P*kshiyet Persday

32 0 0
                                    

Kanina pa sumasakit ang ulo ko. Sa totoo lang.

"Ma'am! Dali na kasi. May boyfriend na po ba kayo?" tanong ng isa sa mga estudyanteng kaharap ko ngayon. Nakangisi pa habang taas-baba ang kilay.

Ang sarap pektusan sa lungs.

Pakshiyet! Ano ba'tong pinasok ko? Baka maging kriminal ako ng wala sa oras.

Tinignan ko lang s'ya ng diretso, di ako ngumiti kahit alam ko binibiro lang nila ako."You don't ask your instructors very personal questions."

"Uy, lalem!"

"KJ ni ma'am!"

"Kakatakot! Na-conjuring."

Napuno ng tawanan ang buong klase pero di ako nakisali.

Takte. Unang araw ko palang sa trabaho mukhang gusto ko ng mag-resign. Mukhang di kakayanin ng pasensya ko ang nakikita ko. Anim na buwan ang kontrata na pinirmahan ko dito sa CBC College. My first job after kong gumraduate ntiong year lang. Swerte. Pero ewan lang kung swerte pa rin ba ang aabutin ko sa kamay ng magiging mga estudyante ko. Tsk.

Napabaling ang tingin ko sa isang direksyon sa may mga upuan sa sulok.

And imagine my shock! Gusto kong takpan ang mga mata ko sa mahalay na nakikita ko!

Tumikhim ako. At tinignan ko sila ng diretso.

"Ehem. Both of you. One thing I hate in class is PDA-ing. A classroom is not a motel so don't you dare do such things inside my class."

Alam ko salubong ang kilay ko at umuusok ang ilong ko pero ayoko talaga ng nakakakita ng naglaladian! Ang sarap pagbuhulin eh. Nakaka-iskandalo. I mean holding hands is okay but not kissing and hugging in public. Gosh! Not in my class.

"Hala? Si ma'am bitter?"

"Hahaha. NBSB ituuuuuh."

"Virgin pa si ma'am."

That's it!

"Excuse me? What the hell did you just say?" P*nyetang bata 'to. Ang bastos ah. Nakakagigel. Pakshiyet.

"You listen to me. Do you think those are appropriate words to say to your instructors?Huh? Hindi ako nagpakahirap mag-aral at magtapos para bastusin nyo lang. At hinding-hindi ko hahayaang mangyari yan sa akin. Tagalog yan para maintindihan niyo. Tandaan n'yo. Never in my class!"

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnggggggggggg!!!!

Buti na lang nag-bell na. Di halata ang walk-out drama ko. AAARRGH!

Pakshiyet! Mga kabataan talaga ngayon! Kung anu-anong nalalaman! Kung anu-anong inuuna. At ang kapal pa ng mukha na tanungin ako ng mga personal na bagay lalung-lalo na anng virginity! Mga manyak! Grrr, Kumukulo talaga ang dugo ko.

Naglalakad na ako pabalik ng faculty office. Umuusok pa rin ako sa bwisit.

"Ma'am!"

"Madam!"

"Ma'am Juliet!!!"

Nakita ko si Ma'am Pinky na humihingal papunta sa' kin.

Hinampas nya ko sa braso, "Bingi lahi nyo? Kanina pa kita tinatawag, deadma?"

Natawa naman daw ako. "Sorry naman daw po. Badtrip ang first day ko eh. Nyeta. Makakasampal ako eh." Yie! Nanggigigil pa rin talaga ako.

"Sssshhh. Ano ka ba? Wag ka nga magmura? Nakakahiya. Baka marinig ng mga estudyante, gaga ka."

Binatukan ko siya. "Wag palang magmura ha?" Nagkatawanan kami.

XxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXx

"'Dre, musta first day?"

Napatingin ako sa barkada kong si Leggo. Leandro Gregorio Natividad VI na nagtatago sa paastig na alyas. Hahaha.

"Wala, 'dre. Boring.  Sanang di na ako pumasok."

Tumawa siya, "Malas mo, 'dre. Sa 'min exciting."

3rd year college na kami sa kursong HRM. Magkaklase kami dati pero nagkahiwa-hiwalay kami dahil di kami sabay-sabay nag-enroll.

"Ano naman ang exciting?" Usisa ko.

"May bagong target." Tumawa pa uli siya ng nakakaloko.

"Tss. Mga gago talaga kayo. Chicks na naman yang inii-spot-tan nyo." Sinabayan ko pa ng iling.

"Hahaha. Di 'tol. Ayos 'to. Bago lang. Masungit. Nakakatakot. hahaha."

"Kaklase mo? Anong pangalan? Saka bago? Transferee?"

"Hindi 'dre. Bagong instructor."

Binatukan ko nga. "Mga hayup talaga kayo. Pati instructor ginagago n'yo." Mga kaibigan ko talaga manyak ipinanganak. Haha.

At kinwento nga niya sa akin yung bago nilang masungit na instructor. Tawa ako ng tawa pagkatapos.

"Mga gago! Tanungin niyo ba naman kung virgin pa? Mga ulol talaga kayo."

"Hahaha. Nakakatakot nga eh. Mukhang nakahanap na kami ng katapat. Mukhang di na kami makakaporma sa klase."

"Baka matandang dalaga." Nai-imagine ko na nakasalamin, mataas ang pusod ng buhok na kulay puti na at galit yung instructor na sinasabi nya. Laptrip. Haha.

"Tanga, hindi. Bata pa. Di sinabi yung edad pero fresh grad pa lang."

"Hahaha. Soon-to-be matandang dalaga, 'dre!" Nag-high five kami.

"Hindi ah? Papayag ba naman ako. Sayang yung ganda, dre. Ililigtas ko sya sa kalungkutan."

"Ulol." At nagtawanan na naman kami.

Maispatan nga yang bagong instructor na sinasabi netong kupal na 'to.

Another Ampalaya StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon