CHAPTER 1

124 3 2
                                    

10-09-12

 

(hi ako nga pala si elisa, isang 2nd year highschool student sa FSA which means father simpliciano academy, isang simpleng babae na walang ginawa kundi ang mangarap kung kailan kaya sxa magkakaboyfriend, Hindi naman sa isa akong flirt but I just want to experience to be in a relationship, well erase it hehehehe NBSB kase ako kaya pag nakakakita ako ng mag couples sa paligid ko, I'm so curious, na . . . ano kayang feeling na may kaholding hands ka?, na may nagmamahal sayo?, na may kayakap ka?, yung ba yung kasama mo yung taong mahal mo? EWAN!!!! sooooo this is my story . . .

na in one person, I have many thoughts, and many memories that makes my life changed)

 

Ang saya kahapon ang gwapo ni kuya raul, nahulog na nga talaga ako sa kanya,lalo na nung kumindat sxa samin, sobrang cute at gwapo nya, grabe Simula nun tinitigan ko na sxa hanggang uwian

. . . si Raul nga pala ang naging crush ko nung 2nd year ako, una ko palang sxang nakita, iba na yung naramdaman ko sa kanya ang weird nga eh basta I feel so happy pag nakikita ko sxa . . .

tapos ngayon sumayaw kami sa p.e. pinapanuod ko sxa, ang galing nya talaga sumayaw ang graceful, tapos nung kami na yung sasayaw, narinig ko ang sinabi nya sakin "go Mikay!!!!"

. . . mikay nga pala ang madalas na itawag sakin ng mga kaklase ko, nagpawhole-bangs kase ako kaya halos kamukha ko na daw si Kathryn Bernardo bilang si mikay sa palabas na princess and I . . .

tumingin ako sa kanya sabay ngumiti yata ako nun? ang init kase kaya nakasimangot din ako, sabay pagkatapos naming sumayaw, grabe inilagay sa blackboard yung dalawang Hindi pa nakakapagquiz sa music at kaming dalawa yun ng kaibigan kong si Linnea well pasalamat na lang kaming dalawa at pinagbigyan pa kami ng chance para makapag-take ng quiz which is we have to play a guitar kaya naman tinawag ko na si Linnea

"Linnea bilis pag-aralan natin"

sabay lumapit sxa sa tabi ko at pinahiram kami ng kaklase naming si jelo ng gitara nya, sabay tinuruan na din kami ni jelo at di nagtagal si kuya Raul na yung nagturo samin, katabi ko kase sxa kaya nagvolunteer na sxang turuan kame, pero Hindi rin nagtagal ay kinuha na din ni jelo ang gitara nya dahil mag-aaral pa sxa para sa exam, kaya hiniram ko na lang yung gitara ni lance na isa ko ding matalik na kaibigan, unang tinuruan ni kuya Raul si Linnea at pagkatapos nya ay ako naman, ang hirap mag-gitara pero ang pinakamasayang part dun ay yung hinahawakan nya yung mga kamay ko, madalas nya nga akong tinatawanan eh, kase nanginginig daw ang mga daliri ko, well Hindi maiiwasan sakin yun dahil siguro nahihiya ako?, o kinikilig?

"where is placa and cornejo?"

Linnea Anne carbonel placa and Elisa Jane Ramos cornejo yan ang buong pangalan namin, ibig sabihin nyan tinatawag na kami ng teacher namin na si ms. eden at sa wakas ay naka 9/10 pa ko maraming salamat Kay kuya, kung Hindi dahil sa kanya, Hindi ako makakakuha ng ganitong kalaking score

habang nagkaklase, bigla nya Kong kinausap "alam mo elisa yung porma mo kanina nung sumayaw kayo, parang si mikay? kamukha mo din sxa, hindi pako nakakasagot ng biglang tinanong nya agad si jelo sa likuran namin "diba jelo kamukha nya kanina si mikay?"

"Oo" sagot naman ni jelo.

"ano bang porma?" tanong ko

"yung para bang kaparehas mo manamit si mikay"

. . . bakit kaya ang dami nyang nasita sakin? ay Ewan!!

basta ngayong araw na ito, ay inLOVE na talaga ako sa kanya . . .

10-10-12

. . . ano ba naman tong araw na ito!!! sobrang busy, daming pag-aaralan, talo pa ang mag-eexam well change topic, nasabi ko na nga pala Kay jelo na may crush ako Kay kuya raul, nangungulit kase eh, Hindi nya naman siguro ipagsasabi sa iba kase may tiwala naman ako sa kanya . . .

FOREVERMORETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon