Prologue

4 0 0
                                    

Minsan ang hirap paniwalaan ng mga nangyayari sa mundo. Kapag wala kang paki-alam, wala talaga. Kapag curious ka naman sa lahat gagawin mo para lang malutas mo ang curiosity mo.

Ang buhay talaga parang LIFE..

MASYADONG MAGULO, MAINGAY, MARAMING PAKI-ELAMERO, MINSAN NAMAN GUSTO LANG PUMAPEL AT MAMBWISIT.

Katulad ni DAEMON AZRIEL LEE ang "Ultimate Crush ng Bayan" daw. Pero para sa akin isa siyang bangungot sa buhay ko. Isang pakielamero, asungot, bwisit, epal, casanova, playboy, jerk, stupid, mayabang, lahat na !! Siya ang gumugulo sa tahimik kong buhay. Paano ba siya nakapasok sa walang kwenta kong buhay? Hindi ko alam basta nangyari ang nangyari.

Ang daming nagpapakatanga sa kanya as in. Masyado siyang famous at lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya. Yung tipong kumindat lang siya mahihimatay ka na. At iyon ang nakakaasar sa kanya!

Yucks!! NAKAKAIRITA AT NAKAKASUKA SIYA

TEKA

Ako lang naman si EMPRESS MARIEACE GOMEZ ang nag-iisang Dyosa ng kagaguhan I mean ng kagandahan na magpapabagsak kay DAEMON.

I hate bullies! So I hate Daemon!

So umpisahan na ang alamat?

Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon