Match2

15 1 0
                                    

Isang linggo na ako nandidito sa davao. At sa loob ng isang linggo, kinukulit nila ako na dito na mag aaral at mag stay na for good. Hayyyy ginugulo nila isip ko. Hndi pwd, kase may mga plano na ako duon sa manila. With my madersu.

"Ready ka na? Aalis na tayo maya maya." Tinignan ko si kitkat.

"Ah, Oo. Wait ayusin ko lang gamit ko" Pupunta kami ngayon sa bahay ng kachurchmate namin. Mag bibible study.

Tsaka ipapakilala nila ako sakanila. Eh, kilala ko nmn sila, nakikita ko sila sa simbahan. hndi lang ganoon ka close.

*beeep*

Nag vibrate yung phone ko, baka may nag tex. Kinuha ko ito.

Si jeno pala.

Jeno: By, kailan kaba babalik? Miss na kita. Nag promise ka ha, na babalikan mo ko. Walang iwanan .
--end of message---

Mas lalo tuloy akong nalungkot. pinasok ko na sa bulsa yung cellphone. Tinignan ko si nikki, pagkatapos niyakap.

"Namiss kita." Sabi ko sakanya.
Nginitian nya lang ako, naglalakad kami habang yakap yakap ko sya. Si lorain naman nasa unahan.

"Dito kana lang kse." Seryosong sabi ni kitkat saakin. Napa buntong hininga nalang ako.

"Pag isipan ko" tapos ngumiti ako sakanya. Kinulit kulit ko syang mgkwento kung anong nanyari sakanila mag boyfriend. Bakit sila nag break up.

"Hahaha ikwekwento ko sayo, sa susunod na na-araw . wag ngayon. " Sumakay na kami ng jeep.

"Ay ganun? Ohsge. Alam ba ni mimai lahat?" Si mimai yung taong pupuntahan namin ngayon.

We call her mimai pero ang name nya talaga ay, Madonna Mae Pascual.

Kinasal na sya nung araw na lumipad ako papuntang manila. May isang anak na rin sila ngayon.

One of the leader sya sa church namin. Anak sya ng pastor.
Sya rin yung tinuturing naming mama sa loob ng simbahan at kahit pa sa labas.

Sakanya kami lumalapit tuwing may mabibigat kaming problema.

I mean, sila pala. Eh, hndi ko pa sya gaano kakilala. Pero mukhang mabaet naman.

"Oo, kiniwento ko na skanya lahat." Ngumiti ito. Naalala ko si jeno. Ano ba yan, namimiss ko na yung mokong na yun.
Kinuha ko ang phone ko at nag tex sakanya.
Nag update ako kung saan ako at sino ang mga kasama ko.

Bumaba na kami ng jeep, at naglakad papunta sa bahay ni mimai.

Maraming taong naka tingin saamin. Hndi ko ba namention? May kagandahan tung mga kasama ko. Tung dalawa kong pinsan.

Pero sa tuwing kasama ko tong dalawa kong pinsan na maganda, wla na akong pag asang mapansin ng mga gwapong lalaki. Kse para saakin mas maganda sila saakin. And im 100% sure, i dont care.

Tinignan ko si kitkat, ang laki talaga ng pinagbago nito. Nuon ang taba taba nito kaya baboy ang tawag namin nito sakanya.

Eh ngayon pwd ng pang model, dahil ang sexy. Matangkad, minsan morena minsan maputi. Hahaha.

Haynako ash. Kulot ang buhok pero mas ikinaganda nya ito, Lakas pa ng sex appeal. Ewan ko ba, naiinggit ako sakanila.

Si lorain? Ewan ko kung bat hndi pa to nagkakaruon ng boyfriend. Eh maganda naman sya. Maputi, ang galing nga magmodel nito eh.

"Huy! Bat ka nakangiti jan?" Napatingin ako kay lorain.
"Wla, iniisip lang kita" sabay kindat ko sakanya. Pinalo naman nya ako.
"Loko. Hahaha nandito na tayo " tapos tinulak nya ako papasok ng gate.

She's a FighterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon