Kaibigan, tunay ka ba?

1.8K 3 0
                                    

May mga pagkakataon na tinatanung natin ang sarili natin kung ano nga ba ang kaibigan? Paano nga ba natin masasabing ang isang kaibigan at samahan ay tunay?

Sa buhay, hindi natin maiiwasang makatagpo ng mga taong magiging bahagi natin na tinatawag na kaibigan. Makakahanap tayo ng kaibigan na makakapagpasaya satin ng panandalian ngunit aalis din: kaibigan laging andyan pero hindi mo maramdaman na nauunawaan ka; may kaibigan sakit ng ulo pero hindi ka iiwan; kaibigang makakaunawa sayo ng lubos pero sa pagtagal ng panahon ay mapapagod din; meron ding kaibigang hindi man makapagbigay ng lubos na kasiyahan at atensyon satin pero nararamdaman natin na mahalaga tayo at kaibigang makakasama mo sa saya, lungkot at ipaparamdam sayo ang tunay na kahulugan ng kaibigan.

Ngunit madalas sa paglipas ng panahon, nawawala ang pagpapahalga at halaga ng isang samahan. Hindi dahil sa hindi pagkakaunawaan o tampuhan, kung hindi dahil sa kawalan ng komunikasyon. Maraming kaibigan ang dumarating at darating sa buhay natin, pero madalas kapag may nakikilalang bagong samahan ang isang tao, nakakalimutan nitong pahalagahan ang kaibigang hindi nya kasama. Madaling sabihin na ang halaga ng samahan ay hindi nasusukat sa distansya at “closeness”. Sa kabila nito, alam ng magkaibigan na ang pinakamabisang paraan ng pagpapahalaga at pagiingat sa samahan ay ang pagbibigay atensyon dito. Hindi maikukubli na ang samahang walang komunikasyon ay nagwawakas sa pagdaan ng mga araw.Hindi man natin aminin, walang kaibigang hindi mapapagod kapag nararamdaman nyang hindi sya pinapahalagahan ng isang kaibigan.Paano mo maipapakitang mahalaga ang isang kaibigan o samahan kung hindi mo binibigyan ng atensyon na alagaan ito.

Ang tunay na kaibigan ay malimit mahanap. Hindi basehan ang saya at tuwang naihahatid ng isang tao para masabing tunay na kaibigan sya; ang pagkakapareho ng papanaw at lubos na pagkakaunwaan sa madaliang panahon ay hindi matatawag na tunay na samahan; at ganun din ang pagiging laging andyan sa oras ng kalungkutan at kagipitan. Ang tunay na samahan ay nabubuo at tumitibay sa pagtagal ng panahon, kasabay ng pagtanggap at pagrespeto ng magkaibigan sa kahinaan at lakas ng bawat isa. Ang kabigan ay isang tao na nagtuturo satin magmahal, sumaya at pahalgahan ang samahan. Kasama sa pag unawa at pagpapahalaga ang pagtanggap na maaari tayong masaktan at makasakit. Kaya kung gusto natin maging kaibigan at makahanap ng kaibigan kailangan handa tayong unawain at pahalgahan ang isang tao, hindi lang sa sandali o sa ilang pagkakataon kung hindi sa mahabang panahon.  Ang tunay na samahan at kabigan ay hindi nawawala sa tabi natin ng mahabang panahon, dahil ang isang taong nagpapahalaga sayo ay hahanap at gagawa ng paraan para maiparamdam sayo na “mahalaga ka kaibigan”.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 10, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kaibigan, tunay ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon