Fifth Chapter

22 5 0
                                    

[ x/n: Helloooo! :) Still on Maxi's POV. Have fun reading, fangirls! =) ]
-

VI.

"... and that's how it goes. Ano na gets mo na?" tanong ko kay Aprille na nakatingin pa rin sakin. Natapos ko na kasi i-kwento sa kanya ang mga nangyari, yung issue pati na rin yung kanila Conrad kanina.

"May gusto sayo si Condrad?"

Mukhang ngayon lang nag sink-in sa kanya lahat ng mga sinabi ko, a? Sa dami ng kwento ko, iyon lang ang naitanong niya, wow.

Inirapan ko siya saka pinapagpatuloy ang pagpupunas ng beaker na ginamit nila kanina. "Wala. Trip niya lang ako malamang." matabang kong sabi saka inilagay sa lalagyan ang beaker. Napatingin naman ako kay Aprille na mukhang malalim ang iniisip.

At ano naman kaya ang iniisip ng babaeng ito?

"Ay nga pala, may guesting ang Thundereal mamayang gabi, live sa AMM channel. Tapos, itu-tweet ko rin yung world tour ng Thundereal sa Toronto." excited kong saad.

Sino ba naman ang hindi ma e-excite? Mapapanood ko ng live ang Thundereal! At alam niyo ba na gustong-gusto kong manood ng live? Kasi ibig sabihin, sa mismong segundo, minuto at oras, napapanood ko kung paano sila gumalaw, ngumiti, tumawa, at pasadahan ng mga daliri ang kanilang buhok...haaaay!

Tapos yung tweet ko pa mamaya! Hihihihihi. Ang sarap kaya sa feeling na sayo mismo manggagaling yung update na ikaw lang ang nakakaalam, then ikakalat na ng iba at makikita mo ang username mo sa credits. Shit goodness!

"In-update ka na naman ng mga kaibigan mong nasa S.E?"

"Oo naman bwahahaha! Ako pa ba?"

"Hay nako Maxi, malala ka na."

Napabuntong-hininga ako. "Siguro nga." in a better way, I guess.

Natapos kaming dalawa at sabay na kaming naglalakad palabas ng academy. Nakakatawa lang isipin na kami na lang palang dalawa ang estudyante dito. Paano ba naman kasi kanina, ang dami palang nililinis na mga equipment itong si Aprille! Tapos syempre, tumulong ako pero sa halip na matapos agad, lalong napatagal dahil sa kadaldalan ko hahaha! I'm so great, I know right?

"Oh siya, mag spazz ka na at iyon din ang gagawin ko." tumango na lang ako kay Aprille at nakita kong sumakay na siya ng jeep. Kumaway na lang ako hanggang sa hindi na hagip ng paningin ko ang sinakyan niya.

Binuksan ko agad ang data ng phone ko at saka ko binuksan ang twitter. Nag compose agad ako ng tweet.

Hi-ho! Thundereal World Tour, officially begins in July 23, 2015! First place? Toronto, Canada! Save your money, Canadians! xoxo.

Ngiting-ngiti ako habang tina-type yan, 'no!

Kinlows ko na yung app at agad kong binuksan ang Instagram upang doon din mag-update. Syempre, nag-post ako with picture ng Thundereal, yung latest release nilang picture sa IG.

Copy paste na lang ang ginawa ko kasi malapit ng ma-deadbat ang cellphone ko.

-

Nang makarating ako sa bahay ay nakita ko agad si Mama na nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv.

Aish, anong oras na ba? Pinasadahan ko ng tingin ang wall clock at nakita kong quarter to seven na. "Bakit ngayon ka lang?"

Ang sama naman makatingin ni Mama, akala mo may ginawa akong kalokohan e! "Tinulungan ko si Aprille maglinis ng mga laboratory equipment kanina." sagot ko habang itinatabi ang sapatos. Nakita ko namang tumango si Mama.

A Fangirl's PleaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon