Alyana’s POV
Andito ako ngayon sa loob ng napakaboring naming room. At dahil wala akong magawa, tinap ko ng tinap ang ballpen ko sa desk ko habang tingin ng tingin sa relo ko. Gustung gusto ko na matapos yung punyemas na klase na to! Gusto ko ng umuwi. Sino bang may ayaw nun?! Meron na lang limang minuto ang natitira pero patuloy pa rin ako sa pagtap ng ballpen sa desk ko. Baka sakaling bumilis yung oras e. ( Anong konek? )
“Alyana will you please stop. You’re distracting the class.” Sabi ng magaling kong teacher.
Hininto ko yung ginagawa ko at ngumiti ng nakakaloko habang tinitignan ko ang buong room namin.
‘What class?’ Yan sana ang gusto kong sabihin. E halos kakalahati lang kaming pumasok. Sigurado nagsipagcutting na naman ang mga yun. Yung mga andito naman sa room, e kundi nagtetext yung iba naman ay nanunuod ng videos sa mga phone nila.
Hindi ko naman sila nadidistract. E wala namang mga pakialam yang mga kaklase ko. Ni hindi nga ata nila naririnig yung pagtap ko ng ballpen. E panung hindi maririnig? May mga nakapasak na earphones sa tenga. Kahit nga may magbugbugan diyan sa harapan, e wala pa rin silang pakialam.
Tae. Pagkatagal tagal naman ng oras. Bat pa kase nauso tong punyemas na Algebra na yan?! Sino bang nag-imbento niyan?! Buhayin niyo. Nang mapatay ulit!
RING! RING! RING! RING!
Sa wakas at narinig ko na din ang napakagandang himig ng bell. Yahoo! Uwian na. HAHA!
Agad agad kong inayos ang gamit ko at tumayo sa upuan. Buti na lang hindi ako kasama sa mga cleaners ngayon. Atat na atat na talaga akong umuwi.
Nagsmirk ako kay magaling kong teacher na hanggang ngayon e hindi ko matandaan kung anong pangalan nang madaan ako sa table niya.
“Have a safe weekend Alyana.” sabi niya.
Have a safe weekend? Bakit iniisip niya bang maaaksidente ako o kaya malalason o kahit anong ikasasama ko? Tsk tsk. Ang bait talaga ng teacher ko.
“Hava a safe weekend too.” sagot ko. At lumabas na ko ng room.
Pababa na ko ng hagdan, nang maramdaman kong my heart skipped a beat.
Nakita ko yung bestfriend ko or should I say ex-bestfriend, Ethan Cruz na nakasandal sa may pader na nakaharap sa hagdan. Ngumiti siya sakin na parang kinakabahan at kinawayan ako.
Ang tagal na simula ng makita ko siya ng ganto kalapit sakin pwera na lang pag tinitignan ko siya sa malayo at lagi niya ng kasama ang isang lalaki na nagngangalang Jasper. Sa ngayon, di na sumasama si Ethan sa barkada sa tambayan namin. Di niya ko kinakausap at halata namang nilalayuan niya ko at di pinapansin.
“Alyana, hey how are you?” tanong niya sakin nang makababa na ko sa hagdan. Tiningnan ko ang gwapo niyang mukha. Tae lalo akong naiinlove. Parang gusto ko halikan yung kulay pink niyang labi. O tukso layuan mo ako. >____<
“Eherm.” Nagbalik ako sa realidad ng nagfake cough siya. Nakakahiya napatitig ako sa kanya. Pde bang lamunin na lang ako ng lupa ngayon? Yumuko na lang ako, feeling ko kase namumula na ko e. Naman kase e! Di ko mapigilan. Miss na miss ko na kaya siya. He looks so attractive, pero parang may kakaiba sa kanya. Parang may nagbago pero hindi ko alam kung ano yun.
“I’m fine, are you waiting for anybody?” tanong ko naman. Tumingin ako sa paligid para makita kung may hinihintay o kaya may hinahanap siya, probably its Jasper.
“No, I was waiting for you. We need to talk about something.” sabi niya ng sobrang seryoso na nakatingin sa mga mata ko. Ngayon ko lang siya nakita ng ganto kaseryoso.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend's Lover
Teen FictionWhat if you’re secretly inlove with your bestfriend? Then suddenly, one day he confessed to you that he is a gay? What will you do?