Heels Over Head

92 1 0
                                    

Lagi ko siyang pinapanood, mula umaga minsan hanggang hapon. Ang adik ko 'no?

Well, bumibilib na nga 'ko sa sarili ko eh, iniisip ko din kung paano ako pumasa, lagi kasi akong nagca-cutting, bakit ka niyo?

Wala lang, para lang tumambay sa likod ng pinto ng rooftop, para lang makarinig nang live na kanta niya o panoorin siyang matulog, nakakatakot ba 'kong pakinggan? Sorry naman, in love lang.

Minsan pumasok sa isip ko kung pa 'no nalang kung nagising siya habang tinititigan ko siya? Ano kayang pwedeng maging palusot ko? Pwede ko bang sabihing inutusan ako ng teacher niya na pababain siya kasi lagi siyang absent?

Pero hindi eh, baka magalit tapos magfreak out. Bawal ko din namang sabihin 'yung totoo kasi baka matakot lalo tapos tumalon pababa ng building.

Ok, I admit OA na.'Di naman siya siguro tatalon, tatakbo pwede pa. Shall we move on?

Lunes ng umaga non nung bumalik ako sa rooftop, as usual andun na siya nakaupo. Para ngang wala siyang klase palagi eh, parati rin ata siyang cutting, pareho kami. HAHAHA.

'Di ba 'yon considered as soul mate? So 'yon nga umupo ako sa usual seat ko, sa likod ng pinto para 'di niya ko mapansin, mamaya na lang ako lalapit dun 'pag tulog na siya.

Then I heard him singing, ganun pa rin sa dati, ang lamig pa rin ng boses niya, 'yung para bang hinaharana ka? Boses pa lang ang pogi na.

'Now I'm heels over head,

I'm hanging upside down,

Thinking how'd you left for dead California bound'

Maya maya pa hindi ko na napigilan 'yung sarili ko, nakikanta na din ako, pero promise ang hina lang non.

'And when you hit the coast,

I hope you think of me,

And now I'm stuck here with the ghost
of what we'd used to be.'

Shet! Bulong lang dapat 'yon e. Hindi ko dapat nilakasan! Pa 'no na lang 'pag narinig niya? Syet! Sa sobrang panic ko medyo naitulak ko 'yung pinto, nagcreate 'yon ng sound kasi medyo luma na din ito. Ano ba 'to? Kapag minamalas ka nga naman o.

"Try mo kayang lumabas jan." BUSTED na Leah! Boba mo din kasi e 'no? Mukha akong tanga dito, ano lalabas ba 'ko o baba nalang? Tama baba nalang ako! Tama.

"Alam ko ate nandyan ka. Labas na." Sabi niya habang tumatawa. *gulp*

Anong sasabihin ko? Teka hindi naman niya 'ko iipitin 'di ba? Hindi niya nga 'ko kilala eh, bakit ba 'ko nagpapanic? Oo, tama lalabas ako dun na parang napadaan lang. Pero nakakahiya pa rin eh.

Maya maya pa napagdesisyonan ko nang lumabas mula sa pinagtataguan ko, nung medyo malapit na 'ko sa kanya, he gave me a cheeky grin habang hawak niya pa rin 'yung gitara niya, syet! Ang cute.

"Ah..eh may klase pa kasi ako eh. Bye bye!" Paalam ko sabay talikod sa kanya, grabe nginitian niya 'ko! I'm sure as hell, I'm really blushing right now.

"Escape ka 'no? 'Wag ka nang bumaba. Nine na kaya. 'Yung mga guards naglilibot ng ganitong oras, so I suggest kung ayaw mong mag stay after class for detention, mamaya ka na bumaba." Sabi niya. Concerned ba siya sa 'kin? Baka gusto niya rin-enough na sa kakadaydream Leah! Stop it na.

So, ayun lumapit na 'ko ng tuluyan sa kanya, hindi naman siguro siya nangangagat 'di ba?

"Hi." Bati ko sa kanya.

"Hello ate, kanina ka pa don?" Tanong niya sabay turo dun sa pinto.

"Ha? Hindi! Hindi! Kaakyat ko lang kasi may narinig akong tutog." Palusot ko. Maniwala ka please. Shemay bakit ba ko pinagpapawisan? Ano ba 'to?! Tumawa lang naman siya.

Heels Over HeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon