Chapter 2

2 0 0
                                    

Hindi yan ang huling text niya sakin pero hindi ko na siya nireplyan ulit mula noon. At nung nagsawa na siya dun ko naman hinahanap-hanap. Tanga eh no?
Hindi naman ganun kalayo yung probinsya namin sa kung nasaan ako ngayon pero bakit hindi ko pinag.laban? Bakit "OK" nalang yung nasabi ko?

PRIDE! oo pride. Yan ang laging pinapairal natin lalo na kung nasasaktan at natatapakan ang ego. Bakit hindi ko pinaglaban? Dahil napahiya ako at nasaktan at pinairal ang pride.

(Conversation before he said we can't be together)

"Sagutin mo ma yung nanliligaw sayo" ito ang sabi niya sakin matapos ko siyang pagselosin. Ginamit ko ang isang taong matagal naman nang nabura sa buhay ko. Opo! Nag panggap ako na kunware may lalaking ganito, ganun (we all do this. don't judge me) para tignan kung ano ang magiging reaction niya pero nakakadismaya yung sinabi niya.

"Sakit no? Ang sakit lang na kung sino pa yung mahal mo siya pa yung nagsasabing sagutin mo na ang isang taong hindi mo naman gusto"

"Hindi pwedeng maging tayo kasi ang layo natin sa isa't isa. Sorry"

"Ok"

(End of conversation)

Oh diba? Nasaktan ako ay medyo napahiya kaya "OK" nalang yung nasabi ko pretending i'm fine with it.

Oo kasalanan ko din siguro ku g bakit ayaw niyang subukan ang LDR. Dahil sa pagpapaselos sakanya siguro naisip niya na hindi ako magiging faithful sakanya.

Masakit lang. Masakit na nakikita mo siyang may kasamang iba. Pero ang tagal na nun. Bakit ako nasasaktan? Ano nga ba ang nasasaktan? Ang puso ko o ang pride ko na hindi matanggap na masaya siya sa piling ng iba? Ano nga ba talaga ang hindi naka move on?

Letting GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon