" Jessica Mendoza - A Prostitute Girl

73 1 0
                                    

Part 1

Para sa mga taong hindi nakakaalam nang pagkatao ko, ako nga pala si Jessica Mendoza isang ulilang

anak kaya sa ngayon ang tiyahin ko ang nakapangalaga sa akin nun dahil ang trabaho niya ay dating

accountant pero sa ngayon ay nagbebenta nalang siya sa ngayon sa isang tiyangge sa may Divisoria.

Inalagaan ako ni tita noong bata pa ako kaya lahat ng gusto ko ay naibibigay niya, nasunod rin ako sa mga

luho na binibigay niya at kapag may plano siyang lumabas ay sumasama ako. Ganyan ako kmahal ng tita

ko at halos anak na rin ang turing niya sa akin.

Noong nagtatrabaho pa ang tita ko sa isang bangko ay napag-aaral pa niya ako noon kaya naman sa mga

perang inilalaan niya para sa pagpapaaral ko ay sinusuklian ko ito. Kaya maganda rin ang resultang

naibibigay ko sa kanya, mga matataas na grades at napapasama rin ako sa mga listahan ng mga matataas.

Kaya kapag may magandang balita ako kay tita ay lagi siyang may reagalo sa akin.

Noong mag-high school ako ay nabalitaan ko kay tita na sinisante siya ng kanyang amo dahil nagnakaw

siya sa kanilang bangko nang halos 5,000 piso ang nakuha ni tita noon kaya pala kapag sobra ang

kanyang pera ay yinayaya niya ako na lumabas. Iyon pala ay ang perang iyon ay ninakaw niya nung araw

na iyon. Nakasuhan pa siya ng Illegal Robbery ng may-ari ng bangko at panghabangbuhay na

pagkakakulong.

Maganda pa ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko nun, pero nang gawin ng tita ko ang pagnanakaw

ng pera sa kanilang bangko ay ikinahiya na ako nila. Sinabihan na kamag-ina ako ng isang magnanakaw

at may posibilidad ako na maging isang magnanakaw din. Kaya nagging part rin ako ng pangbubully

noon kaya anumang sabihin nang mga kaklase ko ay tumahimik nalang ako.

Nang linapitan ko si tita ay nagmakaawa siya sa akin na piyansahan ko na daw siya dahil hindi daw niya

ginusto ang pangyayari. Sa ginawa rin sa aking pangaalipin noon ng tita ko ay gusto ko nalang siyang

manatili doon pero si tita nalang ang nagiisa kong kamag-anak na pwede kong makasama. Hindi ko na

alam kung ano pa mangyayari sa akin kapag nawala siya. Medyo naging malupit ang pagkabata ko noon

kay tita kapag may nagawa lang ako na pagkakamali ay hahanap siya ng bagay na maaaring gamitin niya

pamalo, kahit na kahoy, hanger, tubo o maski dos por dos inihahampas sa hita ko o sa pwet ko. Pero ang

ibig sabihin lang nito ay maging aral sana ang mga ito sa akin at may matutunan ako sa mga leksyon na

ibinigay niya.

Tinanong ko ang pulis kung magkano ang magiging halaga ng ibabayad ko sa pang-piyansa sa tita ko na

nasa bilangguan. Sabi sa akin ng pulis ay halos 100,000 ang aabutin nito pero kung makaka-piyansa ka

nang mas maaga ay gagawin nilang 50,000 na kalahating kabuuan nito. Sumang-ayon ako sa pulis at baka

madala pa sa mababang presyo ito.

A Prostitute Girl Inlove To The CallboyWhere stories live. Discover now