Invisible.

83 3 2
                                    

Gusto ko siya, gusto n'ya iba, iba naman ang gusto nung gusto n'ya. Lagi nalang ganyan ang nangyayari. Bakit hindi niya marealize na nandito naman ako, bakit pinagsisiksikan n'ya pa 'yung sarili n'ya sa kanya e ayaw nga n'ya sa kanya e! I always feel...INVISIBLE.

-

Swizzy

Hello! Ako si Swizzy, cycle lang 'yung takbo ng lovelife ko... Gusto ko siya, gusto n'ya iba, iba naman ang gusto nung gusto n'ya. 'Yun, ganun nalang lagi. Sasabihin ng mga kaibigan ko "Aminin mo na kasi sa kanya!" pero ayaw ko, nadala na 'ko sa pagf-first move na 'yan! Kaya lagi nalang akong nakanganga habang pinagmamasdan si Paul na lalong nahuhulog sa girl na gusto n'ya, pero never naman s'yang nagustuhan! So, wala naman akong magawa kundi...mag-pray.

PAUL

Ako nga pala si Paul, matagal na 'kong may gusto sa babaeng hindi man lang ako binigyang pansin kahit isang porsyento lang ng buhay n'ya. Wala e, balewala lang talaga ako sa kanya, pero hindi ako nasuko kasi gusto ko talaga s'ya e, wala rin namang ibang nagkakagusto sakin, so, stick nalang siguro ako kay Marie, kahit wala ata talagang pag-asa. </3

MARIE

Hello I'm Marie! Well, alam ko namang may gusto sakin si Paul e, pero hindi ko talaga s'ya gusto, hindi ko alam kung bakit, kahit anong pilit kong magustuhan s'ya dahil sobrang tiyaga n'ya sakin, hindi talaga effective e, hanggang friends lang talaga, kaya hinahayaan ko nalang siguro s'ya.

-

SWIZZY'S POV

Hay nako, Monday na naman! Matutuwa ba 'ko o hindi, oo, makakasilay nga ako, pero sure na another awtsu day na naman 'to, pano ba naman, alam ko namang babalewalain n'ya 'ko e, hay, whatever, pasok nalang ako para sa friends ko...tska pala para mag-aral, muntik ko nang makalimutan. Haha! XD

"Swizzy!" sigaw na naman ng magugulo at minamahal kong friends, ganyan sila e, parang hindi nagkikita araw-araw kung makasigaw!

"ANOOO?!" sigaw ko rin!

"Himala ha, hindi ka late ngayon!" mejo nakakainsultong sabi ni Blue.

"Aba'y baka mapatawag na naman ako sa office e, edi inagahan ko na!" sagot ko naman.

So, ayun, nagklase, hindi ko naman sinasabi sa kanilang lahat kung sinong crush ko e, siguro, hmmmm, 2 o 3 lang ang may alam, una kong sinabi kay Angie 'yon e. Tanda ko pa nung nasa canteen kami...

*flashback*

"Angie! May crush ako, grabe! HAHA! Mejo matagal na rin!" bulong ko kay Angie.

"E?! Sino?!" tanong ni Angie.

"Ahaha! 'Wag mong sasabihin kahit kanino ha? Kahit kila Georg ha? Promise?!"tanong ko kay Angie.

"Oo, promise! Sino dali?"pasigaw na tanong ni Angie, mejo pinagtinginan tuloy kami sa canteen nun.

"Si...Si...Si Paul! pabulong kong sinabi.

"O-M-G! Hindi ko inexpect!!!!!" gulat na isinigaw ni Angie.

*end of flashback*

'Yun, si Angie ang unang nakaalam, hindi naman ako nagsisi kasi wala talaga s'yang pinagsabihan kahit sino. :)

Pero hindi ko rin natiis, nasabi ko rin sa buong barkada, sila Anne, Chester, Georg, Blue, John, Adam, at Elle.

Hanggang sa nalaman na rin ng buong room dahil din sa kanila, ang iingay kasi. Hayst. Medj napahiya talaga ako nun. >///<

-

(Tuloy ko pa ba? HAHA! Hindi ata ako maalam mag-sulat ng story dito sa Wattpad. Hephep! Simula palang 'yan, wala pa 'yung mga ouchy moments ni Swizzy. Hmmm. Update ko? :D)

Invisible.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon