Second Chapter

26 5 11
                                    

III.

Tahimik na nagpasalamat si Maxi sa kanyang isipan nang hindi na siya makita ni Khean. Nagtataka nga siya kung bakit siya hinahabol. Ano kayang kailangan sakin non? Tanong niya sa sarili.

Habang nagbabayad siya sa cashier ay nagulat na lamang siya ng may dalawang kamay ang pumatong sa magkabilaan niyang balikat. Gulat niyang nilingon ito.

"Hi." nakangiting wika ni Khean kay Maxi tapos tinanggal ang pagkakahawak sa balikat nito. "Bakit ka tumakbo?" takang tanong ni Maxi sa kanya. Hindi talaga maalis sa isip ni Khean kung bakit siya biglang tumakbo. Usually kasi kapag ang isang tao ay nakakita ng artista, magpapa-picture or hihingi ng autograph. Pero sa kaso ni Maxi? So unusual.

Iniwas ni Maxi ang tingin niya kay Khean dahil hindi niya maiwasang mamangha sa facial features nito. Sa mga shows kasi na bigla niya lang nakikita ay gwapo naman ito pero hindi niya akalain na sa personal ay.. well, gwapo talaga.

Pero hindi ibig sabihin non ay hinahangaan na niya si Khean as an idol. Loyal siya sa Thundereal. At kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na maging fangirl ng Heat Rays.

"Miss, 945.25 pesos po lahat." sabi nung cashier. "Patingin nung resibo." saad ni Maxi. Nagtataka kasi siya kung bakit ang laki ng babayaran niya. E halos konti lang naman ang mga binili niya tapos mura pa. Chineck ni Maxi ang resibo at naningkit ang kanyang mga mata nang may nakita siyang, Nutella at Gardenia Wheat Bread. Punyeta saan nanggaling yon? Mahinang usal sa sarili.

Inilapit niya sa cashier ang resibo at pinakita kung bakit merong ganon. Sabi naman ng cashier ay iyon daw ang na-ipatch niya. Ilalabas na sana nung cashier ang wheat bread ay nutella para ipakita kay Maxi na meron siyang kinuha nang biglang magsalita si Khean sa gilid.

"He-he-he. Akin yan. Ano... pakibayaran muna, pwede?" nahihiyang sambit nito habang nagkakamot ng batok. Bigla namang naningkit ang mga mata ni Maxi sa kanya.

Seriously? Ang isang idol na ito ay nagpapabayad sa isang ordinaryong tao? Wala na ba siyang pera? Naghihirap na ba siya? Bakit pa siya pumunta ng mall?!

Inirapan niya si Khean at bumaling sa cashier. "Miss, pakitanggal yang mga yan, hindi akin yan. Diyan sa lalaking bulag mo ipabayad." mataray na wika ni Maxi. Nakasuot na kasi ulit ng pang-disguise si Khean kaya hindi siya nakikilala nung cashier.

Umalma yung cashier na hindi na raw pwede. Napailing na lang si Maxi tapos kinuha ang mga pinapabayad ni Khean at pabalyang ibinigay sa kanya. "356 pesos lahat yan. Ibigay mo na sakin yung bayad." mataray niyang wika habang nakalahad ang kamay.

"Ano kasi.. nasa parking lot yung wallet ko. Pwedeng doon mo na lang kunin yung bayad ko?"

Nagsalubong ang kilay ni Maxi. Kanina pa 'tong lalaking 'to ha! Sumosobra na talaga siya argh!

Padabog na kinuha ni Maxi ang paper bag na naglalaman ng mga binili niya at naunang maglakad. "Bilisan mo kailangan ko ng umuwi." sabi nito at dali-dali namang sumunod si Khean sa kanya.

Wow. Napapasunod ng isang ordinaryong tao ang isang idol? That's new!

-

Agad silang nakarating sa parking lot. "Dito, miss." tawag ni Khean kay Maxi na abalang nagtitingin ng kotse. Marami-rami na rin kasi ang mga tao ngayon sa mall. Agad namang lumapit si Maxi kay Khean, sa tabi nito ay ang isang black na van na sa tingin niya ay isang Toyota Hiace. Malaki ang van na ito na kadalasan niyang nakikitang gamit ng mga mayayaman o di kaya'y isang artista. Heavy ang pagka-tinted ng mga bintana kaya hindi makikita kung sino ang taong nasa loob nito.

A Fangirl's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon