. Okay na sana ako dun sa sinabi niyang maganda eh. Pero bigla akong binawian. "Goodluck din sayo Ate sa paghahanap ng work. Mas maganda ako sayo aber!"
"Pinakamaganda ako, Jessica. Wag kang aangal!"
"Mas maganda ako sa pinakamaganda, Ate! Panget ka eh, akala mo talaga eh."
"Ako nga diba! Ako mas matanda kaya ako mas maganda!"
"Ako ang bunso! Kaya pinakamaganda ako!"
Napatigil na lang kami sa bangayan namin nang magsalita si Papa.
"Ayan na naman kayo. Pareho kayong maganda, mga anak." Wika ni Papa sabay hug sa amin. I've got the best parents ever! Si Mama nama'y busy sa pagcheck ng bahay. Medyo mainit dito sa Twinkle City pero pwede na 'yon. "Mga anak, tulungan ko muna ang Mama niyo sa itaas. Wag na mag-aaway dahil maganda kayong lahat."
Pero, mas maganda parin ako. Eto ang madalas na pinag-aawayan namin ni Ate eh. Ang kagandahan. Halata namang mas maganda ako sa kanya eh. Taba-taba nun si Ate eh.
It's just a typical day. Bukas na ang first day ko sa Diamond Academy. Ang school ng mga mayayaman. Hindi ko naman kailangang makipagsabayan sa mga yaman nila. I don't need those. Tiningnan ko naman 'yung Jansport kong bag. Maayos pa naman 'to at may mga natira pa akong gamit eh. I don't need new materials. Maya-maya ay biglang bumaba si Mama.
"Jessica, pumunta kayo ng ate mo sa mall ngayon." Sabi ni Mama habang nakangiti. Inabot niya sa akin ang 1000 pesos. "Bumili kayong dalawa ng bagong gamit niyo. Kapag may natira, ipangkain niyo nalang ha."
Mag-iinsist sana ako nang bigla niya akong binigyan ng "okay-na" look. Tinanggap ko naman ang pera at lumapit kay Ate. Dali-dali kong kinuha ang touchscreen kong cellphone. Iniingatan ko 'tong Samsung kong phone dahil Grade 6 pa ako nito. Graduation gift sakin nina Mama't Papa. Naglakad kami papunta sa mall. Malapit lang naman pala eh.
"Buti nalang binigyan tayo ni Mama ng onting pera. Sabi na eh, hindi tayo matitiis ni Mama!" Sigaw ni Ate Jam. Dumiretso naman kami sa National Book Store. Medyo mahal ang mga supplies pero keri lang. Kumuha lang ako ng lapis, ballpen, ruler, papel, notebook, at color materials. Nagulat naman ako sa ikinilos ni Ate.
"Bakit moko tinitingnan ng ganyan, Ate?" Natatawa kong sabi.
"Seryoso ka bang 'yan lang kukunin mo?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ang kinuha niya. Bag at iba't iba pang anik-anik.
"Oo, eto lang naman ang kailangan ko eh." Sabi ko naman. Binitawan ni Ate ang anik-anik na hawak niya. "Sayo na 'tong nag na kinuha ko. Wala akong bibilhing iba. Para sayo na lahat 'yong pera. Ano ka ba, 'yung bag mo hindi na maitsurahan!"
"Ate, hati tayo dyan sabi ni Mama eh." Wika ko. "Naaawa ka ba sakin, Ate? Wag ha."
"Hindi ako naaawa sayo gaga," sabay tawa niya. "You just need this. Sorry sis."
Binili na namin lahat ng kinuha namin. Ang bait ng Ate ko sakin. Pero pwede pa naman talaga 'yung bag ko eh. Pwedeng-pwede pa. May onting butas 'yon sa gilid pero pwede pang pagtiisan. Hinawakan ko ang paper bag at nagpatuloy sa paglalakad. Pauwi na kami ni Ate. Nag-decide kaming i-save nalang ang natirang pera eh.
Kasalukuyan kong tinetext sina Mama nang may makabunggo akong lalaki. Bumagsak ang cellphone ko at kitang-kita kong nabasag ito. Agad kong pinulot at sinubukang i-on pa pero ayaw na. Nagulat si Ate sa nangyari.
"PALITAN MO 'YUNG CELLPHONE KOOOOO!" sigaw ko sa kanya. Seryoso lang ang tingin niya sa akin.
"Ano ka? Sinusuwerte?" Dinaanan niya lang ako. Kinalabit ako ni Ate at wag na raw pansinin. Pero di ko siya sinunod. I followed the guy na gwapo.
"BINANGGA MO KO! TAPOS SINIRA MO PA 'TONG PHONE KO! WALANG HIYA KA!" Sigaw ko sa kanya.
"Don't you know who I am? Grabe ka ha." Matipid niyang sagot. "I'm Heather Wilson."
"What now? Ikinagwapo mo na ba 'yang pang-mayaman mong apilyedo ha? Bayaran mo phone ko ha!" Sigaw ko. Pinipigilan ako ni Ate pero I don't care.
"I'm starting to like you, you are warfreak." Tugon niya sabay tanggal niya ng shades niya. Ang gwapo niya pero walang ugali. Nagpatuloy na akong maglakad. Bigla akong kinalabit ni Ate.
"Hindi mo ba talaga ma-recognize kung sino 'yon?" Tanong ni Ate na takot na takot. Jusme.
"Sino ba 'yon? Mayaman ba 'yon? Aba wala akong pake." Sabi ko.
"Siya 'yung anak ng may-ari ng school na pinapasukan mo." Takot na sabi ni Ate.
Oops again, Jessica. You've barked on the wrong tree. Patay ako nito!
(A/N: Feeling ko, ang jeje nung book cover na ginawa ko para sa FOFIL or sa story na 'to. May marunong po bang gumawa ng cover? Pwede po bang gawan ako without asking for any return? Thanks!)