Kabanata 1

210 5 0
                                    


Kabanata 1

Identity Band


"We won," bulong ko sa aking sarili.

Hindi mawala sa aking mukha ang ngiti ng tagumpay. Nagtagumpay si kuya na lagpasan ang isang Paullino sa aming unibersidad. Gagraduate siyang Cum Laude lamang, at si kuya naman ay Magna Cum Laude.

Palihim akong nasiyahan nang makita siyang umiiyak sa sulok ng kabiguan. Hindi niya matanggap ang katalunan niya. I hate Allona. Really. Wala na atang mas aarte pa sa kanya sa paaralang ito. Hindi lang iyan, kaya lang naman siya Honor Student iyon ay dahil kilala ang pamilya niya sa paaralang ito. At dahil kilala ang pamilya niya dito, sobrang bango ng pangalan niya sa pandinig ng mga tao.

"Okay lang iyan, Allona." Narinig kong sabi ng best friend niyang si Shimmer. Napairap ako.

Yeah, yeah. Okay lang iyan.

Wala naman silang ginawang masama sa akin, pero sa mga kaklase ko ay mayroon. They don't know how to be fair and just. All they do is just spend their moneys and tell other people na kaya nilang pumasa sa exam kahit hindi sila mag-aaral dahil sa kanilang pera. I hate the fact that how money can make all people kneel and bow to you.

I admit Allona is the smartest among her cousins. She is the least evil of all Paullino but that's it, evil pa din siya. Her twinkling eyes are so proud with her natural reddish lips. Her nose is always pointing with confidence and so as her full face.

She is so perfect and smart and nice and intelligent and I hate it dahil isa siyang Paullino. Poor people hate them. I hate them. My brother hates them.

"Bakit siya umiiyak?" kalmadong tanong ni Kuya sa akin at umupo sa aking tabi. Tiningnan ko siya at nakitang nakatingin siya ng buo kay Allona.

"She is crying dahil cum laude lang daw siya." bulong ko kay Kuya. Tumango siya at tumingin sa akin. "Ikaw? Hindi ka iiyak?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Bakit naman ako iiyak?"

"Hindi ka honor student. You should be crying." Nginusuan ko siya at niyakap ng mahigpit. Nang umubo siya dahil sa higpit ng yakap ko ay saka pa ako bumitaw.

"I hate you." Birong sabi ko.

"Joke lang. You know I'm proud of you kahit hindi ka honor. For a girl who hides her tears with smile, you're a lot stronger than me." May kung anong malambot na kamay ang humaplos sa aking puso.

My brother will always be the best man in this world.

"Thank you kuya."

Nang matapos ang makasaysayang graduation ay pagod na pagod akong nakarating sa bahay. The Paullino's congratulated my brother at inimbita din nila si kuya sa kanilang mansion para sa handaan. Lahat ng mga estudyanteng gumraduate na may honor ay inimbita. Isasama sana ako ni Kuya pero mismong ang presidente na nang paaralan ang hindi pumayag. Anila, hindi daw ako bagay doon.

Bukod pala sa discrimination dito ay uso din ang branding ng mga tao. Like for example, if hindi ka honor student, mananatili kang low class sa Tereza. Another example, kapag wala kang pera, ay hindi ka kilalanin ng mga taong nakapaligid sa iyo.

I really hate this place pero wala akong magawa kundi ang tumira na lang dito. If only we are allowed to transfer to another state ay noon pa kami umalis. Pero hindi iyon pwede sa amin.

Kung saan ka ipinanganak, ay doon ka din dapat mamamatay. This is just one of the international laws I know.

Kinuha ko ang teddy bear sa aking harapan at niyakap ito. Hinihintay ko ang pagdating ni lola dahil bibili daw siya ng cake para amin ni Kuya.

I have views of changing this state, someday, I'm going to make people stop their stupid branding.

Dumating si Lola na may dalang cake at pansit. Lumaki ang ngiti ko at dali-dali siyang nilapitan at niyakap. "Thank you, La." May pusong sabi ko. Hindi ako magsasawang magpasalamat kay Lola dahil sa pag-aalaga niya sa amin.

"Mahal na mahal ko kayo ng kuya mo, apo. Kung sana andito ang magulang niyo, hindi sana tayo maghihirap."

Malungkot ko siyang ngitian. Mom and dad died saving this state. Sabi ni lola, parehong sundalo ang mga magulang namin. Dahil sumumpa silang ipagtanggol ang bayan, ay ibinuhis nila ang kanilang buhay para mapatay ang mga mananakop noon. Maraming nagsubok na sakupin ang Tereza pero walang ni isa ang nagtagumpay.

Kaya naman ang Tereza War ang pinakasikat sa lahat ng mga digmaan dahil sa mismong mga tao nito ang sarili nitong kalaban.

Ang ibang digmaan ay hindi ganoon ka binigyang dinig. At ang pagkamatay ng aking magulang ay hindi binigyang habili.

But the fact that my parents died trying to protect this state makes it so hard for us to leave also.

And their death was just nothing to this state. Nasaan ang hustisya di ba?

Nakita ko ang kulay itim na bracelet ni lola. Napatingin din ako sa akin. This bracelet will serve as our identity to this state. Lahat ng taong may itim na bracelet ay ang sinasabi nilang low class o ang annual income ay hanggang 20,000-35,000 lang. Noon pa man ay gusto ko nang itapon ang bagay na ito pero hindi ko naman kayang makita ang sarili ko sa kulungan. Again, one of their ways of branding people that I really hate.

Sabay kaming napalingon ni Lola sa labas ng may tumawag sa aming apliyedo. Tumayo ako at sumunod kay Lola na siya na ding nagbukas ng pinto. Nakita ko si Mr. Hikana na nakaformal attire na nakatayo sa labas ng gate naming gawa sa kahoy.

Tumaas ang isang kilay ko napaisip. Anong ginagawa niya dito? May pagpupulong na naman bang magaganap? Mr. Hikana is one of the president's messengers. Siya ang naghahatid ng mga importanteng paalala sa amin. Ama siya ni Karlie, ang general secretary ng student org sa aming unibersidad at ang babaeng sobrang vocal tungkol sa kanyang pagkagusto kay Kuya. Nakita ko ang kulay red niyang bracelet. The people with annual income of 36,000-65,000. They are class C.

Lumabas kami ni Lola at nilapitan si Mr. Hikana.

"Magandang gabi, Mrs. North and Blis." Bati niya sa amin.

"Anong maipaglilingkod namin sa iyo Mr. Hikana?" napatingin ako kay lola sa tanong nito at kinunutan siya ng noo. "Are you okay la?" tanong. Para siyang kinabahan na ano.

"Nandito ako para sabihin sa inyong may magaganap na annual job fair bukas ng umaga sa Paullino Sports Center. Iniimbitahan ko si Blis at Locke. Formal attire and don't forget to wear your coding band." Aniya sabay tingin sa aming bracelet.

Tumaas ang kilay ko sa kanyang ginawa.

"Iyon lang po. Salamat." Dagdag niya at umalis din.

Pabagsak kong isinara ang aming pinto pagkaalis ni Mr. Hikana.

"Bakit kailangan soutin? They are going to hire people according to their class again?" tanong ko sa aking sarili. Narinig ko ang buntong hininga ni Lola.

"Apo, masanay ka na."

"Masanay? La, I'm living for almost 21 years in this place. Bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa din tanggap ang pamamalakad nila? Ganoon din naman si kuya a!"

"Kasi para kayong nag-asam nang kabaguhan sa ating lungsod. Alam niyong malabong mangyari iyan. Blis, ilang beses ko nang sinabi sa inyo na sumunod na lang tayo at manahimik. Nakayanan niyo naman di ba? Kayanin niyo ulit."

Pumikit ako saglit sa sinabi ni Lola.    

No. Hindi ako papayag na magiging ganito hanggang sa huli.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon