SIX

18 1 3
                                    

<<<TAGALOG>>>

Ngayong araw na 'to,
Isinusuko na kita.
Isinusuko na kita sa tadhana, aking sinta.

Isinusuko na kita.
Sapagkat hindi ko na kaya,
Di na kayang tiisin pa,
Mga pagtangis at pagluha
Sa sakit na dinadamdam
Na aking nadarama
Sa tuwing ika'y nawawala.

Isinusuko na kita.
Sapagkat
Alam kong dito ka sasaya.

Isinusuko na kita,
Isinusuko na kita sakanya,
Sapagkat
Alam kong sakanya ka talaga sasaya.
Isinusuko na kita,
Dahil alam kong
Ang mahal mo naman talaga
Ay siya.

Isinusuko na kita
Dahil
Pagod na ako
Pagod na akong maging taya
Sa laro ng tadhana.
Pagod na akong paglaruan
At saktan
Paikutin
At
Wasakin.

Isinusuko na kita,
Sana'y maging masaya ka,
Kahit alam kong
Masaya ka naman talaga.
Malayang malaya ka na,
Mula sa tulad kong
Napakatanga.

Isinusuko na kita.
Tatapusin ko na.
Tatapusin ko na
Kahit wala pa naman tayong nasimulan.

Isinusuko na kita
At
Tatapusin ko na
Kung ano mang meron tayo
Tulad ng pagtapos ko sa tulang ito
Ngunit
May namuong palaisipan
Sa aking isipan
Meron nga bang tayo?
Aking naalala ang sagot,
Wala nga palang tayo.
E ano ang tatapusin ko,
Kung wala namang tayo?

Isinusuko na kita.
Ngunit bago ko tapusin
Itong aking tula
May nais lang akong sabihin
Isa ka sa mga bituin
Na nagbigay liwanag
Sa aking mundong madilim
Ngunit
Tulad ng mga pangkaraniwang bituin,
Napakataas mo
At
Kailanma'y di ko kayang abutin.

Isinusuko na kita.
Eto na talaga
Hanggang dito na lang ako,
Tatapusin ko na
At
Ako'y susuko na.
Isinusuko na kita.
Paalam,
Aking sinta
Dahil
Isinusuko na kita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoesieWhere stories live. Discover now