M&M 17.2

167 7 0
                                    

JUNHOE'S

"anyare bro?" tanong saken ni Jiro Hyung, nalaman ko kasing kasing tanda sya ng kuya Dongmyun ni Winter kaya hyung na itatawag ko sakanya.

"ah eh..sorry hyung ha, wala naman kasi akong intensyon na takutin sya at diko rin naman alam na magiging ganun yung reaksyon nya" nubayan ang bading naman ng kwentuhan namin pero takte diko naman talaga sinasadyang magkaganun yung lukaret na si Winter eh. Naramdaman kong tinapik ng mahina ni Jiro hyung yung likod ko kaya napatingin ako sakanya.

"okay lang yan, di naman rin siguro galit yung si Winter baka.. baka nabigla lang" ngumiti sya saken.

"tinawag niya kong..oppa." aish tae bat ako natatawa? Oppa gangnam style kasi talaga napasok sa utak ko pag binabanggit yung word nay un pfft pero seryoso na.

"eh? Talaga? Nako dude hahaha" baliw ata tong si Jiro hyung eh? Akala ko ba seryosong usapan to?

"baket?" -_-

"alam mo kasi---" napalingon kami nung narinig namin yung boses ni Winter.

"oy SASSY PRINCE! Tara na gutom nako!"



Nagkatinginan kami ni Jiro hyung. Sabay na kaming tumayo. Dina tuloy natapos yung sasabihin nya


-_-




"sya sya sige na puntahan mo na. Yaan mo na, si Yin nalang magtutuloy ng kwento ko haha" tinapik ako ni Jiro hyung tapos lumapit nako papunta kay Winter.



"oy anong pinagchichismisan niyo jan? kalalake niyong tao tss" oh? Okay na sya? Buti naman.. ay anu ba Junhoe! Bat kaba concern??

"wala, tara na." nagsimula nakong maglakad tapos narinig ko naman si lukaret na Winter na nagpaalam sa mga pinsan nya.

"san tayo punta? Or more like, san moko ililibre??" ngumiti sya ng napakalapad.



O_O



Bat parang...



Takte! Yung puso ko. Haynako kelangan ko na siguro talagang magpatingin sa doctor, napakadalas ko na makaramdam ng palpitation pag kasama ko tong babaeng to eh.



Baka naman highblood nako??




"nga pala bilin ni Yin mag-selca daw tayo kada place kung san tayo nagpunta." Nilabas ko yung cellphone ko. Nasa email kasi ni Yin na kelangan namin magselca ni Winter, photo proof daw kumbaga.



ang jologs huh =_=


MIXed & MATCHedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon