Kabanata 2

179 8 1
                                    

Note: This is purely fiction only. Occupations are used to make the story believable. I do not mean to underestimate or drag someone down. Thank you.


Kabanata 2

Lower Class


Nakahawak ako sa braso ni Locke habang nakaupo kami sa shuttle bus na pag-aari ng mga Paullino.

Lahat kami dito sa loob ay may itim na coding band at nakaformal attire. Medyo kinakabahan ako pero tinatago ko ito sa aking sarili.

Soot ko ang isang pencil cut skirt at color white blouse na pinatungan ko nga corporate coat na kulay maroon. Ginamit ko din ang 4 year old black shoes ko na siyang nag-iisa ko lang na sapatos na may heel. 

Let's face it. I can't afford those branded stuffs katulad ng iba. But anyways, it's not a problem to me. Ang importante may naisusuot ka araw-araw.

Tiningnan ko si Locke. Hindi ko makita sa mukha niya na siya ay kinakabahan pero kanina ko pa napapansing wala siya sa kanyang sarili. I hugged him even tighter kaya nakuha ko ang kanyang atensyon. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Yes?"

"Are you okay?" masuyo kong sabi sa kanya.

Tumango siya at nginitian ako. "Yes. I am fine."

Kinunutan ko siya ng noo. I am not convinced. "Really Blis. Okay lang ako."

Napalunok na lang ako at nanahimik sa kanyang sinabi. I can feel that he is not ready to tell me whatever is bothering him. But whatever it is, alam kong malalim ang kanyang iniisip.

Kinakabahan ako. Marami pa sana akong itatanong sa kanya but I think he doesn't want to talk to me now. Sumiksik ako kay kuya at naramdaman ko na lang ang kamay niyang pumalibot sa aking braso. I am home. Kay kuya at kay Nanay. Sila ang buhay ko.

Nakarating kami sa sports center at ganoon na lang din ang ikinaiinis ng aking dugo. Lahat ay nakaupo na naman ayon sa kanilang band.

Sa unang bahagi ng sport center ay nakita ko ang mga taong may silver bracelet. The son's and daughters' of the businessmen in the state. Class B.

The people who think that money is the solution to every problem in the world. The people who become even richer and the people who slave down black banded people.

I also hate them.

Sa sunod naman nila ay ang mga taong may gold bracelet.

Or simple, the Paullino's.

Naramdaman kong humigpit ang hawak ni kuya sa aking beywang nang papalapit na kami sa aming istasyon. Napatingin agad ako sa kanya.

"Something wrong?" tanong ko. Umiling lang siya at nginitian ako.

"Again, I am fine." okay. Nalalasahan ko pa din sa boses niya na hindi pa siya handa. But whatever's bothering him, sana maging okay.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at nakita ko sa may tabi ng hallway si Karlie.

Kumaway ako sa kanya pero ngiti lang ang sinukli niya sa akin.

Tumaas ang isang kilay ko. Ang kilala kong Karlie ay lalapitan ako kapag nakita niya ako at itatanong niya sa akin kung kamusta si Kuya o hindi kaya ay lalapitan niya sa kuya at kakausapin.

But the Karlie I am seeing now is so much different.

Nakita kong tumango siya sa akin at tumingin kay kuya pagkatapos ay tumingin siya sa ibang tao.

IntrepidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon