BESTFRIEND

21 1 1
                                    

Nung bata pa ako lagi tayong magkasama, oo as in lagi, lagi tayong naglalaro ng paborito nating barbie, sabay tayo maligo,kumain at matulog.Ayaw mong humiwalay sa kin, kahit pinapalo ka na ng mama mo,ayaw mo pa din umuwi.

Pero ba't ganon dumating sa point na pinagtatabuyan mo na ako, halos parang wala tayong pinagsamahan, ganyan ka ng mag 16 yrs. old tayo, pagkauwi mo galing US. "Sino ka? Do i know you?!" Yan yung sinabi mo sa akin na ikinaguho ng mundo ko.

Ganyan mo na ba ako nakalimutan. Tinanong ko sa mama mo wala ka naman daw amnesia. Di mo na ba ako kilala, sinubukan kong ipaalala sayo lahat pero ba't ganyan ka, parang pinipigilan mong alalahanin, ayaw mo na ba sa kin ? Hah, biglang naisip ko wala naman akong nagawa o nasabi pagkaalis mo na masama na ikagagalit mo ha, oo alam ko bestfriend mo LANG ako, oo pero tinuring kitang kapatid nung time na yun. Tapos kalimutan agad. Watda! Ilang months kitang di nakita. Ba' t ganon nag aalala ako, pero di ko alam kung bakit.

Pinuntan kita sa bahay niyo, andaming tao, nakita kita, nakahiga,maputla yung labi, nasa kabaong ka. Nanlumo ako, bago ka kasi namatay kung ano ano nasabi ko sayong masasakit na salita BAKIT GANYAN KA, NAKALIMUTAN MO NA KO. Lumapit ako sa mama mo pinapasok niya ako sa bahay nyo. Sabi ng mama mo ikukwento nya daw lahat, tuwang, lungkot yung naramdaman ko.

"Pumunta kami sa US para ipagamot sya-----
"Ipagamot?!!" Sabat ko.
"Iha patapusin mo ko" malumanay niyang sabi.
" Sorry po" malamig kong sagot.
" Ipapagamot namin sya dahil meron syang leukemia, nasa lahi kasi namin yun, 12 sya nun pinilit namin syang magpagamot pero ayaw ja daw niyang iwan, ngayon human tong na sa stage 4 yung sakit niya. Nag punta kami sa US. Pinagamot namin sya. Gumaling sya, pero hindi niya kinaya, pumayat siya, namutla, at isang linggo ang lumipas namatay sya. "
Nanlumo ako nanlalambot yung tuhod ko. Pinilit kon magtanong.
" Bakit po hindi niya ako maalala?" Nanghihina kong tanong.

" Hindi kaniya nakalimutan , binigyan sya ng taning ng doktor kaya pinili niyang umiwas sayo at makalimutan mo sya. Pagkinakausap mo sya umaakto syang hindi ka niya kilala, pero pagtalikod mo, hindi niya mapigilan umiyak, sabi nya sakin pag wala na daw sya sabihin ko to sayo. Humanap ka daw ng mga kaibigan at magsaya ka daw."

Naiintindihan ko na lahat, lahat lahat. Gusto ko buksan yung kabaong mo at yakapin ka, pero nanghihina ako sobra.

Ilang buwan ang lumipas tinupad ko yung gusto mo na makipag kaibigan sa iba. Naging masaya ako, pero di ka nawawala sa isip ko, walang araw na hindi kita nakalimutan, pero alam ko masaya ka kung nasaan ka man ngayon.

--The end--

Oneshot collections (tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon