SA PANAGINIP

52 1 0
                                    

Te-teka bakit ang dilim? Bakit wala akong makita? Bakit kinakabahan ako?

"Tulooong! Tulungan niyo ko! Wala akong makita!" naiiyak na ko. Di ko alam kung paano ako napunta dito. Sa isang iglap eh nakulong ako sa lugar na sobrang dilim at wala akong makita. Naiyak na ko dahil wala akong magawa.

"Blaaag!" biglang napatigil ako sa pag-iyak at napatingin dun sa liwanag mula sa nagbukas na pinto. Dahil galing ako sa dilim di ko kagad nakita yung mukha nung taong nagbukas nung pinto.

Agad akong tumakbo palapit dun sa taong tumulong saken para magkailaw sa lugar na 'to at nagtanggal ng takot saken. Pero teka bakit parang ang layo niya? Pero di pa rin ako tumutigil sa pagtakbo... at eto na ko malapit na sa kanya.. at eto na nga nayakap ko na siya at niyakap din niya ko. Di ko alam kung babae o lalake siya pero mas matangkad siya saken kaya tumingala ako para tignan ang mukha niya at magpasalamat ng...

"Hui! Eunice! Gising! Tulo mo lumalaway." what?! PANAGINIP LANG YUN?! pero lagi na lang siyang panaginip! Ilang araw na din yun! At tuwing makikita ko na yung mukha itong bungangero kong kaklase ang nangigising saken.

"Pwede ba Marcuz, distansya lang! Baka pilipitin ko yang leeg mo eh! Istorbo!" tapos akmang yuyuko na ulit ako para matulog pero nagsalita siya.

"Ginising lang kita tapos istorbo agad? Ge una na ko, uwian na naman eh." at naramdaman kong naglakad na siya palabas ng room namen.

Hehehe di ko napansin na kame na lang din pala yung tao dito! pero kahit na! andun na eh onti na lang makikita ko na yung mukha tapos ganun pa? Wala naman akong magagawa kundi ipasok yung mga gamit ko sa bag para makauwi na din.

Naglalakad na ko palabas ng campus namen. Ilang blocks lang namen eh bahay na namen, super walking distance lang kaya kahit gusto ko sumama sa mga gala ng mga kaklase ko eh hindi ko magawa, kaya nasasabihan nila akong KJ at dahil sa pagiging KJ? Binu-bully nila ako. Kaya ilag din ako sa mga kaklase ko at mas pinipili kong matulog na lang sa klase, buti nga walang klase kanina at nag-ayos lang ng mga booth ang bawat section. Halloween party kasi bukas sa school kaya ayun, nagsipag-ayusan sila. Kaya naman natulog na ko ng hapon kasi nung umaga pinahirapan ako nung mga kaklase ko. Dahil di daw ako nakasama sa pagbili ng mga materials eh tumulong daw ako sa paggawa nung booth eh grabe ang hirap. Ano akala nila saken may powers? pinagmartilyo nila ako ng kung ano ano. Di naman ako makapagreklamo baka sabihin nila di na ko tumulong!

Ako nga pala si Eunice Monteverde, 3rd year high school sa Hoshida Constellae University. Isang commoner pero hindi ako nagpapatalo kahit binubully ako. Lumalaban din naman ako, di naman ako pinag-aaral ng mama ko para maliitin lang ako basta-basta at awayin ako ng wala naman akong ginagawang mali sa kanila. Gara nga eh commoner na nga lang papel ko sa school tapos dami pang galit saken. Di ko alam kung bakit ganun sila. -____- Yung lalakeng nanggising saken kanina? Si Marcuz Tristan yun. Tristan po talaga apelyido nyan. Hehehe pano ko nalaman? Crush ko kasi yan. Pero ewan ko bakit ko siya napagsalitaan ng ganun kanina. Dahil din siguro nabitin ako dun sa panaginip ko! Kasi naman eh magbiro na sa lasing wag lang sa nananaginip! Si Marcuz? Ayun may mga nagkaka-crush din sa kanya, pero di naman siya hearthrob unlike nung ibang lalake sa school. Simple lang din kasi siya kahit ang yaman nila walang yabang sa katawan at friend niya ang lahat. Kahit nga ako kinakausap niya pero kadalasan iniisnob ko siya. Ayoko kasing kiligin sa harap niya hehe. Saka isa pa girlfriend niya na si Steffah, yung kaklase din namen na madalas mambully saken. Kaya ayun iwas iwas na ko para naman di na mafall at masaktan

"Magandang hapon!" sigaw ko sa bahay kasi busy mga kapatid ko sa panunuod ng teleserye na wala namang katotohanan! pero dumirecho na ko sa kusina para magmeryenda at makatulog na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT [Collection]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon