III

5 1 0
                                    

JUSTINE

"Yes sir?" tanong ko kay Sir Reid ng bigla niya akong tawagin.

"May kilala ka bang... a-ah Jol-- I mean Reid? Sht." huh?

"Meron. Ikaw po." sabi ko.

"I mean my iba ka pa bang kilala?" Meron nga ba?

"First love ko po," di ko alam bigla nalang lumabas sa bibig ko yun, "A-ah sir joke lang. Wala po akong kilala maliban sayo. Bakit niyo po natanong?" tumingin lang siya sakin tsaka siya nagiwas. Eh?

"Nothing just asking. Okay. You can go now Maxx I will call later." sabi niya.

Umalis agad ako ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko. It's more like nagha-hyperventilate yun.

Bakit niya ako tinawag na Maxx? Sinabi ko ba yun sa kaniya? Sa pagkaka-alala ko Justine lang ang sinabi ko, pero yung Maxx di ko naman sinabi.

Syete. Kamukha pa nga niya yung first love slash ex boyfriend ko na siya lang tumatawag sa second name ko. Ano ba naman yan? Naguguluhan na ako.

"Oh? Ba't nandiyan ka lang? Ang OA mo ha? Makahawak sa puso..." sabay hawak sa puso at umaktong hindi makahinga, "parang mamamatay na. Ano? Mago-audition ka ba? Sa Starstruck? PBB? Susuportahan naman kita ah."

"Baliw gaga."

"Eh bakit ka ba kasi umakto ng ganun. Kung tutuusin oara kang inaataki sa puso, di kaya parang hindi na maka-hinga o di kaya para ka ng nata-tae--" binatukan ko nga.

"Baliw ka na. Biglang nag-hyperventilate--"

She cutted me off, "Bakit di mo naman first time sumakay ng eroplano ah?"

"Patapusin mo kasi ako." inis na sabi ko, "Ganito kasi yan..." tsaka ko kinwento ang nangyaring pagtawag, pagtanong sakin ni Sir Reid.

"Ah gaga. Ang OA mo tinawag ka lang na Maxx parang natatae ka na. Ano yun? May curse dun? Baliw."

"Iba kasi eh. First kamukha niya si Jol-- first love o ex ko, second si Jol-- first love slash ex lang naman ang tumatawag nun sakin kaya siguro ganun nalang mag-react puso ko." binatukan ako.

"Ang OA mo promise. Ilang taon ka na kasing hindi tinatawag na Maxx ng isang lalaki kaya ganiyan." tumango-tango lang ako.

Siguro nga...

"Magla-landing na daw kaya kelangan na nating mag seatbelt." sabi ni Jenny kaya tumango lang ako.

Umupo na agad kami tsaka nag-seatbelt na.

Ini-announce na din ni Jenny yun kaya nag seatbelt na ang mga passengers tsaka sila ina-assist ng iba pang mga Attendant oara masiguro na nag-seatbelt silang lahat.

Naalala ko naman bigla si Sir Reid.

"A-ah babe. Kailangan ko pa pala i-assist si Sir Reid. Wait lang ha?" sabi ko tsaka tinanggal agad yung seatbelt tsaka ako pumunta sa itaas.

"A-ah sir..." nauutal na naman ako, "Kailangan pong mag-seatbelt." sabi ko tsaka nilapitan siya tsaka kinabit ang seatbelt kaya lang medyo na out of balance ako dahil sa medyo pag move ng eroplano pa-landing kaya lang nauna ako sa pag-landing sa dibdib ni Sir Reid.

"A-ah are you okay?" tanong ni sir kaya dali dali kong ikinabit ang seatbelt. Di ko pa kasi nai-kabit kanina eh.

"A-ah yes sir. I have to go. Hehe." sabi ko tsaka naglakad pababa na ako ng bigla na namang nag-move ng bahagya yung eroplano kaya halos mahulog ako sa hagdan.

Buti nalang at napahawak ako sa handle nun kaya hindi ako tuluyang nahulog.

Napatingin naman ako kay sir Reid ng tinawag niya ako.

Nag-thumbs up lang ako tsaka kumaway at bumaba na.

"Maxx, are you okay?" he asked with of full worried in his voice and expression.

"Woah. Muntik na akong mahulog dun ah." sabi ko ng maka-upo ako at kinabit na anv seatbelt.

"Oo nga. Gaga ka kasi eh."

"Baliw." sabi ko lang tsaka tumingin sa hagdan papunta sa itaas.

Ba't ganun? Feeling ko kilala ko siya eh. As in kilalang kilala.

Past and PresentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon