MCDL 5: ANG POST

51 5 0
                                    

"Lahat ay kaya kong gawin,
mapasaya lamang kita at ako din ay sumaya."



--- #MCDL 5: ANG POST ---

December 30, 2015 nang magpost si kuya HABIB (isang member at kaibigan ko sa group chat) ng isang message.

Sa post na iyon nakikiusap si kuya na iadd sya ni kuya MCCOY. Kasi nga di na talaga sya ma-add. Ang saya sobra ni kuya habib nun kasi nilike yun ni kuya at inaad talaga sya. Ang saya nyang ikinuwento yun sa amin.

Bilang mga FANS, naiingit na ang iba sa nangyari kay kuya Habib syempre isa na ako sa kasama doon.

Naglabasan ang mga nobela nila noon. Mga messages na mahahaba at mga reasons nila. Halos matambakan na nila yung isa't isa nun sa dami talaga nang posts.

Nagplano ako na magpost din. Pero di ko alam kung ano sasabihin ko. Kung anong pakulo ang gagawin ko mapansin lang at ma-add ni kuya MCCOY.

Naalala ko nagsusulat naman ako ng tula. Kasi nga kakagaling ko sa heartbreak noon. Puro bitterness pa nga yung topic ko nun. Sabi ko bakit hindi ko itry na tula ang gamitin ko baka sakaling mapansin niya.

Pero dahil kay kuya MCCOY nabago lahat ng yun. Ang bitterness ay napalitan sya ng Good Vibes na topic.

Kaya gumawa ako ng dalawang tula para sa kanya.Yung isa free verse lang talaga, samantalang yung isa ang first letters ng each line eh NAME nya yung nabuo.

December 31, 2015. Iyan yung date kung kelan ko pinost yung poem ko. Around 10:30 na yun. Syempre with a nobela pa kuno para mapansin. Sobrang umaasa talaga ako noon na mapansin din ako. Pero ang hirap kasi andami pa ring nagpopost na ma add sila.

Late na din akong natulog sa kakaasa na iaadd nya na ako at malike nya na post ko pero wala talaga. Nakakalungkot nga lang pero tiwala lang sabi ko.

A JOURNEY of being MARC CARLOS DE LEON's FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon