JUSTINE
~Alarm Clock Sound~
"JUSTINE MAXX RUDD, GUMISING KA NA!!! MALELATE NA TAYOOO~" napabalikwas agad ako ng bangon at nakita ko naman si Jane na nagtatalon sa kama ko.
"Anong oras na ba?" sabi ko habang humihikab pa.
"8:20 na baliw ka. Ambagal mo pa naman kumilos." sabi niya kaya dali dali akong tumayo at dumiretso sa banyo at naligo.
Lumabas na agad ako pagkatapos at nagbihis na ng uniform ko.
Nilagay ko na muna sa leeg ang necktie ko tsaka lumabas dala yung maleta ko.
"Tara na." sabi ko tsaka lumabas na ng bahay. Sumunod naman siya tsaka niya yun ni-lock.
Nagpara na siya ng taxi kaya sumakay na agad kami.
Sinuot ko na agad yung necktie ko tsaka ako nagsuklay nag lagay ng kaunting lipstick at nag pulbo tsaka nag perfume.
"Hoy gaga itali mo yang buhok mo." sabi niya.
Dali dali ko naman tinali yung buhok ko tsaka nilagay at inipit ang cap.
"Oh ayos na?" tanong ko tumango tango lang siya.
Lumabas na agad kami at nagbayad na siya sa taxi.
Tumawid na agad kami kaya lang napatigil ako ng biglang may sasakyan. Lumabas yung driver at tinignan ako ng nakakunot ang noo.
Teka... ang pamilyar ng mukha niya ah. Parang nakita ko na siya--
"Naku sorry po talaga." sabi ni Jane habang nag-bow pa ng bahagya tsaka niya ako hinila.
She glared at me, "Muntik na yun ah. Tsaka di ka man lang umiwas. Tsk. Tinutukan mo pa yung gwapo." sabi niya tsaka ako hinila papasok.
Tumingin naman ako sa lalaki at nakita ko siyang nakatingin.
Pinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at iniisip ko parin kung nakita ko na ba siya.
"Bilisan mo na diyan." sabi ni Jane kaya halos tumakbo na kami.
Pagdating namin pumunta na agad kami sa departure area at nag hintay na tawagin kami.
"Oy ba't ngayon lang kayo?" tanong ni Jenny, ka trabaho namin.
"Eto kasing si Just, late na nagising. Ayan tuloy." sabi ni Jane.
"Oh? Tawag na tayo." sabi ni Jenny kaya naglakad na kami papasok ng eroplano.
Isa-isa naman nagsipasukan ang mga passengers kaya inassist namin sila.
"Just, dun ka daw muna sa VIP area. Ikaw daw yung mag-assist sa kaniya."
Pumanhik naman ako sa itaas tsaka pumasok na. Nakita ko naman yung VIP Person kaya lumapit na ako sa kaniya.
JOLANDER
Pinatawag na lahat ng passengers kaya naglakad na din ako.
"BYE BRO! INGAT!" rinig kong sigaw ni Ross.
Kumaway lang ako sa kaniya habang nakatalikod tsaka nagpatuloy na ako paglalakad departure area.
"VIP." sabi ko tsaka pinakita yung papel and passport tsaka niya ako inassist papunta sa itaas na part ng eroplano or should I say Second Floor ng eroplano.
Pinaupo na niya ako.
Ilang minuto ang lumipas at may pumasok na attendant.
"Ah sir ako po yung mag-a-- I mean sir please sit and backle your seatbelt." sabi niya.
I did what she said.
"Okay sir if you want something you're free to call me or one of us." sabi niya.
Tinignan ko yung nametag niya kaya lang naka-cross arms siya.
Tumingin ako sa kaniya and I felt nervous or something inside me.
She looks familiar.
"A-ah sir? Is there something wrong?" she asked and by that I was back in my senses.
"Ah. How can I call you if I don't know your name?" casual na sabi ko kahit na medyo kinakabahan.
Ewan ko ba. Para kasing kilalang kilala ko siya pero hindi ko lang maala--
"Justine Rudd sir, but you can call me Justine." sabi niya tsaka ngumiti.
Sht.
"How about you sir? What's your name?" tanong niya naman kaya lang nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba o hindi.
"Reid. Reid Cruz." sabi ko.
Tutal hindi niya naman ako kilala sa second name ko.
"Nice name sir. So, I have to go sir. See you." masiglang sabi niya tsaka siya umalis.
How I missed that girl of mine.

BINABASA MO ANG
Past and Present
RomancePast and Present are different but it is big in small way. (ON-HOLD)