February 201*, eto na iyong pinaka masaklap at masakit na part na nangyari.
Hindi ko naman kasi akalain na may magkkwento sa kanya tungkol sa mga gala naming dalawa. Kasalanan ko rin naman kasi eh, masyado akong naging madaldal. Naikwento ko kasi sa mga kaibigan ko, at hindi ko rin malaman kung sino ang nagsabi sa kanya.
Ayoko na din alamin, kasi dahil sa kanya iniwasan niya ako. Ang sakit kasi hulog na hulog na ako sa kanya eh. Andun na ako malapit na sa kanya tapos biglang boom aray! dahil lang sa taong yin nasira kaming dalawa.
Nag lilo siya, hindi na niya ako tinetext. Kahit sa YM hindi na siya nag memessage sakin. Tapos sa tuwing magkaka salubong kami parang hangin lang ako sa kanya. Ni hindi na niya ako matingnan katulad ng dati.
Na halos pag uwian aantayin niya ako para sabay kaming umuwi. Ang sakit sobra. Yung tipong tinext ko siya hanggang dalawang reply na lang siya sakin.
Tapos sasabihin niya na umuwi ung kapatid niya pero wala pala sinabi niya lang yun para iwasan ako.
Simula din nun, sinanay ko na yung sarili ko na huwag siyang habulin. Kahit na naiinis ako sa tuwing dadaan ako sa area niya na hindi pwedeng hindi ko siya tingnan. Kahit na anong pagpipigil ko siya pa rin ang gusto ko.
Pucha kasi Mahal ko na ata kaya ganito. Halos isang buwan din niya akong hindi kinibo, mabuti na lang nagyaya mag inom yung anak ng boss namin. Niyaya ako ni riggs sumama. Naisip ko naman siguro ito na yung chance para makapag usap kaming dalawa.
Sumama naman ako, sinabi din naman niya na ihahatid niya ako. Natapos ang inuman ng 1am so diretso kami ng office to pick up his motorcycle.
Habang nasa kotse kami ng boss namin pabalik ng office, binulungan niya ako na marami kang kasalanan sa akin. Hinalikan niya pa ako nun sa noo. Tapos pasimple niya akong inaakbayan.
Namiss ko siya sobra. Halos ayoko ng matapos ang gabi pero alam ko naman na tapos na ang kung anong meron sa aming dalawa.
"Namiss kita sobra. Ikaw ba hindi mo ako namiss?" sabi ko.
"Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Kaso ikaw kasi eh, diba sinabi ko naman sayo na sa ating dalawa lang iyon? Bakit kinwento mo pa sa kanila? Ayoko ng ganun. Kaya nag lilo ako sayo eh." sabi niya.
"Sorry na huwag ka na magalit Please! Magiging quiet na ako." untag ko.
Hindi na siya sumagot pa sakin bagkus hinili niya yung kamay ko kagaya ng dati niyang ginagawa. Iniintertwine nya habang iyong isa nasa manibela ng motor.
Pagbaba ko sa motor niya, hindi ko na pinigilan yung sarili ko. Hinalikan ko siya sa labi. Namiss ko kasi talaga siya eh. Iyon na yung huli naming pag uusap. Okay lang iyon atlis hanggang sa huli naiparamdam ko sa kanya na mahal ko siya kahit sa sandaling pagdampi lang ng aming mga labi.
March 201*, nakipag ayos ako sa kanya. Nagpapansinan na rin kami pero hindi na katulad noon. Ramdam ko may pagtingin pa rin siya pero alam kong pinipigil na niya.
So ako, heto. Minamahal pa rin siya. Ang tanga ko no? gusto kong sumugal ulit pero sana iyong sa tamang lalake na hindi ako sasaktan at paaasahin.
Gusto ko na maka move on pero paano ko gagawin kung halos araw-araw ko siyang nakikita at nakakasalamuha.
This is my Last Hope. Gagawin ko ang lahat makalimutan lang siya. Kahit umakyat pa ko ng ilang bundok gagawin ko makalimot lang.
Payo ko sa inyo mga girls, huwag masyadong maattach sa isang tao. Kasi walang kasiguraduhan kung kaya kayong saluhin pag na fall kayo. Huwag kayo tumulad sakin na hanggang ngayon tanga pa rin sa kanya.
"Shout out nga pala sayo riggs (hindi niya tunay na name) Mahal kita. Pero hanggang dito na lang ako. Itatapon ko na tong feelings ko sayo. Thank you kasi kahit sandali lang na panahon pinasaya mo ako ng sobra. Sana pag malapit na kitang makalimutan huwag ka ng bumalik ha. Bye"
End.
A/N: Haluu!! Sana naka relate kayo kahit super iksi lang. Kaway kaway naman dyan yung mga katulad ni Katrice na umibig at nasaktan pero lumalaban pa rin?!!
Thank you guys for reading!!
Lovelots,
AiomaineDaiki
BINABASA MO ANG
Last Hope
General FictionKwento ng isang babaeng umibig at nasaktan . A/N:One Shot lang po ito. Enjoy Reading!!