M&M 18

173 7 2
                                    


Nagising ako sa pagtama ng araw sa muka ko kaya bumangon nako at naligo. Pagkatapos eh bumaba na rin ako para kumain ng almusal.

"good morning everyone~" masayang batik o kila Dongmyun at Yin.Himala ata nandito pa si Dongmyun? Pero si Dongmin wala. Ay oo nga pala nasa Europe pa pala sya hehe ayporgat.

"goodmorning baby. Mukang ang ganda ng gising mo ah?" sabi ni Dongmyun pagkatapos kong halika yung pisngi nya. Oo mas sweet ako at malambing sakanya kesa kay Dongmin hahaha ganun talaga siguro kasi hindi naman kami madalas magkasama ni Dongmyun tulad ngayon, ngayon lang kami ulit magkakasabay sa almusal dahil kundi sya nasa ibang bansa eh maaga naman syang nagpupunta ng opisina.

"pano kasi naalala nya yung date nya kahapon hahaha" tong daldalitang Yin na to talaga oo! Umupo nako sa tabi ni Dongmyun.

"ehem. So, meron kabang gustong aminin samin baby?" sa totoo lang kay Dongmyun lang ako nagpapatawag ng ganyan pag kasi si Dongmin natawag saken nyan parang ang halay hahaha




Adhsfjsfs





Ano daw? aaminin? Teka ano naman yun?





"ang baboy mo pinsan, lunukin mo nga muna yang kinakain mo" nagmake face lang ako sa sinabi ni Yin. Nagsalita kasi ako ng puno ng pancakes yung bibig hehe

"sabi ko ano namang aaminin ko?" nuba pinagsasasabi nila?

"yung tungkol sa nakita namin ni Yin kagabi" humigop ng kape si Dongmyun pagkatapos nyang magtanong.




Teka WUT?! Nasamid ako sa sarili kong laway.




"ANO?" @_@

"uuyyy~ tatanggi pa huling huli na nga namin kayo kagabi eh" pang aasar ni Yin. Eh kung pinagbubuhol ko sila ng ngipin ni Bobby ano? Ano??

"hala wala yun! Hindi yun katulad ng iniisip niyo no" todo iling pako.

"hmm. Okay ako nalang mismo magtatanong kay Ju-ne" kalmadong sabi ni Dongmyun habang nagbabasa ng dyaro. Parang tatay lang eh no? hahaha pero sht ano daw?

"naman eh. Wala nga yun aish" pagmamaktol ko. Sinamaan ko ng tingin si Yin kanina pa tawa ng tawa eh.

"maiba ko,free kaba ngayon kaya nandito kapa?" usually kasi talagang maaga palang nasa office na sya eh ten thirty na kaya.

"sorry baby, aalis na rin ako maya maya eh. Marami pakong tatapusing ireview na sales report para sa COEX mall."

"okay, kay Yin nalang ako magpapasama hehe" tumatawa tawa pako pero natigil saglit ang panghinga ko sa mga sumunod na sinabi ni Dongmyun.

"sorry baby pero fully packed ang sched mo ng isang lingo simula bukas."



MIXed & MATCHedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon