chapter One

2.2K 78 0
                                    

"Lalaki..."

Nanlaki ang Mata ni Grace. Napalunok siya, Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib. Bigla siyang nanabik na marinig ang sasabihin pa ng manghuhula.
"Isang lalaking walang mukha!"
"Ho?"

Awang ang mga labing tumingin sa kanya ang babae. Bilog na bilog ang mga Mata nito. Nasapo niya ang dibdib. Natakot siya rito, Muntik na siyang mapatayo sa kinauupuan at tumakbo palabas sa kubol nito.
"Kailangan mong mag-ingat..."

Napalunok siya. Napatingin sa matalik na kaibigang si Bella . Kitang kita rin niya sa mukha nito ang pagkagulat at pagtataka. Batid niyang Hindi rin nito maunawaan ang sinabi ng manghuhula.

Inilapit nito ang bibig sa may tinga niya , " sinabi KO na sayo eh, kasalanan mo kung bakit nawiwindang tayo nang ganito. Nakita mo Lang ang kubol ng manghuhulang ito ay inaya muna akong pumasok at magpahula."

Namamasyal silang magkaibigan at nang mapadaan sila sa isang peryahan ay nakatuwaan nilang pumasok. Sa paglalakad nila sa lugar ay isang kubol ng manghuhula ang tumawag sa kanyang atensyon at inaya ito.

At ito na nga ang nagaganap! Muli niya Itong iniukol ang paningin sa matabang babae. " bakit ho walang mukha ang lalaking sinabi n'yo, Madam Aura?"

Ang Sabi Ng Baraha!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon