Juliet's POV
"Tsk. Juliet. Ano ba? Umupo ka nga ng maayos! Nakikita ka ng mga estudyante o! Nakapalda ka pa man din." Sita sakin ni mam Pinky. Nasa canteen kami kumakain.
Napasimangot ako. "Aba, bakit? Nakacycling naman ako a! Kanina pa nga ako nangangati dito sa suot ko. Di ba talaga tayo pwedeng magjeans dito?"
"Gaga. Estudyante ka ba? Tandaan mo, neng. Graduate ka na. Masanay ka ng kumilos na professional." At pabulong nyang idinagdag, "kahit kunwari lang."
Nagkatawanan kami.
"Maiba ako mam Pinks. Graduate ka ba dito sa CBC College?"
"Oo, mam. Graduate ako dito. Kaya nga medyo hirap ako kasi yung iba nakaklase ko pa dito. Hehe."
"Ganito ba talaga kabastos ang mga estudyante dito? Badtrip." At di pa rin ako nakagetover sa klase ng mga estudyante na meron ako.
"Hahaha. Mam Juls. Remember, nasa private school ka. Iba ang nurturing dito unlike sa universities. Hehe. Masasanay ka rin." Napatingin sya sa orasan nya. "May klase na ako. Ikaw?"
Tinignan ko ang relo ko. 1pm palang, 2pm pa ang klase ko. "Sige, mam. Mauna ka na. 2 pa ko e. Tambay muna ko dito."
Tumayo na siya. "Osige." Ngumuso siya. "Yang upo mo!" At pinandilatan pa ako bago siya umalis.
Pagkaalis niya, iginala ko ang paningin ko sa kabuuan ng CBC College. Maganda. Prestihiyoso. Kung tutuusin, swerte na ako na nakapasok ako dito. Yun nga lang, di ko alam kung kakayanin kong tumagal dito, remembering my experience awhile ago.
Naputol ang pagmununi-muni ko ng biglang masiko ako ng kung sino mang umupo sa tabi ko.
"Patabi ha?" Di man lang tumitingin sa akin at nagsimulang lantakan ang pagkain niya.
Naginit ang ulo ko. Luminga ako sa paligid ng canteen, ang daming bakanteng lamesa! Bakit dito pa umupo ang kung sino mang kumag ba estudyanteng ito.
Tinitigan ko siya, hoping na sana makahalata siya na hindi ko gusto ang presensya nya sa tabi ko. Pero may sa manhid ata ang batang ito dahil patuloy pa rin syang kumakain na para bang wala siyang pakialam.
Tumikhim ako. Dun palang siya napatingin. Tinignan niya ako ng magkasalubong ang dalawang kilay.
"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nakangiting ngumunguya.
Kinalma ko ang sarili ko. Baka bigla ko siyang masigawan. Makagawa pa ako ng iskandalo dito.
Magsasalita na sana ako ng..
"Transferee ka dito? Napakaformal naman yata ng suot mo. Haha. Para kang manang."
Sukat doon, pumula ang buong mukha ko. Nanggigil ako. Pero pinaalala ko na guro na ako at estudyante itong kaharap ko. Inisip siguro ng tinamaan ng lintik na batang ito na estudyante ako dahil wala pa akong ID at wala pang uniform.
"Oy. Bat ang sama mo tumingin? Offended ka ba? Totoo naman e. Pero maganda ka naman. Di mo lang talaga bagay yang suot mo. Maguniform ka na."
Haha. Sige. Pagbibigyan kita. Tignan natin kung sinong magmukhang tanga sating dalawa. Nagdesisyon akong sakyan ang maling akala ng batang to.
"Oo. Transferee ako dito. Galing State Univesity. Nanininbago nga ako e."
Natawa siya. "Kaya pala ganyan ka magbihis e. Galing kang public. Private to. Dapat matuto kang makibagay. Kundi, lait ang aabutin mo dito."
Tumawa ako ng sarcastic. "A talaga? Palagay mo lalaitin nila ako dito?"
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. "Oo naman. Yang tipo mo ang binubully-bully dito e. Yung masyadong prim and proper. Panigurado di ka tatagal dito sa school."
Tumingin siya sa orasan niya at tumayo. "O, ingat ka nalang a. Yung mga sinabi ko sayo sundin mo. Para sayo rin yun. Di mo kakayanin ang mga estudyante dito kung di ka makikibagay. Sige mauna na ko. May klase pa ko."
"Teka!"
Lumingon siya. "Bakit?"
Lumapit ako. "2pm klase mo? Anong subject?"
"A. Teka sandali." Kinalkal niya ang bag niya at nilabas ang COR. "Philippine Literature. Sa room 103. Sige na. Malelate na ako." At nagmamadali siyang tumakbo.
Tinignan ko ang class schedule ko.
MWF. Philippine Literature. HRM 3C. Rm 103. J. Corpuz.
PATAY KANG BATA KA NGAYON. Excited na akong pumasok. Hahahahahaha.
BINABASA MO ANG
Another Ampalaya Story
Teen FictionLove. O ayan. Cliche yan. Gasgas na. Ordinary na. Di na espesyal. Gaya ng paniniwala ni Juliet. Para sa kanya, sa panahon ngayon, wala ng TRUE LOVE. Wala na. As in extinct na. Ang love ngayon ay tambayan ng mga inip sa buhay, naghahanap ng adventur...