Nakatulog ako dahil sa nangyari kanina hindi ko namanalayan! 6:00 pm na! Jusmio! Bumababa na ako ng kwarto pero WALANG TAO? Tsk. Tulog ka kasi ng tulog! Megeddd Pia! Anak ka talaga ng iyong ina!
Nagderetso akong garden namin, oo may garden kami hindi kami mahirap pero masasabing may 'kaya' kami. Paglabas ko nakita ko si Kuya Symon sya ang nakakatanda naming kapatid. Lumapit ako sa kanila pero may kasama syang isang lalaki? Nag-uusap sila at parang may binigay kay Kuya. Lalapit na sana ako pero umalis na yung lalaki at napatingin si kuya sakin at halatang nagulat!
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ni kuya. Halatang kabado, ano kayang tinatago ni kuya
"Narinig mo ba ang pinag-usapan namin?!" Tanong ulit nya
"Ahh kuya hindi ko naman narinig. Ano pong ginagawa nyo? At ano po yan?" *turo ko sa kamay nya*
"Ano bang pa-paki mo?! Ha?! Tss. Panira ka talaga bata ka!!" Sigaw nya. Ano ba naman to! Nagtatanung lang ee
"Ahh oki sabi nyo po ee!" At pilit na tawa ang nagawa ko.
Umalis na si kuya, siguro pupunta yun sa mga katropa nyang mga adik tsk tsk! Hindi naman nag-aadik ang kuya ko hahahaha mukha lang adik talaga yung mga kaibigan nya hehehe
Pumunta na ako sa garden at nagmuni-muni.
'Sino kayang totoo kong mga magulang?'
'Hinahanap kaya nila ako?'
'Bat nila ako pinamigay?'
'Anong kayang totoo kong pangalan?'
'Asan kaya sila?'
"Hayyys!" Singahal ko dahil ang dami kong gustong malaman. Sana tulad na lang ako ng mga ibon, para pede akong lumipad at hanapin sila. Ang totoo nyan, ayoko talagang hanapin ang magulang ko pero.. Kailangan kasi sobrang na atang pabigat ako dito kina nanay, kahit ayoko, kailang kasi ayokong nahihirapan sila nanay. Mahal ko sila kahit ganon ang trato nila sakin kahit na ni minsan hindi man nila naparamdam sakin ang pagmamahal pero ako sobrang mahal ko sila.
*Poke*
"Araaay!" Nagulat ako kasi may bumatok sakin Tsk! Paepal ang pupu
"Ang senti-senti ka na naman dyan Pards!" Sabi ni Lyla. Kasama nya si Treppy, Paysel, Jobert. Sila ang mga kaibigan ko. ^_^
"Pia? Anong problema?" Biglang tanong ni Jobert. Hindi naman na sanay tong isang to.
"Wala.." Sabi ko ng walang kaganana-gana
"Hay nako Pards! Wag ka ngang magsarili. Andito kami, handang makinig sa lahat ng problema mo." Sabi nya ng may feeling at humawak pa sa braso ko
"Tss! Alam nyo na problema ko no!" Sigaw ko
"Sabi na e. Alam mo e-enjoy mo na lang ang pagiging alien este ang pagiging tao mo!" Biro ni Paysel
At nagtawanan kami. Hayyy kung wala ang mga to, siguro namuo na ang problema ko, wala kasi akong napapagsabihan kundi sila lang talaga apat.
"Pards! Malapit na ang pyestahan!" Sabi ni Paysel
"Oh? Eh ano naman?" Sabi ko
"Ano ka ba naman! Hindi ba sinabi mo samin na sasali ka sa Queen of Rirrea?!" Sabat ni Paysel
Shems! Sa totoo lang nabigla kasi ako kaya ko nasabing sasali ako sa pageant na nyan! Ehh kasi naman, pinipilit nila akong sumali nung nakaraang taon, eh ayaw ko kasi hindi ko naman alam ang gagawin, ayun nasabi ko na sa Isang taon na lang. Magagalit ang mga to kasi, ayaw nila ng PAASA!
"Ahh eeh... May nasabi ba ako?" Nagtataka takahang tanong ko
"Aba! Meron ha!" Sigaw nila saking apat! Nabingi ako
"Oo na! Eh! Hindi ko alam kung anong susuotin ko, anong gagawin ko. Tss! Isa pa yang problema" sabi ko. Hayy paniguradong lagot ako kay nanay kapag sumali ako
"Hindi yan kaming bahala hehehe at may practice pa naman ang mga ganyan kaya wag kang mag-alala" sabi ni Paysel
Eh ang problema naman, pano ko sasabihin kay nanay. Siguradong bubungangaan na naman ako nun tas bukod pa ang bunganga ni tatay huhuhuhuh
"Woii sumali ka ha?!" Laysel
Tss problema na naman to. Kelangang kong ihanda ang tenga ko sa mura nila sakin shems!!!
"Wag kang talkshit" Treppy
San naman ako kukuha ng gamit paro dun, wala nga akong pera!
"Woiiii!" Silang apat
"Ano ba?!" Sigaw ko naman dahil nagulat ako
"Kanina pa kami daldal ng daldal dito! Hindi ka naman nasagot?! Nakakaembyerna ka pards!" Paysel
"Ehh hindi ko kasi alam kung papayagan ako ni nanay" sabi ko
"Kaming bahala, sabihin mo wala namang gagastusin kasi kami ang bahala sayo.." Sabi ni Paysel
"Ha? Nakakahiya!" Sabat ko. Nahihiya na ako sa kanila. Mayayaman kasi silang apat. Si Paysel anak ng negosyante at balang araw ipapamana sa kanya ang negosyo nila pero hindi halata sa kanya kase barako ko at hindi maarte. PAYSEL RISH ALFONSO pangalan nya.
Si TREPPY SAM DE VEGA sila ang may ari ng resort na sikat sa lugar namin. Halos mga artista ang guest sa kanila kaya kapag may artista libre kaming nakakameet and greet. Hehehe Sikat sya sa amin kasi gwapo, matalino, mabait kaso chickboy!! Pssh
Si JOBERT FRANCISCO sila ang may ari ng kalahati ng Rirrea. Kasosyo sila sa lugar namin at sa lahat ng mga bussiness na andito sa Pilipinas. Bigtime ang koya
LAYLA SANTOS sya. Sya lang naman ang anak ng mayor sa lugar namin. Pagpupunta yan dito palaging may body guard. Well! Nakakatakot kasi, nakidnap na kasi yan date kaya natroma na kaya ayan! Pinabantayan at hindi na nalabas ng bahay nila pero kapag kami ang kasama nya feeling daw nya safe na safe sya. ^_^
Hayyyyyy ang bibigtime nila. Naiingit din ako minsan pero ayos lang kasi palagi naman nila akong inaalagaan at pinapasaya. Kaya love na love ko sila ee
"Hoy!!! Naiimbyerna na ako dito!! Pede kang sumagot!!"
Paysel"Ahhh! Ehh hehehe ano nga ulit?!" Ako. Hindi ko namalayang natulala na pala ako -_-
"Ang sabi nya kung payag ka na daw?!" Layla
"Hindi ko parin masasabi e, nakadepende parin kay nanay e. Hindi ko alam kung papayag parin sya kasi nakakahiya naman kasi.." Sabat ko
"Hayyyy! Sige ako ang kakausap" Layla
"Hahahahha sige sige! Iba talaga ang power ng anak ng mayor!" Ako
Lagi kasi sya ang nagpapaalam kay nanay pag hindi ako pinapayagan heheheh ang swerte ko talaga sa kanila ^_^
Umuwi na sila at pumasok na ako sa bahay. Hanggang ngayon wala parin si na nanay. San kaya sila nagpunta hmmm? Nagluto na ako para kapag dumating sila pede na silang kumain at hindi sila magalit sakin heheheh galing mo talaga Pia!
Umabot ang 9:30 at hindi parin sila nakakauwi. Kumain na ako mag-isa at pumasok na sa kwarto ko. Naligo ako at pumunta sa kama. Bibilangin ko sana ang pera ko pero napansin ng paningin ko ang kwintas. Ang kwintas na yun ang bigay ng totoong nanay ko. Suot ko daw yun nung baby ako. Nalungkot ako at naisip ko na naman sila
''Hayyyy! Napapagod kayong isipin, samantalang kayo mukhang wala din kayong pakialam sakin!'' Sigaw ko
Humiga na ako sa kama ko at tinitigan ang kwintas unting unti na nagdilim ang paningin ko at nakatulog.
_______________
Waaaaah!!! Bitin ba?! Heheheheh sorry na. Eenjoy nyo sana to! Thanks Lovelotsss-UnknwGrl ^_^
BINABASA MO ANG
QUEEN OF QUEENS: The Revenge
AléatoirePROLOGUE: Babaeng simple, hindi maarte, mapakumbaba LAHAT ng magagandang katangian ay meron sya. Sya si Sofia Deish Gomez. Isang ampon ng Pamilyang Gomez, kala nya buong buhay nya, isa lang sya mga walang kwentang tao. Palaging sya niloloko, binubu...