Kasamahan ko siya sa work ko dito sa Paranaque. Noong una hindi ko naman siya pansin kasi medyo malayo ang area naming dalawa. Siya sa Billing Department at ako naman sa Import Operations.
Forwarding company ang pinapasukan naming trabaho. Noong una masaya ang buhay ko nung hindi pa siya nagpaparamdam sa akin. Hindi ko naman kasi akalain na magkaka gusto ako sa kanya.
By the way, I'm Maria Katrice Benito. 24 years of age. Nasaktan at hanggang ngayon nagpapaka tanga sa pag-ibig. Alam ko naman lahat tayo dumadaan sa ganito pero bakit ang sakit sakit. Ayoko ng ganitong feels kasi masyadong madrama, masayahin kasi akong tao.
November 201* kami unang nagka usap ng personal, magka grupo kasi kami sa christmas party sa office. Naiintimidate pa ako sa kanya noon kasi unang tingin mo pa lang sa kanya alam mo nang may ibang balak. Pero nung nagka usap naman kami at nagkakilanlan, okay naman pala siya. Mabait pero maloko.
Sa totoo lang, mahilig siya sa kwentuhang bastos pero keri lang naman kasi open minded naman ako kaya nakakasabay ako sa kanya.
Halos araw-araw sa practice namin, lagi niya akong tinitingnan na akala mo kakainin ako. One time nga, sasabay sana ako sa isa naming kawork mate, may motor kasi yun saka pareho kami ng way pauwi, so nagtanong ako sa kanya kung pwede ba akong sumabay. Pumayag naman siya, pero nung mag uuwian na sinabihan niya ako na kay Riggs na lang sumabay.
Wala naman na akong nagawa, kesa naman mag commute ako mag isa. Angkas niya ako sa motor niya. Sasabay lang ako hanggang Zapote Kalinisan.
"Katrice, kumapit ka ha baka mahulog ka." sabi niya.
"Sus, hindi ako mahuhulog sanay na ako umangkas sa motor, don't worry." panigurado ko sa kanya.
Mabilis lang naman ang byahe kaya naibaba na niya ako agad. Nung una wala talaga kaming imikan, nagtatanong lang siya ng kaunti tapos sasagutin ko lang.
Tuloy-tuloy lang lagi na ganun, isasabay niya ako pauwi tapos papaalalahanan ako na mag ingat sa byahe. Napaka sweet niyang tao sa totoo lang.
One time nga, hinatid niya ako hanggang sa amin, nakababa na ako nun sa motor niya, tinawag niya ako sabi niya halika may ibubulong ako sayo. Edi ako naman si uto-uto lumapit din. Hayuun! Hinalikan ako sa pisngi.
Tang ina sa totoo lang, kinilig ako nun. Napangiti na lang ako sa kanya nun. Tapos siya sabay harurot. Hanggang sa pag-uwi ko hindi mapuknat ang ngiti ko. Dun pa lang alam ko nagsisimula na ang puso ko umibig sa kanya.
January 201*, tuloy pa rin kami sa mga sweetness overload naming dalawa. Wala kaming relasyon pero alam namin pareho na nagkaka intindihan kami sa lahat.
Gabi-gabi kaming magka text. Andun pa iyong, nagpunta kami ng tagaytay. Sobrang memorable nun sakin kasi mas nakilala ko siya, maalaga siya, makulit, joker ska sweet. Naalala ko pa iyong, nagpa piggy back ako sa kanya. Ang saya lang talaga.
Kahit sa sandaling panahon nakasama ko siya at naging masaya ako.
BINABASA MO ANG
Last Hope
General FictionKwento ng isang babaeng umibig at nasaktan . A/N:One Shot lang po ito. Enjoy Reading!!