#1 : Bestfriends Forever

1 0 0
                                    

Nandito nanaman ako sa lugar kung saan siya nagpromise na di niya ko iiwan.

At ito nanaman ako, umiiyak habang nakatingin sa magandang view.

"Hey Audrey, wag ka ng umiyak. Im sure hindi magiging masaya si Carl pag nakita ka niyang ganyan." Sabi ni Tracy at pinunasan ang mga tumutulong luha.

"Tracy, hindi ko kayang mawala si Carl. Hindi ko k-kaya..."

He's in the hospital. Nagaagaw buhay dahil sa katangahan ko.

"Huwag kang magalala Audrey, hindi siya mawawala sayo. I promise. Gagawin ko lahat, wag ka lang umiyak." Naiiyak na rin na sabi ni Tracy. Ramdam ko ang concern niya.

Siguro kung wala si Tracy, napabayaan ko na ang sarili ko. Mabuti na lang at nakilala ko siya noong first year high school ako at third year naman siya.

"Tara na Audrey. Kain na tayo." Sabi niya at hinila na ako para kumain kami sa isang malapit na karinderya.

"Sure kang dito ka kakain Tracy?"

"Oo naman." Nakangiti pa niyang sabi.

"Dapat na i-experience at i-enjoy natin ang lahat ng meron sa mundo habang nabubuhay pa tayo."

Ngiti na lang ang ibinigay ko kay Tracy.

"Ate, pa-order pa nga po ng sinigang then half rice po." Sabi ni Tracy doon sa dumaan na staff dito sa karinderya.

Tumango ito at umalis. Pagbalik ay dala na niya yung inorder ni Tracy.

"Salamat."

Akala ko diet siya?

Matapos namin kumain ay niyaya naman niya akong pumunta ng MOA. Mag ice skating daw kami.

×

"Tracy!! Waaah! Matutumba ako!!!" Lahat ng tao dito ay napapatingin na saamin. Kanina pa kasi ako sigaw ng sigaw dahil inaalis ni Tracy yung kamay ko na nakakapit sa gilid.

Ang hirap mag skate tsaka madulas kaya!

"You can do it Audrey. Madali lang yan. Isipin mo na para kay Carl pag natuto ka dito." Sabi niya at hinatak ako. Nagi-skate siya habang hawak ako kaya nadadala niya ko.

Inislide ko yung paa ko tapos maya maya lang ay nakabitaw na pala ako kay Tracy.

"Tracy! Marunong na ko mag skate! Haha!"

"See? I told you, madali lang. Basta para talaga kay Carl eh gagawin mo lahat no?"

Napahinto ako sa pagiskate kaya bumagsak ako. Tumulo nanaman ang luha ko.

Gagawin ko talaga lahat, para lang sakanya.

"Tracy, p-pwede bang bumalik na tayo sa hospital?"

Nakita ko ang malungkot niya na pag ngiti at tinulungan akong makatayo.

×

"Miss Audrey, we really need a donor right now. Sa loob ng 24 hours, pag wala pa. Lets just see kung makakasurvive pa siya ng ilang hours." Sabi ng doctor at nagpaalam na na umalis.

"Audrey..." Nilapitan ako ni Tracy at niyakap. Pagkatapos ay may inilabas siya na papel. "Read this after tha operation. Okay? I love you bestfriend. And I'll miss you."

"Why? Aalis ka?" Tanong ko sakanya.

Malungkot niya akong nginitian at tumango. "At sa tingin ko, di na tayo magkikita pa. Stay strong ha. Wag mo kong kakalimutan. Bestfriends forever." Sabi niya at hinalikan niya ko sa noo.

"Okay. Ingat ka. Bestfriends forever." Nginitian ko siya atsaka siya umalis.

×

"Miss Audrey!" Tawag nung doctor saakin. Nilingon ko siya. "May donor na po tayo. At nagmatch siya kay Mr. Bautista."

"Omygosh! Thank you doc. Thank you!" Masaya kong sabi. Dapat hindi muna umalis si Tracy para nalaman niya rin tong good news.

"Okay miss Audrey. We will start the transplant in just an hour."

"Thank you so much doc. And also to the donor." Sabi ko bago pa siya umalis.

8 hours na kong nasa labas ng lumabas ang doctor.

"Its a successful operation miss Audrey. Congrats." Ngiting sabi sakin ni doc at umalis na.

Thanks God. He saved my boyfriend.

Oh, I almost forgot! Yung papel pa nga pala.

Pagbukas ko, nagulat ako dahil isa pala yong letter para sakin.

Dear Audrey, my bestfriend forever,

Hey Drey. Pag nabasa mo na to, nakaalis na ko. Hindi mo na ko makikita. Permanently. :) May story ako.

May isang 10 year old na bata. Hindi siya magaling magskate at pinilit lang siya ng parents niya dahil ang pamilya nila ay mga magagaling na skaters. Pero ilang  beses na siyang bumabagsak at pinagtatawanan lang siya ng mga bata sa paligid niya. Hanggang sa may isang bata na kakapasok lang. Tinulungan siya nito na makatayo at tinuruan pa siya. Matapos nun ay nagpakilala ito. Alam mo ba kung sino? Si Audrey Gozales.

Ikaw yun Audrey. Matagal na tayong magkakilala hanggang sa naaksidente ka. Dapat na pupuntahan mo ako noon dahil  sinasaktan ako ng parents ko pero habang nasa daan ka ay nabunggo kayo dahil lasing ang driver mo.

Audrey, sana patawarin mo ko kung nawalan ka ng ala ala dahil sakin. Icongrats mo naman ako. Haha. Kasi makakapunta na ko sa Heaven. Ayoko kasing makitang malungkot ang bestfriend ko. Magiingat ka ha? Wag magpapaloko! Haha. Wag kang iiyak. Maging masaya ka Audrey. ^_^

Bye Audrey. I'll miss you. Bestfriends forever.

Truly yours,
Your bestfriend, Tracy

============================

UNEDITED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon