Chapter 1⃣•

5 0 0
                                    

Chapter oneMusic Room

"Iwasan mo na ako, magalit ka na sakin, wag mo na akong pansinin, gawin mo na lahat ng yan. Wag lang ang PANGUNAHAN ako sa mga desisyon na gagawin ko." matigas na sabi niya sakin.

No..

"N-no. Ralph, I-I'm sorry. Sorry kung hindi ako nag-iisip, sorry kung pinangunahan kita. Ralph, please l-let me explain..

Iniisip ko lang naman yung safety mo e. Iniisip ko kung hindi ko pa yun pinigilan ay baka mapahamak ka. Ralph, ikaw lang ang iniisip ko. Sorry sa ginawa ko. Ralph.

Pero kung hindi mo na ako pansinin,
O-ok lang a-ako, kung yun ang g-gusto mo.

Kung hindi mo na ako patawarin,
t-tatanggapin k-ko, kung yun ang nakakapag pasaya sayo.

A-at..

K-kung.. gusto mo na makipag h-hiwalay
sa-saakin iintindihin ko. Kung yung ang nakakabuti s-satin...

Pero Ralph.. mahal na mahal kita. S-sorry ulit." I said in a low cracked voice.

Nakaiwas lang siya ng tingin sakin.
Ilang minuto ang lumipas nang...

"Ok" sabi niya at bigla siyang umalis.




"Andddd. CUT!" Sigaw ni Direct/Sir Jomarie. -____-

"Good job George! Ang galing mo talaga. Damang dama ko ang sakit. Haha, btw magdi-dinner kami mamaya, sama ka?" Tanong sakin ni Aina, classmate ko.

"Hindi na muna Aina, madami akong inaasikaso ngayon e. Pasensya na, bawi na lang ako next time."

"Wushu. Dumali nanaman si Ms. Next time, haha lagi naman e. Sige na nga. Bye una na kami." sabi niya.

Tss. Napailing na lang ako sa sinabi niya. Totoo naman e, mashado lang talaga akong busy ngayon.

Nga pala, Ako si Georgia Alexis Gonzales. 18 years old. 2nd year college. Masiyahin, mapagmahal, simple lang, hindi mayaman, hindi mahirap.

Andd.. Yung kanina, project lang namin yun. haha di ako artista a.

Ok tama na joke. Well di naman talaga yun joke. Aish! Para akong timang! ~__~

"Jean uuwi na ako, may date pa kami ng boyfriend ko! Bye!" Narinig ko sa di kalayuan.

Tss.

Boyfriend?
Marami ako niyan. *evil smile*

JOKE LANG!

I'm just pertaining my boyFRIENDS. 😊

Yap at marami ako niyan. Ok I'll list my Friends' names

Ken Clemente- mabait, super thoughtful, pilyo minsan, sikat sa school, basketball player.

Crestian Sebastian- ang genius saaming magkakaibigan, mabait, caring, tahimik lang. Basketball player rin. Basta papakilala ko na lang siya sainyo next time. Hahaha

Ralph Mendez- siya yung kaninang ka-partner ko sa project. Player din ng basketball. Sikat na player sa school. Yeah, heartbreaker yang kolokoy na yan. Haha di lang halata, pero kahit na marami na siyang napaiyak, marami paring nagkakagusto jan. O diba? Siya na ang gwapings! Hahaha. Pero kapag kami-kami lang magkakasama sa aming tambayan ay sobrang bait niyan, kung di ko lang yan kilala bilang heartbreaker e crush ko na siya e. Pero joke lang.

Ok too much info sa kanya. -__-

Kenneth Suarez- ok naguguluhan ako kung ano itatawag ko sakanila ni Ken. -__- minsan kase Ken na din ang natatawag ko kay Kenneth e. -___- Kaya ang tawag ko na sakanya ngayon ay Keth! Hahaha wala na akong maisip e. Ok tama na satsat George
-__-
Siya ang pa-mysterious sa aming magkakaibigan. Tahimik (malamang -__-)
Palyer din ng basketball.

Jaybee Jun Mendoza- ang pinaka-close ko sa kanilang lahat. Siya kase yung mabait, pilyo, friendly, madaldal, at ang cuteeeeeee niya! Hehe. ^-^ Player din ng basketball yan.

Ok done with the boys. So sa girls naman. Ang rami kong kaibigan no? Friendly kase ako. hehe pero yung mga lalaking yan sila mismo ang lumapit sakin at nakipagkiabigan. FC kung baga. hahaha charot! Nung una FC sila, pinagbigyan ko na lang at hinayaan. Atleast may friends ako.
Ok tama na...

Summira Cruz- ang fasionista sa amin, maganda, mabait, thoughtful, at matalino.

At si..

King Zeddaine Ramos- ang misteryoso din katulad ni Keth. Babae yan, sa kilos at sa pangalan lang hindi halata. Matalino, mabait din naman, minsan mataray (lalo na kung meron siya o di ka kilala) moody, caring, mayaman, maganda kaso laging naka poker face. -__- Bakit panlalake ang name nya? Lalake kasi ang gusto ng dad niya, kaya ayun.

Haha yan ang mga kaibigan ko. Ang swerte ko no? Pero lagi nilang sinasabi sakin na sila ang swerte dahil naging kaibigan nila ako. Ewan ko sa mga yun. Pero mahal ko silang lahat. Lagi nila akong ipinagtatanggol sa mga nambubully sakin noon, lagi nila akong chini-cheer up, at lagi silang nasa tabi ko sumosoporta at nagmamahal sakin. Haha charot, nagdrama na.

Ok back to reality. Heto na ako, naglalakad sa hallway papauwi pero napatigil ako...

nang may narinig akong isang tinig na kumakanta habang umiiyak.

Paatras akong bumalik at sinilip kung anong room ba iyong nadaanan ko.

At tama ang hinala ko, music room ito. (Malamang George -_-)

Lumapit pa ako ng konti para makita ko kung sino yung kumakanta. Madilim kasi sa loob e. But galing sa lalaki ang boses na iyon. Hmm.. nakakaintriga ha. -_-

Lalapit pa sana ako ng bongga nang biglang nanggulat si Jaybee. -____- epal naman o. Ayun na e! Malapit na. -_____-

"O bakit ganyan ang mukha mo Gia? Para kang nabuhusan ng malamig at mainit na tubig?" Nagtatakang tanong niya.

"Ano ginagawa mo dito?" Sagot ko ng naka poker face. Iniwasan ko muna yung tanong niya.

"Diba dapat ako magtanong sayo niyan?" Sabi niya.

"E bat di mo tinanong kanina?" Poker face ko parin siyang sinagot.

"Naman Geo, tara na nga uwi na tayo. Walang sense yung pinag-tatalunan natin" sabi niya sabay akbay sakin.

Lumingon ulit ako sa music room bago kami umalis.

Bakit ganon? Parang may nagtutulak sakin na alamin kung sino yung lalaking umiiyak na kumakanta na yun?

Argh! ~_~

-
AN:
Hello! Baka po malito kayo sa mga pangalan ni Georgia Alexis Gonzales.
Marami pong tawag sa kaniya.
•George
•Geo
•Gia
•Alex
•Lexi
At
•GAG (dahil sa acronym ng kanyang name)
Madalang po siyang tawagin sa whole original name niya. Ang mga nicknames na yan ay gawa o tawag sakaniya ng mga abnormal niyang mga kaibigan. Haha joke.

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon