Chapter 3

10 0 0
                                    

Syra Rose Gomez POV

Matapos ko mahighblood sa batang yun hindi na umayos ang araw ko. Bwisit talaga ang batang yun kahit kelan!

Ako si Syra Rose Gomez. Ang Ina ni Symon at Samuel. Si Sofia? Hindi ko sya anak. Ampon ko sya. Anak sy--

*Ring*Ring*

"Hello?!" Galit na sagot ko sa natawag.

"Nay! Pssh! Kaaga-aga badtrip kayo!" Si Symon. Sino ba naman ang hindi mababadtrip sa batang yun?! Nakikita ko palang nag-iinit na agad ang dugo ko. Bwisit

"Oh! Bat ka ba napatawag?! At san ka nanggaling, umalis ka na lang ng hindi nagpapaalam ah! Isa ka pang Bwisit e!" Galit na sabi ko. Woooo! Nang dahil talaga kay Pia! Umiinit ang bumbunan ko. Lentek!

"Haist! Nayyyy.. Tumawag kasi si Gilbert, magbibigay sya ng pera hehehehe nayy.. Umalis muna kayo sa bahay at magpalamig ka na muna ng ulo, magrelax ka muna, madami naman siguro ang ibibigay ni Gil. Jackpot again!" Tuwang sabi nya. Napangisi naman ako sa sinabi ni Sy. Ito ang magandang naiidulot ni Pia samin e.

"Sige, tatawagan ko muna ang tatay mo at pagbibihisin ko na si Samuel para makaalis na kami" naeexcite naman ako. Lagi kaming nagsasaya kapag may dumadating na blessing *ngisi* blessings mula sa kay Clara.

"Mauna muna kayo sa Mall at mamaya maya pa maibibigay ni Gil ang pera. Isasama nyo ba si P-Pia?" Tanung ni Sy. Yun! Yung batang may dahilan kung bakit hindi maganda ang araw ko, nako! Hindi na! Hindi ko sya isasama! Lintik na bata yun

"HINDI!! At wag ka ng magtanong! Magbibihis na kami sabihin mo kay Gil bilisan!!" Gigil na sabi ko

"O-Opo nay! Si-" ibinaba ko na at telepona at baka mabwisit din ako kay Sy.

Dali-dali akong tinawagan si Samuel at binihisan at saka tinawagan ko ang kanyang ama. Pasakay na kami ng Kotse ng nagtanong si Sam -_-

"Nay asan si Ate Pia?" Tanung nya.

"A-ahh nak, tulog si Pia. Hindi ko na ginising" walang kagana-ganang sagot ko

"Ahh sige po nay, pasalubungan na lang natin si Ate"

Hindi ko na sya sinagot at sumakay na kami sa kotse. Mayaman kami dahil kay Clara. Sya ang nagbibigay ng pera sa amin, hindi lang halatang mapera kami kasi hindi namin pedeng ipahalata, baka magtaka ang mga tao sa estado ng buhay namin. Ang trabaho namin, may ari kami ng mga pinarerentahang sasakyan tulad ng Van, Jeep at Bus.

Naalala ko si Daisy -_-

'Hinding hindi ka magiging masaya' *ngisi*

Sofia POV

Naalimpungatan ako dahil narinig ko ang kotse namin. Andito na sila!!! ^_^ Bumaba na ako at pinagbuksan sila ng pinto ng--

O_o

>_<

"Tabi!!" Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sakin ang mga paper bags na dala ni Kuya Sy. Napaatras naman ako dahil tumama ang paper bags sa mukha ko.

Wowww ang dami naman nilang binili ^_^ hehehe ano kaya ang mga yun. Tiglilima silang paper bags, nakakatuwa naman dahil halata sa mukha ni Kuya Sy at kay Sam na excited sila sa mga binili nila. Nakita ko ang laman ng paper bags dahil binuksan nila. Woww! Nakita ko ang kay Kuya Sy, may Bola ng Basketball, Sapatos na Jordan Sneakers, Mga Damit, may mga medyas puro pang basketball lahat ng binili ni kuya at- WAAAAAH! My newphone si Kuya. Iphone 6? Hala. Ang ganda naman.
Kay bunsoy naman ay puro halos laruan ang binili nya at may.. Ano yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

QUEEN OF QUEENS: The RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon