MCDL 2: NANG MAKILALA KA

97 4 0
                                    

"Lahat ay kakayaning gawin maging masaya lamang at sakit ay mawala."




#MCDL 2: NANG MAKILALA KA


Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko malaman ko lang kung ano ang pangalan niya.Hanggang nang maisip kong manood manood na lang ng It's Showtime.

Dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko, kailangan kong maghanap naman ng ibang ikakasaya ko.

Kaya nanood na lang ako upang maglibang. Matagal na din kasi akong hindi nakakanood ng It's Showtime dahil sa sobrang pagkasubsob sa studies makalimutan ko lang talaga yung sakit na naiwan.

Hindi ako nagkamali na tumigil sa mga ginagawa ko at naisipang manood na lang.

Noong araw ding iyon nalaman ko na may bago na naman palang segment sa It's Showtime. Inabangan ko kung ano ito. Hindi pala ito segment kundi isang boy group. Yun ay ang HASHTAGS.

Sabi ko, "Wala 'tong mga ito."

Nawala lahat ng mga pumapasok sa isip ko na komento nang makita ko si kuyang 'Chinito' sa Maalala Mo Kaya na isa sa mga member ng HASHTAGS.

Kasama nya dito sina Jameson Blake, Nikko Natividad, Tom Doromal, Paulo Angeles, Jon Lucas, Ronnie Alonte, Zeus Collins, Ryle Santiago, Luke Conde, at si Jimboy Martin.

Kapwang mga lumalabas na sa mga iba't-ibang panood sa telebisyon, pero nakakapagtaka lang kasi isang beses ko pa lang na nakita si Mccoy De Leon.

Suot-suot pa nila yung damit na may mga pangalan nila. Forest Green, iyan yung kulay ng t-shirt na gamit nya nang makilala ko sya.

A JOURNEY of being MARC CARLOS DE LEON's FANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon