Surprise!

257 5 0
                                    

Jomer's POV

It's been 1 week pero ang tamlay pa din ni bunsoy, dati na nga syang laging late, mas nalelate pa siya ngayon. Mga pakulo kasi ni dad tsaka ni tita eh. Sana lang magworkout I can feel it, mahal na mahal naman talaga nila Rain at Cleo ang isa't isa.

Rain's POV

I woke up feeling like a sh*t again. Sobrang sakit ng ulo ko. Argh. It's been 1 week hindi ko pa rin siya nakakausap bukod sa hindi na kami magkaklase palagi akong busy sa practice ng badminton. Player kasi ako.

"Hey, you okay?" Tanong sa 'kin ni kuya pagbaba ko. Tumango lang ako. Then I felt something, tumakbo ako sa sink, sumuka ako.

Kinabahan ako bigla. Ano ba naman 'tong pinasok ko? Baka mamaya b-b-buntis ako. My Gaaad.

"Bunsoy, ok ka lang?" Tanong sa 'kin ni kuya, sabay lapit niya sakin

"Bunsoy." *poke* No response.

"Hoy Bunsoy!" *poke* Then I hugged him tight.

"Kuya." *sob* *sob*

"Ano okay ka lang?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam." Sagot ko.

"Hatid na kita?" Tanong niya, tumango nalang ako.

Pagpasok ko nang school, nakasalubong ko siya, si Cleo.

"Babe." Tapos hinalikan niya pa 'ko sa labi. "Yun oh." Sigaw ni Nico. Tumawa naman sila Josh, habang ito namang lalaking 'to namula.

"Hi." Bati ko sa kanya. "Miss you." Sabi niya. Tapos sila Nico nagpaalam na mauuna na.

"Di mo 'ko namiss?" Tanong niya.

"Namiss siyempre." Maikling sagot ko.

"Good." Sabi niya sabay halik sa 'kin ulit.

"I gotta go, may klase pa 'ko." Sabi ko.

"Ok." Sagot niya. I was about to walk away from him, kaso hindi ko natiis.

"Hey." Sabay hila ko sa braso niya. Nilingon naman niya 'ko.

"I love you." Sabi ko sabay peck sa lips niya. Then I ran papunta sa room. Si Leo nandoon na.

"Heya! Besfreng." Bati niya.

"Musta bes?" Tanong ko.

"Ok I guess. Busy lang sa prep ng wedding. Pero okay naman." Sagot niya nginitian ko lang siya.

"I was told na hindi ka na engaged." Bulong niya sa 'kin. Close kasi sila ni kuya Jomer. Bwisit na octopus 'yun. Chismoso.

"Hmmm. May fianceé na siyang iba." Sagot ko.
"Pero akala ko boto parents niya sayo?" Tanong niya.

"Akala ko din eh." Sagot ko sabay pumasok si Sir Alcantara, teacher namin sa physics.

"For all those who'll get 85 and below, I'll need you guys to submit your old notes to me. Kelangan ko yon para mahatak 'yang mga palakol niyong grades." Sabi niya tapos nagtawanan 'yung klase.

"Mr. Dela Cruz. Pangunahan niyo na ni Ms. Guevarra, total, kayo naman ang pasimuno ng kalokohan palagi, just for a change 'diba?" Pang aasar niya. Ako kalokohan? Sus, si Leo kaya lahat 'yon nakikiride lang ako.

"Eh, sir pano pag naiwan?" Tanong ko. "Edi submit it to me tomorrow diba? Nandun lang ako sa advisory class ko buong araw bukas. Sportfest diba?" Sabi niya.

Walang IbaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon