Carlo's POV
Pangatlong buwan na niya rito. At isang linggo nalang aalis na siya. Mukhang malulungkot talaga ako. Pero ang sabi niya pag naging manager na siya, di na siya aalis at hindi na siya ililipat sa ibang company. Kaya sana maging manager na siya sa pinagttrabahuan niya.
"Gising na Claire..." yugyog ko sakanya
Ang hirap nya talagang gisingin.
Haha alam ko na ...
"Iiih ano ba.. maniac ka talagang multo ka! Bitawan mo nga ako!"
Hahaha. Oh diba. Pinaghahampas nya ko ng unan kahit alam nya na di naman ako matatamaan
Ah oo multo daw ako sbi nya... spirit.. di nakikita ng iba.. siya lang talaga ang nakakakita saken. Hindi ko alam kung bakit eh. Ang alam ko lang basta bigla ko nalang siyang nakita at bigla nya rin lang akong nakita. Simula non lagi ko na syang kinukulit at kinakausap kahit ayaw niya.
Masungit, pikon, at OA kasi sya eh. Pero mabait, maganda, matalino...
Sa totoo lang ako nakakahawak ako ng mga bagay... pero ako hindi mahawakan kaya nga sobrang inis neto saken kc di sya makaganti saken ahaha
"Walangya kang maniac ka! Ang unfair mo talaga hmm! Humanda ka saken pag nahampas kita!"
Ahaha. Ang OA talaga neto. Parang niyakap lang maniac na agad? Eh sa yun yung magpapagising sakanya?
"Claire.. alam mo wag kanang oa okay? Para yakap lang tss"
Umupo ako sa harapan nya ng nakalutang para mas mapikon sya hah
"Hmm. Nakakainis ka talagang multo ka. Alam mo hindi naman ako nagpapagising pero araw araw mo paring ginagawa" sinuntok nyako pero wala talaga ahaha
"Kasi nga mahal kita diba.. ayokong nalalate ka sa mga kailangan mong gawin noh. Di ka nalang magpasalamat noh"
"Tss. Mahalin mo yang mukha mo!"
"Tsk naniwala naman oh hahaha"
"Argh! Hindi ako naniwala okay?! Umalis ka nga sa harapan ko"
"Ayoko nga"
"Ewan ko sayo. Papansin!"
Tumayo na siya at oo nalampasan nya nga ako. Kasi nga multo lang ako
Lagi lang akong sumusunod sakanya.. Palutang lutang
"Wag kang susunod sa banyo. Maniac"
"Whoah. Ganun na ba ako kamaniac para gawin yun?"
Okay dinedma nya ko...
"Hoy kinakausap kita.. Mabait kaya ako noh! Hindi ako maniac"
"Bla bla bla bla... bye"
*blag*
"Okay ikaw na ang pinakamabait na babae sa buong mundo grabe wooh!"
Bagsakan daw ba tong gwapong multong to? Tss
Habang nasa banyo sya.. uhm siguro aayusin ko na muna yung gamit nya
"Ayus na"
"Hay ano nanamang pinakelaman mo?"
"Hoy baba---- e ..." ang ganda nya...
"Oh natigil ka? Ang ganda noh?"
"Huh? Ba-bakit ganyan ang suot mo?"
"Wala naman.. sinusukat ko lang.. maganda ba?"
"Oo naman... este huh? ano? uh.. uhm.. pwede na.."
BINABASA MO ANG
Ang Prince Charming Kong Multo
ContoPaano kung bigla kanalang mahulog sa isang kakaibang nilalang? Paano kung mahulog ka sa isang multo o kaluluwa? Paano mo kakayanin kapag nawala siya? Happy ending kaya?