Chapter 2: Seatmate

19 0 2
                                    

Thalia's POV

*ringing bell*

Recess na pala. Di pa ko nakakalabas ng room ng dinumog na ako ng mga tanong galing sa mga kaibigan ko.

"Pwede ba palabasin niyo muna ako!" sigaw ko sa kanila.

"Oh wag ka galit. Nagtatanong lang ehh. ^_^" sabi ni Marlee.

"Sino ba kasi yung guy na yun at bakit ka niya kilala?" sabi ni Kriselle.

"Weird ha? You usually avoid guys." sabi ni Elizabeth.

"Wag niyo nga muna tanungin si Thalia. Saka kita niyo naman yung mukha ni Thalia nung nakita niya yun, naiinis na nagulat." sabi ni Caitlyn.

Haaaayyy! Stress from my friends. -.- Well, pakilala ko na nga lang.

Si Caitlyn di Angelo. Priority niya rin ang studies katulad ko. Actually, almost lahat kami ganun.Kulot yung hair niya pero bagay naman sa kanya.Mataray siya tingnan, pero mabait siya.Huwag na kayong magtaka kung tahimik siya dahil tahimik talaga siya.Pero pag kasama kaming magkakaibigan medyo dumaldal siya. Ayy! Hindi pala, madaldal talaga siya. hahaha joke. Ang masasabi ko lang sa kanya, she's a great observer. At di ko kayang manipulahin ang kanyang pag-iisip. Kinda mysterious.

Si Elizabeth Grande naman ay ang aking bestfriend! :D simula nung bata pa kami. Naging magbestfriends din ang mga moms namin dahil samin. Malapit lang yung house nila samin. Nasa kabilang subdivision lang. ^ ^ By the way, masungit yan pagdating sa mga lalaki except dun sa mga close na talaga ng group namin. Maganda naman siya, maputi, singkit, may salamin, at chubby! kaso sa sobrang sungit onti lang mga nagkakagusto dyan. At yung mga yun ay yung kayang tiisin ang ugali niyang pagiging snob. Pero sweet naman siya at matalino. :> and i like her atittude! :3

Si Kriselle Dione Chase, ang aming book provider. Kung madami yung libro ko, mas madami yung kanya. ^o^ Wavy yung hair niya tapos maputi, matangkad. in short, maganda. Naging close ko siya dahil pareho kaming mahilig sa Greek and Roman mythology. Ang ayaw ko lang sa kanya ay ang pakikipag-usap niya sa mga guys. Naiirita lang ako kasi para siyang nakikipagflirt pero syempre kaibigan ko yan. Saka alam niya rin naman na ayokong nakakakita ng ganun. 

Si Marlee Anne Jones naman ay ang aming dancer. hahaha! :D Magandang morena, mabait,matalino, tapos dancer pa siya. san ka pa? xD Kaya ang daming nahuhulog sa kanya ehh. Kaso ang dami ring nagagalit sa kanyang mga girls at gays. Siguro dahil maganda siya at madalas siyang lapitan ng mga lalaki. Nagkaroon na yan ng boyfriend  tapos nagbreak. magulo ang lovelife niyan kaya di ko na inaalam. Nagmamahal siya ng tapat kaya dapat seryosohin siya. =))

Nakarating na kami ng canteen at umupo na sa table malapit sa tindahan ng carbonara. :)) Sina Marlee at Elizabeth naman bumili pa ng food nila. Kami namang tatlo nina Caitlyn at Kriselle kumain na. may baong kanin kaming daladala ehh. :> Habang kumakain nagtanong na naman si Kriselle.

"Pwede na bang magtanong? Sino ba yung guy na nag-excuse sayo?" wala pa akong sinasabing oo, nagtanong na kaagad. Take note puno pa bunganga niya yan ah, pero malinaw pa rin yung pagkasabi. Nyahaha. Iba talaga pag nagsalita toh eh. fluent kahit anong language. hahaha

"Hindi ko nga alam. At isa pa di ko naman siya kilala eh."sagot ko.

"Eh bakit ka niya inexcuse kung di ka niya kilala?" tanong na naman niya.

"Grrrr! Nakabungguan ko lang siya sa hallway. Sinundan ata ako nun kaya nalaman niya yung room ko. Kaya niya ko inexcuse kasi tinanong niya lang kung san yung room ****. Ok ka na?! Mananahimik ka na ba?!" paliwanag ko habang sumisigaw.

Title Of Her StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon