1

16 0 0
                                    


"Guys! Ayan na yung loner!"
"Beware Guys! Baka mahawa tayo sa ewness niya!"
"Eww! Nakakadiri naman yung pagkatao niya!"

They just won't stop. Won't they?

Yan palaging bumabati sa araw ko kapag pupunta ako sa school. I just ignored them and I kept on walking towards my first period class.

Pagdating ko sa room. Nakita kong mayroong nagvandal sa desk ko. Dali dali naman silang nagsialis kasi nakita nila ako. Pumunta na ako sa seat ko at inig-nore ko nalang yung mga nakasulat dun.

Pumasok na yung professor namin. We greeted him a good morning pero nang lumingon siya sa desk ko, nakita niyang mga vandals dito. Tinawag niya ako at lumapit ako sa kanya.

"Ms. Mendoza. I prefer that you get your desk out of the room and clean it. You know we are supposed to be civil here but this keeps on happening. If you were just not my student,everything would be normal." Whisper lang yung last sentence niya pero narinig ko naman eto. Binalewala ko nalang.

Yun nanaman palagi eh. Ako lang yung pinagsabihan dito. Natatakot kasi yung teachers dito sa mga estudyante nila kasi mga mayaman yung mga magulang nila. But Isn't it supposed to be the other way around? Ironic isn't it?

Bumalik ako patungo sa desk ko at kinuha ko yung bag ko. I dragged my desk palabas sa room gamit yung back door sa room. Dalawa kasi yung doors namin dito. Lumabas ako sa room habang nagstart na yung lecture. Wala namang pakialam yung mga tao dito.

Nang makadating ako sa labas ng room, dun ko naisipang magsimula na sa paglinis sa desk ko. I scrubbed and scrubbed every written word.

Pangit. Multo. Loner. Alone. Abandoned.

With each and every word I read. Napalakas yung pagapply ko ng pressure sa pag-erase nito.

Low class. Pokpok yung Mama. Lasenggo yung Papa.

Hindi ko na kinaya at tinapon ko yung scrub patungo sa desk ko. Umiyak ako.

Hindi nila alam kung anong napagdaanan ko! Leche yung buhay.

Narinig ko nag ring na yung bell pero binalewala ko yun. I just sat there and I hid my face between my legs, I didn't move from my position kahit na alam ko mayroon nang mga estudyante na lumi-lingon sakin.

Sana nandito nalang siya. Kasi alam ko ma proprotektahan niya ako.

Humahagulhol lang ako dun. I lift my head up at nakita kong vinedeohan at tinatawanan ako ng mga estudyante hanggang sa mayroong umabot na teacher.

"Ms. Mendoza! Are you okay?" Narinig kong tanong ni Ms. Diez pero blurry yung image niya. Narinig ko na tumawag siya ng estudyante para idala ako sa clinic. I felt someone carry me, Bridal style.

"No 'cause I'm too... Broken.. Zander." Yan yung huling nasabi ko kasi nagblack out na ako.

××××××××××××××××

Nagising nalang ako sa malambot na kama sa clinic. Umupo ako at napahawak agad ako sa ulo ko, ang sakit. Sh**

"Apparently you were too tired and stressed dahilan sa pagcollapse mo." Narinig kong sabi ng isang familiar na tinig lalaki. Please Lord. Sana hindi siya.

Lumingon ako sa kanya with a blank face pero hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

Si Zander Montecillo ang nagdala sa akin dito. Yung dakilang Kingka sa school namin... at yung dakilang lalaki na kinalimutan ako.

I tried getting out of the bed and I successfully did it but my legs were like jelly so I held on the bed for support.

"You should slow down because bago ka lang nagkamalay." Sabi niya. Akala ko na tutulungan niya ako pero tiningnan lang niya ako. Assumera ka Alyanna.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Broken OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon