CINQ

15 1 2
                                    

<<<TAGALOG>>>

Nabura na.
Burado na.
Parang ikaw at ako.
Wala ng tayo.
Pero teka,
Wala nga namang tayo diba?

Nabura na.
Burado na.
Ang mga litrato mo na iniingat-ingatan ko pa,
Tulad ng pag-iingat ko sayo sinta,
Ngunit
Tila balewala,
Nabura pa rin
Sa kabila ng pag-iingat ko.

Nabura na.
Burado na.
Ang mga liham na nagmula sa'yo sinta,
Ngunit
Burado na nga ba ang mga ito
Sa aking puso at alaala?

Nabura na.
Burado na.
Ang mga ngiti ko na umaabot hanggang mata,
Simula nang ika'y nawala
Di na kaya pang maging masaya.

Nabura na.
Burado na ba?
Ang pagmamahal mo saakin,
Aking sinta?
Hinayaang lumisan,
Hinayaang luhaan,
Hinayaang mag-isa sa damuhan,
Na lumuluha,
Na nagdadalamhati sa iyong pagkawala.

Nabura na nga ba
O
Wala naman talaga?

<><><><><><><><><><><>

SELINAPHRODITE

PoesieWhere stories live. Discover now