APOCALYPSE

77 2 8
                                    

"Bro,una na ako. Pinangako ko kasi kay Agatha na susunod ako sa kanila ng parents niya sa Pagudpod." Kinuha ko yung susi ko sa lamesa kung saan ko to iniwan noong inuwi namin si Clara from the hospital.

"Sige 'tol. Ako na bahala dito. Darating na rin naman sina mama. Sunod kana. Ingat ka bro." Muli kong sinulyapan si Clara at saka lumabas na.

Agatha's my 6 years girlfriend. Well, plano ko na nga siyang pakasalan pero kailangan muna naming makatapos. But I'm sure that I will marry her. Tito and Tita invited me na sumama sa family vacation nila. And Agatha's being irresistably cute,pumayag na ako. Kinailangan ko lang talagang iuwi si Clara sa bahay since Zep is still a minor at wala pa siyang driver's license.

I started my car and get on the road. Medyo malayo pa naman ang pupuntahan ko kaya mas magandang may araw palang bumyahe na ako. And I can't wait to see Agatha. Sa phone lang kami nagkausap. We were both busy nung finals. Agatha's an achiever. She's smart, very very beautiful, and generous. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko nung past life ko to deserve her. I can't ask for more.

Napangiti ako sa mga naiisip ko. I really miss her.

I opened my car's stereo. Alex and Sierra's voices rose from the speakers. Natawa na naman ako. Agatha's taste of music is serene. Parang siya. She changed this playlist, I think last two weeks ago noong accidentally she came up with this channel on youtube and yes,it was Alex and Sierra. She asked me to download the album. Wala kasi siyang tiyaga sa pagdodownload. Nainis kasi siya noong unang subok niya,ang tagal niyang hinintay pero pirated pala ang nadownload niya. She was fuming mad that time and yes even when she's mad,she's still beautiful.

Bumper cars yung tumutugtog ngayon. I started to hum the tune of the song. Medyo easy lang sabayan. Mukha na akong tanga kakangiti dito. I'm a lovesick puppy and I admit that. Wala namag masama. I'm smitten as hell.

Natapos na yung kantang Bumper Cars pero umulit na naman to. Natawa na naman ako. Agatha always do this kapag nagsosoundtrip kami. If she came to like one song, papaulit ulitin niya eto until we end up na malast song syndrome at yun na lang ang kakantahin namim buong araw. Minsan dalawang araw, matagal na ang isang linggo.

Pangatlong ulit na ito at gusto ko ng palitan. I reached for the ipod na nakasaksak sa component when suddenly my phone rings. Kinapa kapa ko sa gilid ko,sa bulsa ang phone ko pero di ko makita. Baka si Agatha na kasi yun. Medyo malapit na rin naman ako kaya tumabi muna ako sa gilid ng daan. Agatha always remind me na wag magphone kapag nagdadrive. Agatha's a scaredy cat. Super maingat siya sa mga taong nasa paligid niya kasi natatakot siyang baka may mangyari sa amin. She even put first aid kit on my car, extra towel and extra shirts sa compartment ng kotse ko.

Nakita ko ang cellphone ko. To my dismay, unknow number ang tumatawag. Nakailang tawag na rin pala ang number na ito,halos di ko napansin kanina. Sa pangpitong ring,sinagot ko na.

"Hello. Sino to?" Bungad ko sa caller. Ang ingay ng kabilang linya. Naririnig ko lang is sirens. And more people shouting from the other line.

"Are you related to Mr Leonardo Valdez? Sir, I'm one of the paramedics. If you are related to this person na binanggit ko,please proceed immediately to RGB Medical Hospital. Do you understand? " Nagmamadaling sabi ng kabilang linya.

Leonardo Valdez. Valdez. Agatha Valdez. Agatha. Nanlamig bigla ang kamay ko and it won't stop shaking. "I..I u-understand."

Hang on Agatha,papunta na ako. I stepped on the accelerator and drove fast. I need to get faster. I need to see Agatha. I need to know what happen. Please,please. Agatha,hang on baby. Please.

-
Madaling matunton kung saan ang hospital na sinasabi nung caller. Dali dali akong pumasok. Wala akong pakialam sa mga nababangga ko. Wala akong pakialam kung halos madapa ako. All I want to see is Agatha. She's okay, she needs to be okay. She's needs to be. For pete's sake! I need her to be safe! Damn it.

"I need to see Agatha Valdez!" Sigaw ko sa nurse sa may reception desk. "Nasan siya?!"

Nakita kong may pinapasok na mga stretcher sa emergency room. Tunakbo ako doon at nakita ko sa huling stretcher ang duguang katawan ni Agatha.

"Agatha!" Tinulak ko ang mga nurse para mayakap si Agatha.

"Sir,kailangan po natin agad siyang maagapan. Sir please released the patient." Pagkarinig kong yun,mabilisan kong tinulak ang stretcher papuntang ER. "Sir hanggang dito na lang po kayo. Dito na lang po."

"Agatha! Hang on! Please live Agatha! Live!" Sigaw ako ng sigaw sa loob ng hospital. Habang pinapanood kong pinapasok siya sa ER, wala akong magawa. Sinuntok ko ang pader at napaupo sa gilid. "Agatha..please.."

May mga nurses na lumalabas sa ER at nagmamadaling kumilos. I heard the machine. I know that sound. Si Agtha. Lumapit ako sa mga nurse.

"What's happening?! Tell me what's happening? Anong nangyayari kay Agatha?"

"Sir, yung dalawang adult is 50-50. We need to save them so please sir,let me go and please get a grip of yourself. We are doing our best." Inalis ng lalaking nurse ang pagkakahawak sa kanya at nakita ko kung sino ang mga nagaagaw buhay sa ER. Si tito at tita. The doctors are reviving them.

"Time of death, 9:57 pm."

-
A/N
This story is dedicated to CXMXAXA. To my best boyfriend ever. ♥

Do you hear me, Agatha? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon